Watch Now

“Vincenzo,” “Weak Hero Class 1” actor Na Chul dies at 36

by KC Cordero
Jan 21, 2023
Photos of Na Chul
Naiulat na bago pumanaw si Na Chul, dinala pa siya sa ospital dahil sa pagbagsak ng kanyang kalusugan. Walang binanggit kung anong partikular na health issue meron siya.

Sumakabilang buhay na ang South Korean actor na si Na Chul ngayong araw na ito, January 21, 2023, sa edad na 36.

Ayon sa ulat ng entertainment portal na allkpop.com, “exacerbated health issues” ang dahilan ng kamatayan ni Na Chul.

Naiulat din na bago pumanaw ang aktor, dinala pa siya sa ospital dahil sa pagbagsak ng kanyang kalusugan.

Walang binanggit kung anong partikular na health issue meron siya.

KimGo-eun's IG post

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nagsimula ang acting career ni Na Chul noong 2010 bilang theater actor.

Kilala siya sa pagganap ng supporting roles sa maraming K-dramas at pelikula.

Lumabas din siya sa TV shows gaya ng Vincenzo, Touch Your Heart, Happiness, Through The Darkness, at Weak Hero Class 1.

Noong 2021 ay gumanap siya sa Little Women bilang lawyer ng karakter ni Kim Go-eun.

Ibinahagi naman ni Kim sa Instagram ang malungkot na balita ng pagpanaw ni Na Chul.

Nag-post siya ng mga larawan nito at nilagyan ng caption na: “The best actor ever.”

Dahil sa biglaang pagpanaw ng kaibigan, kinansela ni Kim ang kanyang appearance sana sa isang fashion show na naka-schedule ngayong Sunday, January 22.

Iniulat din ng allkpop.com na ihahatid sa huling hantungan si Na Chul sa Monday, January 23.

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Naiulat na bago pumanaw si Na Chul, dinala pa siya sa ospital dahil sa pagbagsak ng kanyang kalusugan. Walang binanggit kung anong partikular na health issue meron siya.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results