Kelsey Merritt and Jared Leto spotted rock climbing in Italy; are they dating?

by Rachelle Siazon
Aug 4, 2022
Kelsey Merritt and Jared Leto rock climbing Italy
Does Kelsey Merritt have a romantic relationship with Jared Leto? The two were sighted together in Italy where they appear to be cruising on a yacht with a bunch of common acquaintances.
PHOTO/S: @kelseymerritt / @jaredleto

May espesyal na ugnayan ba ang Pinay supermodel na si Kelsey Merritt, 25, at American actor-musician na si Jared Leto, 50?

Ito ang iniwang palaisipan sa netizens nang mamataang magkasama ang dalawa na palabang nag-rock climbing sa Sardinia, Italy.

Sa ulat ng British tabloid na Daily Mail noong August 2, 2022, makikitang sabay silang umakyat ng matarik na canyon sa tabing-dagat.

Kahit buwis-buhay ang kanilang adventure ay stylish at sexy pa rin ang dating ni Kelsey sa suot na black one-piece swimsuit.

Habang si Jared ay summer vibes din sa porma na casual long-sleeved white shirt, blue shorts, at hat.

Nakunan din silang magkasamang nakatayo sa ultra posh yacht kunsaan kasama ni Kelsey ang fellow Victoria Secret's models na sina Jasmine Tookes at Izabel Goulart.

Walang posts sina Kelley at Jared sa kani-kanilang Instagram na magkasama silang dalawa.

Pero makikita sa IG ni Kelley na ilang araw na siyang naglilibot sa Sardinia sakay ng yacht.

Continue reading below ↓

Kelsey Merritt

Kelsey Merritt

Continue reading below ↓

Kelsey Merritt

Gayundin si Jared na halatang nag-e-enjoy sa water activities.

Continue reading below ↓

Ilan sa mga pelikula ni Jared ay ang Justice League, Morbius, at Blade Runner 2049. Nanalo siyang Best Suppporting Actor sa Oscars noong 2014 para sa kanyang pagganap sa Dallas Buyers Club.

Siya rin ang lead vocalist ng American band na Thirty Seconds To Mars.

Si Kelsey ay nagtapos ng kursong Communications sa Ateneo de Manila University, at nakilalang unang Filipina na naging Victoria's Secret Angel nang sumabak siya sa fashion show ng brand noong 2018.

KELSEY MERRITT'S LAST RELATIONSHIP

Noong October 2020, naiulat ang sweet photos ni Kelsey kasama ng Olympic Gold medalist at American swimmer na si Conor Dwyer.

READ: Kelsey Merritt posts sweet photos with Olympian BF Conor Dwyer; he comments, “Mahal kita”

Pero hinihinalang hiwalay na sina Kelsey at Conor dahil umpisa ng taong 2022 nang mapansing naka-unfollow na si Conor sa IG ni Kelsey.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Does Kelsey Merritt have a romantic relationship with Jared Leto? The two were sighted together in Italy where they appear to be cruising on a yacht with a bunch of common acquaintances.
PHOTO/S: @kelseymerritt / @jaredleto
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results