Watch Now

Stranger Things star Noah Schnapp comes out as gay

by Erwin Santiago
Jan 6, 2023
noah schnapp comes out
Noah Schnapp: “When I finally told my friends and family that I was gay after being scared in the closet for 18 years, and all they said was ‘we know.'”
PHOTO/S: @noahschanpp on Instagram / TikTok

Idinaan ng Stranger Things star na si Noah Schnapp, 18, sa TikTok ang pag-amin na siya ay gay.

Sa TikTok post niya nitong January 5, 2023, mapapanood si Noah habang nili-lip sync ang boses ng ibang creator na nagsabing "You know what it never was? That serious."

Mababasa naman ang message na ito sa mismong video: “When I finally told my friends and family that I was gay after being scared in the closet for 18 years, and all they said was ‘we know.'”

Ibig sabihin ay hindi na ikinagulat ng kanyang mga kaibigan at pamilya ang pagiging gay niya.

Sa caption naman ng kanyang post ay sinabi ni Will, “I guess I’m more similar to Will than I thought.”

Ang tinutukoy rito ni Noah ay ang eksena sa Season 4 ng Netflix series na Stranger Things, kung saan tila inamin ng kanyang karakter na si Will Byers na may nararamdaman siya, higit sa pagiging magkaibigan, sa best friend niyang si Mike Wheeler (Finn Wolfhard).

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kasunod ng paglabas ng mga espekulasyon tungkol sa nasabing eksena, sinabi ni Noah sa panayam niya sa Variety na walang duda tungkol sa eskswalidad ni Will.

Aniya, “It’s 100% clear that he is gay and he does love Mike.”

@noahschnapp

I guess I’m more similar to will than I thought

? original sound - princessazula0

Habang isinusulat ang artikulong ito ay mayroon nang 13.1 million views ang TikTok post na ito ni Noah.

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Noah Schnapp: “When I finally told my friends and family that I was gay after being scared in the closet for 18 years, and all they said was ‘we know.'”
PHOTO/S: @noahschanpp on Instagram / TikTok
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results