Watch Now

Confirmed: South Korean superstars Lee Jong Suk, IU are dating

by Khryzztine Joy Baylon
Dec 31, 2022
 Lee Jong Suk, IU are dating
Lee Jong Suk's (left) agency confirmed that the actor is dating IU (right), after Dispatch report claimed that the two spent holidays together in Japan and have been dating for almost four months.
PHOTO/S: Lee Jong Suk/IU Instagram

Kumpirmadong "dating" ang status ng K-drama stars na sina Lee Jong Suk at IU.

Ito'y matapos kumpirmahin ng mismong agency ni Lee Jong Suk na High Zeum Studio ngayong araw, December 31, 2022, na "from a close colleague relationship to a loving relationship" ang dalawa.

Ito ang kabuuan ng official statement ng High Zium Studio (na isinalin sa English ng online news site na Soompi):

"Hello, this is High Zium Studio.

"We would like to share our official position regarding the exclusive report regarding Lee Jong Suk.

"Actor Lee Jong Suk recently progressed his relationship with IU from a close colleague relationship to a loving relationship and the two continue to serious meet each other.

"We ask for your support so that they can continue their beautiful love."

Nangyari ang pag-amin sa espesyal na relasyon ng dalawa nang ibuking ng South Korean news outlet na Dispatch kaninang umaga na apat na buwan nang nagdi-date sina Lee Jong Suk at IU.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ayon pa sa kanilang report, magkasama sina IU at Lee Jong Suk na nagdiwang ng Pasko sa Nagoya, Japan.

Nauna na ring naispatan si IU na kumanta sa mismong araw ng kasal ng kapatid ng aktor.

Kapansin-pansin din ang naging acceptance speech ni Lee Jong Suk sa 2022 MBC Drama Awards na ginanap kagabi, December 30, 2022.

Matapos kasing manalo ng grand prize o Daesang para sa K-drama series na Big Mouth ay pinasalamatan niya ang diumano'y inspirasyon na harapin ang anumang pangamba at takot sa kanyang career.

Ngunit hindi siya nagbanggit ng pangalan kung sino ang kanyang tinutukoy.

Hinala tuloy ng mga fans na si IU ito.

Saad ni Lee Jong Suk sa kanyang speech, "I had a lot of worries, fears, and anguish after completing my military service, but there was a person who helped me think positively and go in a good direction.

"I want to take this moment and say that I've liked you a lot for a long time, and I respect you so much."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Si IU ay kilala bilang singer-actress sa South Korea. Ilan sa mga K-drama na pinagbidahan niya ay ang Moon Lovers: Scarlet Heart Ryeo (2016) at Hotel De Luna (2019), at lumikha ng nga award-winning songs gaya ng "Good Day," "Blueming," at "Celebrity"

Si Lee Jong Suk naman ay kilala sa kanyang mga series na Pinocchio (2014), Two Worlds (2016), While You Were Sleeping (2017), Romance Is a Bonus Book (2019), at Big Mouth (2022).

Nagkakilala sina IU at Lee Jong Suk nang maging co-hosts sila ng music program na Inkigayo 10 years ago.

iu lee jong suk inkigayo

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Lee Jong Suk's (left) agency confirmed that the actor is dating IU (right), after Dispatch report claimed that the two spent holidays together in Japan and have been dating for almost four months.
PHOTO/S: Lee Jong Suk/IU Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results