Indian actress Tunisha Sharma dies by suicide; police arrests her co-star, ex-boyfriend Sheezan Khan

by Jojo Gabinete
Jan 7, 2023
tunisha sharma sheezan mohammed khan ali baba
Indian actress Tunisha Sharma, 20, allegedly died by suicide on the set of her TV show on December 24, 2022. Tunisha's co-star Sheezan Khan (right), 28, who's also her ex-boyfriend, has been arrested on charges of abetment of suicide and sent to police custody.
PHOTO/S: @_tunisha.sharma on Instagram

Trigger Warning: Suicide

Ang pagpapakamatay ng Indian actress na si Tunisha Sharma ang nananatiling pinakamalaking balita sa India sa unang buwan ng 2023.

Winakasan ni Tunisha ang sariling buhay sa pamamagitan ng pagbibigti sa mismong set ng Ali Baba: Dastaan E-Kabul, ang television series na pinagbibidahan niya, noong December 24, 2022.

Dinakip ng mga pulis si Sheezan Mohammed Khan, ang co-star at ex-boyfriend ni Tunisha, dahil sa paratang na siya ang dahilan ng pagpapatiwakal ng 20-year-old actress na nagselos umano sa ibang babae.

Sina Tunisha at Sheezan ang mga bida sa Ali Baba, at tinapos nila ang kanilang relasyon labing-limang (15) araw bago winakasan ni Tunisha ang sariling buhay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang ina ni Tunisha ang nagsampa ng reklamo laban kay Sheezan dahil, diumano, ito ang nagtulak sa kanyang anak para magpakamatay.

Paratang ng ina ni Tunisha, sinampal umano ni Sheezan si Tunisha at pinilit itong magsuot ng hijab, ang takip sa ulo na ginagamit ng mga kababaihang Muslim dahil Islam ang relihiyon ni Sheezan.

Lumitaw sa imbestigasyon ng mga pulis na nagpunta si Tunisha sa washroom ng set ng Ali Baba habang nagaganap ang taping nila pero hindi na siya lumabas.

Dahil dito, winasak ng mga tao ang pinto ng banyo at natuklasan ang kanyang nakabiting katawan na wala nang buhay.

Nagawa pa ni Tunisha na mag-post sa kanyang Instagram ng "Those who are driven by passion doesn't stop" bago niya tinapos ang sariling buhay.

At press time, meron nang 62,050 comments ang huling Instagram post ni Tunisha mula sa kanyang mga tagahanga na ipinagluluksa nang labis ang pagkawala niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Agad namang dinakip ng mga pulis si Sheezan at, hanggang ngayon, nakapiit pa rin siya sa presinto.

Sa press conference na ipinatawag ng pamilya ni Sheezan, itinanggi nila ang mga bintang ng ina ni Tunisha laban sa 28-year-old actor.

Hindi nila umano pinilit si Tunisha na umanib sa Islam at mas malapit daw ang aktres sa kanila kesa sa sarili nitong pamilya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kinumpiska naman ng mga pulis ang cellphone ni Sheezan.

Nabawi o na-retrieve nila ang mga binurang mensahe at pakikipag-usap ng aktor sa “secret girlfriend” nito na matibay na ebidensiyang ugat ng kanilang paghihiwalay at pinagmulan umano ng depresyon ni Tunisha na humantong sa pagpapakamatay nito.

Read More Hot Stories:

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Indian actress Tunisha Sharma, 20, allegedly died by suicide on the set of her TV show on December 24, 2022. Tunisha's co-star Sheezan Khan (right), 28, who's also her ex-boyfriend, has been arrested on charges of abetment of suicide and sent to police custody.
PHOTO/S: @_tunisha.sharma on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results