Watch Now

Bella Poarch reportedly files for divorce from "secret husband" Tyler Poarch

by Khryzztine Joy Baylon
Nov 7, 2022
Bella Poarch divorce
TikTok sensation Bella Poarch reportedly filed the necessary documents to end her nearly four-year marriage with "secret husband" Tyler Poarch.
PHOTO/S: Bella Poarch Instagram

Kasal na pala si Bella Poarch?

Ito ang gulat na tanong ng netizens matapos lumabas ang balitang nag-file ng divorce ang 25-year-old Filipino-American singer at TikTok star.

Mula pa kahapon, November 6, 2022, hanggang ngayong November 7, ay nananatiling nasa topic trending list sa Philippine Twitter ang pangalan ng Fil-Am singer.

Bella Poarch divorce

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ayon sa inilabas na exclusive report ng TMZ, isang entertainment website sa United States, noong November 6, 2022 ay naghain si Bella ng divorce sa Los Angeles County para tapusin ang relasyon nila ng kanyang "secret husband" na si Tyler Poarch.

Ito'y matapos nilang ikasal noong January 2019, mahigit apat na taon na ang nakararaan.

Ayon pa sa TMZ, "irreconcilable differences" ang rason sa likod ng hiwalayan nila Bella at Tyler.

Wala man silang anak, wala rin daw plano si Bella na tanggalin ang apelyido ni Tyler sa pangalan niya at pagbayarin pa ito ng danyos.

"What's interesting is there are no photos or videos of the couple on Bella's TikTok or IG pages ... and there don't seem to be any pics of her wearing a wedding ring.

"And, don't worry fans, according to the docs ... she's not planning on ditching Tyler's last name. It's still B to the P!" mababasa sa report ng TMZ.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Bukod sa mga kantang "Build a B*tch,” “Inferno,” at “Dolls,” kilala rin si Bella bilang masugid na tagahanga ng Kapamilya hearthrob na si Joshua Garcia.

Noong August 16, 2022, inamin ni Bella na "favorite actor" at "biggest Filipino crush" niya ang Darna leading man.

Read: Bella Poarch admits crush on Joshua Garcia: “We message a lot.”

Sa ngayon ay walang pang opisyal na pahayag si Bella tungkol sa ulat na ito.

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
TikTok sensation Bella Poarch reportedly filed the necessary documents to end her nearly four-year marriage with "secret husband" Tyler Poarch.
PHOTO/S: Bella Poarch Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results