Airline crew members, umani ng batikos at sermon dahil sa "unprofessional" picture taking

“Angry and disappointed” si Boss.
by Bernie V. Franco
Aug 31, 2023
cabin crew outside airplane
Kinastigo ng Swiss International Air Lines ang ilan sa cabin crew members nito dahil sa delikadong pagpapa-picture nila sa labas ng eroplano, partikular sa wing ng Boeing 777.
PHOTO/S: YouTube (CEN via New York Post)

Siguradong bagsak at hindi nag-fly ang evaluation sa performance ng ilang airline crew members dahil lamang sa pagpapa-picture.

Nag-viral sa social media kamakailan ang video kung saan makikitang nagpo-pose para sa picture ang tatlong cabin crew members sa mismong wing ng isang Boeing 777 ng Swiss International Air Lines.

Nangyari ito ilang sandali bago lumipad ng eroplano mula sa Buenos Aires, Argentina airport papuntang Zurich, Switzerland.

Ang kumuha ng video ay isang pasahero na naghihintay sa terminal.

Sa simula, makikita ang isang female flight attendant na gumagawa ng iba’t ibang pose habang nakatuntong sa wing ng eroplano.

Hindi kita ang ang mukha ng kumukuha ng larawan, pero bukas ang emergency exit ng plane.

Read: Gintong inodoro worth PHP340M ninakaw noong 2019, nawawala pa rin; mga nagnakaw, kakasuhan na

airplane with airline crew

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pagkatapos ay lumabas sa emergency exit ang isang lalaking flight attendant at nag-akbayan sila ng babae para magpakuha.

May isa pang male crew, na base sa uniform stripes na suot ay isa siyang cabin chief, na solong nagpakuha at nag-pose pa a la-body builder.

Habang nangyayari ang mga ito, may tatlo pang lalaki na parte naman ng ground crew na nagpi-picture-taking din sa tabi ng jet engine.

airplane with cabin crew

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

AIRLINE'S management DISAPPOINTED

Napanood ng matataas na officials ng Swiss International Air Lines ang video, at pagkatapos ay naglabas agad ang kumpanya ng statement.

Kinastigo ng management ang inasal ng airline personnel.

“What looks like fun in the video is life-threatening,” ani Swiss International Airlines Spokesman Michael Pelzer sa ulat ng New York Post.

“The wings of the Boeing 777 are about five meters [16.4 feet] high. A fall from that height onto the hard surface can be devastating.”

Giit pa ng opisyal, tutuntong lamang dapat ang crew sa wings ng eroplano sa oras ng emergency—tulad ng evacuation.

Sinabi naman ng airline Vice President na si Martin Knuchel na siya ay “angry and disappointed.”

Hindi raw ito-tolerate ang hindi kanais-nais na inasal ng mga tauhan.

Read: Gintong inodoro worth PHP340M ninakaw noong 2019, nawawala pa rin; mga nagnakaw, kakasuhan na

Isang cabin chief ang nagsabing nakakahiya ang ginawa ng airline crew members.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“If that had happened to me on the ground in Zurich, I would have sent these people straight home.”

May hindi nagpakilalang katrabaho na kinondena rin ang pagsampa sa wing para magpa-picture. Aniya, ang ginawa nila ay “extremely dangerous” at “simply unprofessional.”

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kinastigo ng Swiss International Air Lines ang ilan sa cabin crew members nito dahil sa delikadong pagpapa-picture nila sa labas ng eroplano, partikular sa wing ng Boeing 777.
PHOTO/S: YouTube (CEN via New York Post)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results