Watch Now

Pinay teen, driven to tears, puts in place netizen who mocked her for calling Charles & Keith bag “luxury"

by Bernie V. Franco
Jan 13, 2023
zoe gabriel luxury bag
Pinay teen na TikToker umalma sa nangutya sa kanya. Nakatanggap ng hate comments ang dalaga dahil lang tinawag niyang "luxury bag" ang PHP3,000-worth na tote bag.
PHOTO/S: TikTok (Zoe Gabriel)

Umalma ang isang Singapore-based Filipina teenager matapos makatanggap ng mga batikos online dahil tinawag niyang “luxury bag” ang tote bag na binili niya for 80 Singaporean dollars o 60 U.S. dollars o PHP3,360

Nitong weekend, nag-post ang TikToker na si Zoe Gabriel ng video na kuha noong bumili at nag-unbox siya ng bag mula sa Singaporean brand na Charles & Keith.

Aniya sa caption: “My first luxury bag.”

Regalo ito ng kanyang tatay.

Kita sa video ang excitement ng dalaga sa nabiling bag.

At press time, umabot na sa higit 10 million views ang TikTok video ni Zoe.

Marami ang nagpahayag ng saya para sa dalaga, pero hindi rin nawala ang pagpuna sa kanya.

Lumalabas na may mga netizens na kinutya siya dahil tinawag niyang “luxury” ang biniling bag.

zoe gabriel luxury bag

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

TIKTOKER RESPONDS TO hate comments

Sa parehong araw, nag-post muli ng video ang dalaga na halatang emosyunal at mangiyak-ngiyak.

Malinaw na naapektuhan siya sa mga kritisismong natanggap.

Sinagot niya ang isang netizen na kumutya sa kanya.

Aniya, “Money is the topic that makes me most uncomfortable to talk about and that is because growing up, I did not have a lot, my family didn’t have a lot.

“We couldn’t buy new things as simple as bread from Bread Talk… [it] was such an occasional thing.

“That kind of thing was luxury to us when we first moved to Singapore.”

Banat niya sa kritiko, “Your comment spoke volumes on how ignorant you seem because of your wealth.

“To you an $80 bag may not be a luxury, [but] for me and my family it is a lot,” sabi ng emosyonal na dalaga.

“And I’m so grateful that my dad was able to get me one. He worked so hard for that money."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pagtatapos ni Zoe, “I can’t believe I got hate over a bag that I was so excited to have.”

zoe gabriel luxury bag

Ang karanasan ni Zoe ay patunay lamang na you can't take everything you see or watch on social media at face value.

Huwag basta-basta mag-generalize o mag-judge.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang TikTok video na ito ni Zoe ay lumabas at inulat ng ilang news sites sa Asya.

Sa isang TikTok entry, naibahagi ng dalaga na parehong Pilipino ang mga magulang niya, pero lumaki sa Singapore na itinuturing niyang tahanan.

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Pinay teen na TikToker umalma sa nangutya sa kanya. Nakatanggap ng hate comments ang dalaga dahil lang tinawag niyang "luxury bag" ang PHP3,000-worth na tote bag.
PHOTO/S: TikTok (Zoe Gabriel)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results