Watch Now

K-pop group OMEGA X ends contract with agency following abuse allegations

by Khryzztine Joy Baylon
Nov 16, 2022
OMEGA X sexual harassment and assault
South Korean boy group OMEGA X reveals that Spire Entertainment's now-resigned CEO sexually harrassed and physically assaulted the members.
PHOTO/S: OMEGA X Official Twitter

Trigger warning: sexual harrasment, assault, and suicide.

Humarap sa media ang K-pop boy group na OMEGA X upang isiwalat ang kanilang mapait na karanasan sa kamay ng babaeng CEO ng kanilang kinabibilangang agency.

Ito'y matapos silang maghain ng legal case laban sa Spire Entertainment upang ma-terminate ang kanilang kasalukuyang kontrata, at criminal charges naman para sa dating chairman ng talent agency na si CEO Kang.

Ang grupong OMEGA X ay binubuo nina Jaehan, Hwichan, Sebin, Hangyeom, Taedong, Xen, Jehyun, Kevin, Junghoon, Hyuk, at Yechan. Nag-debut sila noong June 30, 2021.

Ayon sa ulat na inilabas ng Korean Entertainment website na Soompi.com nitong Miyerkules, November 16, 2022, nagsagawa ng press conference ang grupo, kasama ang kanilang legal representatives, upang pormal na sampahan ng kaso si CEO Kang ukol sa sexual harrasment at assault.

Ginanap ang presscon sa Seoul Bar Association sa Seocho-gu, Seoul, South Korea.

Dito rin nila ibinunyag ang rason ng kanilang contract termination at ang mga kahalayang ginawa umano sa kanila ni CEO Kang.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

THE CONTROVERSY

Noong October 23, 2022, usap-usapan na ang hindi tamang pagtrato sa grupo nang makita ng isang fan at i-tweet nitong sinasaktan at sinisigawan diumano ni CEO Kang ang mga miyembro ng OMEGA X noong sila ay nag-concert sa Los Angeles, California.

Lumabas din sa report ng SBS News na ginipit ng agency ang grupo para hindi makauwi sa South Korea matapos nilang mag-concert sa L.A.

Mariin itong itinanggi ng Spire Entertainment ngunit kalauna'y humingi rin sila ng paumanhin sa OMEGA X at sa mga fans nito.

November 7, 2022, muling naglabas ng statement ang Spire Entertainment hinggil sa pagre-resign ni CEO Kang.

Ayon sa leader ng grupo na si Jaehan, matagal silang nanahimik sa takot na masira ang kanilang career.

Pahayag niya, "The reason why we couldn't help but to endure and keep quiet about all of this until now was because we were afraid that our last chance [to succeed as artists] would disappear if we didn't.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"For the sake of our fans who trusted us, supported us, and waited for us, we had to endure.

"As the eldest member and the leader [of OMEGA X], seeing the members struggling and getting exhausted, I was afraid and worried that our dreams would collapse.

"We came to a point where we couldn't keep it in nor endure any longer. For anyone else receiving unfair treatments and for those who also have dreams, we decided to gather courage [to speak up]."

SEXUAL HARRASMENT & ASSAULT

Sa press conference, inisa-isa nilang idinetalye ang pinaggagawa sa kanila ni CEO Kang.

Lahad ni Jaehan, "After practice was over, CEO Kang called me and forced me to drink.

"Sexual harassment was also involved. She touched my face and hand.

"After drinking, she called me through KakaoTalk. She lashed out by saying that if we are going to continue to be idols, we have to crawl.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"She also said she would commit suicide, so the members received therapy. We only wanted to be respected as people who love music.”

Sabi ng isa pang member na si Yechan, noong una naman daw ay maayos ang relasyon nila kay CEO Kang. Mabait daw ito sa kanila ngunit katagalan ay nagbago at naging "bad influence" na.

Nagagalit din daw ito kung hindi masunod ang kanyang mga gusto, katulad na lamang ng sapilitan niyang pagpapainom.

Saad ni Sebin, "They said there would be no next album if we refused to attend drinking gatherings."

Dahil sa kanilang mga naranasan na pang-aabuso, ang mga miyembro ng OMEGA X ay nakaramdam na rin daw ng anxiety.

Ni wala rin daw silang natanggap na sorry sa mga pinaggagagawa sa kanila ni CEO Kang.

Ani Junghoon, "We have never even once received a sincere apology since returning home after such an incident occurred.

"Rather, they raised the discussion of our military enlistment.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"They threatened us by sending absurd statement of accounts. We made a resolve after determining that we could not communicate with them.”

Sa huli, hiling ng OMEGA X na malampasan at mapagtagumpayan nila ang pagsubok na ito.

Nagpasalamat at nangako rin sila sa kanilang fans na hindi sila susuko at patuloy silang gagawa ng musika na magbibigay saya at inspirasyon sa kanilang mga tagahanga.

Anila, “We all did our best while dreaming of the same dream of becoming a singer.

“There is also something we want to tell our fans. Above all, we 11 members could come to this place because we had the strength of our fans.

"Thanks to the fans, we took courage, so us 11 members will not give up, and we will continue to make music and performances while greeting fans by showing a good side of us.”

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
South Korean boy group OMEGA X reveals that Spire Entertainment's now-resigned CEO sexually harrassed and physically assaulted the members.
PHOTO/S: OMEGA X Official Twitter
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results