Watch Now

Thai actor Ohm Pawat issues apology amid past bullying scandal

by Khryzztine Joy Baylon
Jan 14, 2023
Ohm Pawat bullying controversy
Thai actor Ohm Pawat takes to social media to apologize for his past bullying scandal: "I am truly sorry from the bottom of my heart. This incident will never be erased and I will forever feel guilty about it. I will never forgive myself for this action once in my life."
PHOTO/S: Ohm Pawat Twitter

Trigger warning: bullying

Nagpaliwanag at humingi ng paumanhin ang Thai actor na si Ohm Pawat kaugnay sa kontrobersiyang kinasasangkutan niya.

Si Ohm Pawat ay kilala sa kanyang 2021 Boy Love (BL) drama series na Bad Buddy bilang si Napat Pat Jindapat.

Noong January 4, 2023, inakusahan siya ng pambu-bully ng kanyang naging kaklase sa high school.

Ayon sa biktima, hindi lang siya ang binully ng Thai actor, kundi maging ang isang estudyanteng may autism spectrum disorder sa kanilang eskuwelahan.

Agad nag-trending sa Twitter ang alegasyon ng biktima. Marami sa fans ni Ohm Pawat ang nanawagan sa kanilang Thai idol na magsalita patungkol sa isyu.

January 8, 2023, inamin ni Ohm Pawat ang alegasyon at humingi ng tawad.

Sa pamamagitan ng kanyang Twitter post, ipinaliwanag ng aktor ang mga dahilan kung bakit niya ito nagawa, kasunod ng paghingi ng tawad sa biktima at mga magulang nito.

Mababasa sa kanyang post, ayon sa English translation sa Twitter: "Allow me to explain what happened [pray emoji].

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"For the issue which has been raised, I am truly sorry from speaking up to late since this incident is something that other people are involved too.

"I do admit that I was once a naughty young boy in my childhood. And most of the time, it was just a boy being a boy.

"A boy who absolutely had no clue I had hurt someone around me, but I really had no bad intention against them, at that time, when the incident happened."

Aminado si Ohm Pawat na maling-mali ang ginawa niya noon. Dahil dito, umabot na rin daw sa puntong ipinatawag ang kanyang magulang para kausapin ng pamunuan ng kanilang eskuwelahan.

Kuwento niya, "I was in a middle school. However, I and my fellow friends were penalized by the teachers and our parents were asked to speak with school administrators because of my action.

"Eventually, I, along with my parents had apologized to the victims and their parents for my own wrong doings."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Dahil sa insidente, marami raw siyang bagay na napagtanto at natutunan.

Sabi niya, "Because of the incident, I've learnt one pecious life lesson which teaches me to become a better person each and each day.

"I feel sorry if something I had done in the past planted a scar on that friend's heart and has lasted the pain on them.

"I am truly sorry from the bottom of my heart.

"This incident will never be erased and I will forever feel guilty about it.

"I will never forgive myself for this action once in my life."

Dagdag pa niya, "I want to apologize to every single person who was affected by my childish action."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓


tHE GLORY

Ilan sa mga tagahanga ni Ohm Pawat ang na-disappoint sa kanyang nakaraan.

Sa Twitter, samu’t sari rin ang naging reaksiyon ng kanyang fans.

Ilan pa sa mga ito ay nagsasabing ang pag-amin, pag-ako sa kasalanan, at paghingi ng tawad ni Ohm Pawat sa kanyang mga biktima ay epekto ng hit South Korean series na The Glory.

Ang The Glory ay kuwento ng isang young architect aspirant na si Dong-eun na biktima ng matinding bullying noong siya ay high school.

Dahil sa kanyang mapait na pinagdaanan ay nagplano siyang gumanti sa mga umapi sa kanya.

Ang South Korean superstar na si Song Hye Kyo ang gumanap na bida sa seryeng ito.

Naniniwala ang maraming netizens na maaaring ang K-drama na The Glory ang nagmulat kay Ohm Pawat na itama ang kanyang maling nagawa at humingi ng kapatawaran sa mga biktima nito.

Hindi rin daw ito imposible dahil naging most watched show worldwide sa Netflix ang The Glory noong unang linggo ng Enero.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Samantala, sa kabila ng isyung kinasasangkutan, tuloy na tuloy si Ohm Pawat, kasama ang kanyang Bad Buddy co-actor na si Nanon Korapat, na magtutungo sa Pilipinas para sa kauna-unahan nilang fan meeting in Manila sa January 21, 2023.

Read: Itzy, Kim Soo Hyun, Kim Seon Ho to visit Manila in January 2023

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Thai actor Ohm Pawat takes to social media to apologize for his past bullying scandal: "I am truly sorry from the bottom of my heart. This incident will never be erased and I will forever feel guilty about it. I will never forgive myself for this action once in my life."
PHOTO/S: Ohm Pawat Twitter
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results