Watch Now

Bella Poarch confirms divorce reports: "I’m sorry if everyone thinks I’ve been keeping a secret."

by Khryzztine Joy Baylon
Nov 9, 2022
Bella Poarch divorce
Bella Poarch apologizes to her fans for keeping her nearly four-year marriage with "secret husband" Tyler Poarch a secret.
PHOTO/S: Bella Poarch Instagram

Nagsalita na ang Filipino-American TikTok sensation na si Bella Poarch hinggil sa ulat tungkol sa pagpa-file niya ng divorce mula sa kanyang "secret husband."

Noong November 6, 2022, nagulantang ang fans ni Bella nang maglabas ng exclusive report ang entertainment website na TMZ tungkol sa paghahain ng Fil-Am singer ng divorce sa kanyang asawa na si Tyler Poarch.

Ayon sa report, January 2019 pa nang lihim na ikasal sina Bella at Tyler.

Napagdesisyunan daw ni Bella na tapusin ang mahigit apat na taon nilang pagsasama dahil sa "irreconcilable differences."

Read: Bella Poarch reportedly files for divorce from "secret husband" Tyler Poarch

Ngayong Miyerkules, November 9, 2022, tuluyan nang kinumpira ni Bella ang ulat na ito.

Sa pamamagitan ng Instagram post, humingi siya ng paumanhin sa mga tagahanga sa aniya'y pagtatago ng sikreto.

Mababasang post ni Bella: “I'm sorry if everyone thinks I've been keeping a secret.

"I will address my divorce when I am ready to speak about it. In the meantime please respect mine and Tyler's privacy.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“My team will be taking over my socials and posting certain obligations that need to be fulfilled."

Dagdag pa niya, "I will be taking a break from social media."

Sa kabila nito, marami pa rin sa kanyang fans at mga kaibigan ang nagpaabot ng suporta at respeto sa desisyon niya.Bella Poarch divorce

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Bella Poarch divorce

Bella Poarch divorce

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kilala si Bella sa kanyang mga trending na kantang "Build a B*tch,” “Inferno,” at “Dolls."

Masugid din siyang tagahanga ng Kapamilya actor na si Joshua Garcia, na itinuturing niyang "favorite actor" at "biggest Filipino crush."

Read more:

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Bella Poarch apologizes to her fans for keeping her nearly four-year marriage with "secret husband" Tyler Poarch a secret.
PHOTO/S: Bella Poarch Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results