Romeo and Juliet stars Olivia Hussey, Leonard Whiting sue Paramount for child abuse over nude scene in 1968 film

by Jojo Gabinete
Jan 8, 2023
romeo and juliet 1968
Romeo and Juliet (1968) stars Leonard Whiting and Olivia Hussey filed a lawsuit in Santa Monica Superior Court on January 6, 2023 accusing Paramount of sexually exploiting them and distributing nude images of adolescent children. Whiting and Olivia arew now both in their 70s.

Sexual abuse, sexual harassment, at fraud ang mga kasong isinampa ng veteran English actors na sina Leonard Whiting, 72, at at Olivia Hussey, 71, laban sa Paramount Pictures.

Isinampa ng dalawa ang mga kaso laban sa giant film company sa Santa Monica Superior Court, Santa Monica, California, noong Biyernes, January 6, 2023.

Sina Whiting at Hussey ang mga bida sa Romeo and Juliet, ang 1968 coming-of-age period drama film na halaw sa klasikong dula na isinulat ni William Shakespeare.

romeo and juliet 1968

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Naging blockbuster ang pelikula at nagkamit ito ng apat na nominasyon, kabilang ang Best Picture, sa Oscars noong 1969.

Menor de edad sina Whiting at Hussey — 16 and 15, respectively — nang gawin nila ang pelikula na mula sa direksiyon ni Franco Zeffirelli, na pumanaw noong June 15, 2019.

Nakasaad sa reklamo nina Whiting at Hussey na kahit wala sa pinag-usapan at kasunduan, kinumbinsi sila ni Zeffirelli na maghubad sa isang eksena ng Romeo and Juliet.

Iginiit nila sa kanilang demanda na sinabi ni Zeffirelli na gagamit sila ng kulay-balat na mga pangloob (flesh-colored underwear) sa eksena nila sa kama. Pero sa araw ng shooting, body make-up lamang ang ipinagamit sa kanila ng direktor.

Tiniyak daw ng direktor na walang makikitang maselan na bahagi ng mga katawan nila.

Pero hindi natupad ang kanilang usapan dahil malinaw na napanood sa pelikula ang puwet ni Whiting at ang suso ni Hussey.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nagsalita umano si Zeffirelli na kailangan na mga hubad sila sa eksena dahil kung hindi, makakaapekto ito sa kanilang pelikula at career.

romeo and julie 1968

Franco Zeffirelli directing Hussey and Whiting in Romeo and Juliet

Mahigit sa US$500 million (27,756 billion sa Philippine currency) na kabayaran para sa pinsala ang hinihingi nina Whiting at Hussey mula sa Paramount Pictures para sa diumano’y mga pagdurusa na kanilang naranasan halos limampu't limang taon na ang nakalilipas.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ibinatay ng dalawa ang halaga ng kabayaran na hinihingi nila sa kinita ng Romeo and Juliet mula nang itanghal ito sa mga sinehan noong 1968.

Inakusahan nina Whiting at Hussey ang Paramount Pictures ng seksuwal na pananamantala at pamamahagi ng mga hubad na larawan ng mga menor de edad.

Nakalahad din sa pormal na reklamo na nagdulot ng emosyonal na pinsala at kalungkutan sa loob ng maraming dekada sa mga pangunahing artista ng Romeo and Juliet ang paraan ng pagtrato sa kanila noon ng Paramount Pictures.

olivia hussey leonard whiting case

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Leonard Whiting and Olivia Hussey now

Ayon sa business manager nina Whiting at Hussey na si Tony Marinozzi sa panayam ng BBC News, nilinlang ni Zeffirelli at ng Paramount Pictures ang kanyang mga kliyente.

Pahayag niya, "The pair were unable to take action sooner because they feared there would be ramifications for their careers and that they would not be believed.

"There just wasn't any way for them to tell that story at that time, to get people to listen.

"Now we've seen some movements with #MeToo and other platforms, but at that time there just wasn't a way to tell that story, and it's something that they have had to live with and probably struggle with for a lifetime."

Idinagdag naman ni Solomon Gresen, ang abogado nina Whiting at Hussey, “Nude images of minors are unlawful and shouldn't be exhibited.

"These were very young, naive children in the '60s who had no understanding of what was about to hit them.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"All of a sudden they were famous at a level they never expected, and in addition they were violated in a way they didn't know how to deal with."

Ang mga pahayag na ito ng kampo nina Whiting at Hussey ay taliwas sa pahayag ni Hussey sa panayam niya sa Variety noong 2018 tungkol sa nude scene niya sa Romeo and Juliet.

Sabi niya, “Nobody my age had done that before.”

Idinagdag pa niyang tastefully done ang pagkakakuha ni Zeffirelli sa naturang eksena.

“It was needed for the film,” sabi pa ni Hussey.

Sa hiwalay na panayam niya sa Fox News noon ding 2018, sinabi ni Hussey na ang nude scene nila sa Romeo and Juliet ay "taboo" sa Amerika, pero pangkaraniwan lamang ito sa European films.

Sabi ng akres, “It wasn’t that big of a deal. And Leonard wasn’t shy at all! In the middle of shooting, I just completely forgot I didn’t have clothes on.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Romeo and Juliet (1968) stars Leonard Whiting and Olivia Hussey filed a lawsuit in Santa Monica Superior Court on January 6, 2023 accusing Paramount of sexually exploiting them and distributing nude images of adolescent children. Whiting and Olivia arew now both in their 70s.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results