Gintong inodoro worth PHP340M ninakaw noong 2019, nawawala pa rin; mga nagnakaw, kakasuhan na

18-karat gold ito!
Aug 30, 2023
america golden toilet bowl
Apat na taon mula nang nakawin ang golden toilet bowl sa isang museum sa United Kingdom, kakasuhan na ang pitong lalaking nagnakaw nito. Pero ang gintong inidoro, hindi na nahanap pa.
PHOTO/S: Tom Lindboe Blenheim Art Foundation / dezeen.com

Umuusad na ang kaso ng pagnanakaw sa isang gintong inodoro.

Apat na taon mula noong mangyari ang insidente, sasampahan na ang pitong kalalakihang nagnakaw ng golden toilet bowl, na idinisplay sa Blenheim Palace sa Oxfordshire, England.

May bigat na 196 pounds dahil yari ito sa 18-karat gold, at nagkakahalaga ng $6 million o tinatayang PHP340 million, tinawag itong America.

Likha ito ng Italian artist na si Maurizio Cattelan, na siya ring gumawa ng six-million-peso artwork na saging, na idinikit sa pader gamit ang duct tape.

Matatandaang nag-viral ang saging artwork nang i-exhibit ito sa South Korea nitong Abril 2023 dahil kinain ito ng isang nagugutom na estudyante.

Read: Estudyanteng gutom na, kinain ang saging artwork worth PHP6M

STEALING OF THE GOLDEN TOILET

Noong September 2019, bago pa man buksan ang exhibit, pitong katao ang nanloob sa museum, at binunot sa puwesto ang fully-functioning golden toilet.

Dahil tinanggal ang pagkakadikit nito sa sahig, nagkaroon ng “extensive water damage” sa kinaroroonan nitong puwesto, na katabi lamang ng kuwarto kung saan isinilang si former UK Prime Minister Winston Churchill.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nahuli ang isang lalaki matapos ang insidente. At sa mga sumunod pang taon ay naaresto ang anim niyang. Gayunpaman, wala ni isa sa kanila ang nasampahan ng kaso.

Hindi tumigil ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa mga nakalipas na taon, ayon sa British newspaper na Sun.

At recently, nagsumite na ng mga papeles ang mga pulis sa Crown Prosecution Service para umusad ang pagsasampa ng kaso sa pitong suspek.

WHAT HAPPENED TO THE GOLDEN TOILET BOWL

Ano naman ang kinahinatnan ng gintong inodoro?

Sa hangad na ma-recover ito, nag-offer noon ng pabuyang £100,000 ($129,000) o PHP7.3 million sa sinumang makapagtuturo sa kinaroroonan nito.

Pero hindi na ito nahanap pa.

Sabi noon ng Thames Valley police and crime commissioner Matthew Barber, magiging hamon talaga ang pag-recover sa gintong inodoro.

Ani Barber sa interview ng BBC, “If you have that large amount of gold, I think it seems likely that someone has already managed to dispose of it one way or another.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“It would be great if we can recover it and return it, but personally, I’m not convinced it’s still in quite the same form it was.”

Sumang-ayon dito ang Scotland Yard officer na si Charlie Hill.

Ani Hill, malaki ang posibilidad na ang toilet ay pinagpira-piraso, tinunaw, at ginawang alahas.

golden toilet bowl

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang golden toilet bowl nang i-display ito sa Guggenheim Museum sa New York noong 2016.

Ang America ay unang idinisplay sa Guggenheim Museum sa New York noong 2016.

Sinisimbolo nito ang “excesses of affluence.”

Minsan din itong in-offer kay former U.S. President Donald Trump nang tanggihang ipahiram sa kanya ng museo ang painting na Landscape with Snow ni Vince Van Gogh.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Apat na taon mula nang nakawin ang golden toilet bowl sa isang museum sa United Kingdom, kakasuhan na ang pitong lalaking nagnakaw nito. Pero ang gintong inidoro, hindi na nahanap pa.
PHOTO/S: Tom Lindboe Blenheim Art Foundation / dezeen.com
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results