Watch Now

(UPDATED) Avengers star Jeremy Renner in "critical but stable" condition after accident

by Jojo Gabinete
Jan 2, 2023
jeremy renner accident
Avengers star Jeremy Renner is in critical but stable condition with injuries suffered after experiencing a weather-related accident while plowing snow.
PHOTO/S: Marvel Studios

Naaksidente ang Hollywood actor na si Jeremy Renner habang nag-aararo siya ng yelo sa lugar na kanyang tinitirhan noong Linggo, January 1, 2023 (Lunes, January 2, sa Pilipinas).

Ikinabahala ng mga nagmamalasakit kay Renner ang balitang kritikal pero stable ang kalagayan niya, na kinumpirma ng kinatawan ng 51-year-old Avengers actor.

“We can confirm Jeremy is in critical but stable condition with injuries suffered after experiencing a weather-related accident while plowing snow earlier today. His family is with him, and he is receiving excellent care,” pahayag ng tagapagsalita ni Renner.

Naganap ang insidente sa property ng Hollywood actor sa Reno, Nevada.

Inilipad ng eroplano si Renner nang dalhin ito sa ospital.

Nagtamo ng "blunt chest trauma and ortophedic injuries" si Renner dahil sa insidente.

Ayon pa sa isang malapit na tao sa aktor, kinailangang magsagawa ng pangalawang surgery si Renner dahil sa malalang pinsalang natamo nito.

Bumubuhos naman ang panalangin para sa paggaling niya mula sa kanyang mga tagahanga.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nagpasalamat ang kampo ni Renner sa medical team na nag-aalaga sa aktor at sa mensahe ng pagmamahal at suporta mula sa fans.

“Jeremy’s family would like to express their gratitude to the incredible doctors and nurses looking after him, Truckee Meadows Fire and Rescue, Washoe County Sheriff, Reno City Mayor Hillary Schieve and the Carano and Murdock families.

“They are also tremendously overwhelmed and appreciative of the outpouring of love and support from his fans,” pahayag ng representative ni Renner.

Naaksidente si Renner anim na araw bago niya ipagdiwang ang kanyang ika-52 kaarawan sa January 7, 2023.

Si Renner ang gumanap na Hawkeye sa mga pelikula at television series ng Avengers ng Marvel Cinematic Universe.

Nakilala siya nang husto ng mga Pilipino dahil kay Jason Bourne, ang karakter na ginampanan niya, sa The Bourne Legacy (2012).

Matagal na nanatili si Renner sa Pilipinas dahil dito sa Pilipinas kinunan ang mga eksena ng kanyang pelikula.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Bourne Legacy director Tony Gilroy on why he chose Manila as a shooting location: "It's just so colorful and ugly and gritty, raw and stinky and crowded."

Nabigyan din siya ng pagkakataong makapagsuot ng Barong Tagalog para sa courtesy call niya kay former President Noynoy Aquino noong 2012.

Read: Jeremy Renner pays courtesy call to President Noynoy Aquino

Jeremy Renner with former President Noynoy Aquino

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa isang interview, sinabi ni Renner na "welcoming at loving" ang mga Pilipino at gustung-gusto niya ang Palawan na kanyang narating dahil sa shooting ng The Bourne Legacy.

Bukod sa El Nido, Palawan, kinunan sa San Andres, Intramuros, Marikina, Navotas, at Sta.Mesa ang mga eksena ng action-thriller film na pinagbidahan nina Renner, Edward Norton, at Rachel Weisz.

Read More Articles:

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Avengers star Jeremy Renner is in critical but stable condition with injuries suffered after experiencing a weather-related accident while plowing snow.
PHOTO/S: Marvel Studios
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results