VIRAL: Guro na pinasampal sa mga estudyante ang Muslim classmate

No regrets si Teacher.
by Mavell Macaranas-Dojillo
Sep 1, 2023
student and teacher
A teacher in India, Tripta Tyagi (in green), unapologetically claims she was disciplining the student for not doing his school work. Netizens see it as a hate crime.
PHOTO/S: Facebook

(TRIGGER WARNING: Violence)

Dahil sa isang viral video, ipinasara ang Neha Public School sa Muzaffarnagar district, Uttar Pradesh state sa Northern India.

Sa video, makikitang inuutusan ng teacher na si Tripta Tyagi, 60, ang kanyang mga estudyante na sampalin at saktan ang seven-year-old Muslim student.

Nangyari ang insidente noong August 24, 2023.

Pero ang nakalasaad sa order ng Indian authorities, pinasara ito dahil, “[the private school] did not meet the education department’s criteria."

Hindi direktang tinukoy ang insidente, bagkus, ang sinabi ng isang education official sa Indian Express newspaper, “...the school had no lights or fans and that there were no proper sections for different classes.”

Samantala, ililipat sa government school ang mga batang kasalukuyang naka-enroll dito.

Read: VIRAL: PWD's traumatic experience with TNVS driver

NO REGRETS FOR TEACHER TRIPTA TYAGI

Wala namang pagsisisi ang gurong si Tyagi na tinuruan pa ang mga estudyante kung paano saktan ang batang Muslim na nakatayo, umiiyak, na tinatanggap lamang ang mga sampal ng kanyang classmates.

Narinig pa si Tyagi na nagsabing, “Why are you hitting him so lightly? Hit him harder.

“Hit him on the back... His face is turning red, so hit him on the back now.”

Hindi ikinahiya ni Tyagi ang kanyang nagawa, base sa interview nito sa local NDTV news agency.

Kinailangan umano niyang gawin ito to “control” and “tackle” the children in school.

Nag-report umano ang ama ng biktima sa mga awtoridad, ngunit wala itong plano na magsampa ng kaso.

Ang pananakit sa kanyang anak ay dahil hindi raw nito alam ang “times table.”

Inalis ng ama ang anak sa nasabing eskwelahan.

HATE CRIME?

Samantala, napukaw naman ang damdamin ng netizens dahil sa viral video.

Tinawag na “hate crime” at “outright discrimination” ang ginawa ng guro.

Nanawagan din ang ilan na bigyan ng karampatang parusa si Tyagi upang hindi ito pamarisan ng iba.

Bilang tugon ng local police authorities, sinampahan ng kaso ang guro, subalit hindi ito naaresto sapagkat “bailable” ang kaso.

Read: Airline crew members, umani ng batikos at sermon dahil sa "unprofessional" picture taking

MUSLIM HATE AND THE NATIONALIST BHARATIYA JANATA PARTY

Ayon sa Dailymail.co.uk, sinabi ni Tyagi na hindi raw politically motivated ang kanyang actions.

Bagamat humingi ito ng pasensiya sa nangyari, iginiit nitong, “I did not have any Hindu-Muslim divide in mind.”

Bagkus ay nagawa lamang umano niya ito dahil hindi natapos ng bata ang kanyang homework at nais niya itong turuan ng leksiyon.

Laganap ang pamumuno ng Bharatiya Janataya Party sa Uttar Pradesh sa India simula pa noong 2017.

Ang nationalist party, sa pangunguna ni Prime Minister Narendra Modi, ang nag-spark umano ng heightened anti-Muslim sentiments sa bansa.

Simula nang maupo sa puwesto noong 2014 at ma-reelect noong 2019, ilang “controversial policies” ang ipinasa ni Prime Minister Modi “[that] explicitly ignore Muslims’ rights.”

Naging talamak din umano ang “hate crimes” at iba pang uri ng karahasan laban sa mga Muslim sa ilalim ng kanyang pamumuno.

Mayroong two hundred million Muslims na naninirahan sa India.

Bagamat malaki ang kanilang populasyon, minority pa rin silang maituturing dahil simula nang maging independent ang bansa ay naging subject ang mga Muslim sa “systematic discrimination, prejudice, and violence.”

Ilang dekada na rin nila itong pinagdadaanan dahil base umano sa mga kuwento, “the ancient glory of Hindus was tarnished by Muslim rulers,” ayon sa Aljazeera.com.

Ang mga Muslim ang kanilang sinisisi, mula sa paglobo ng populasyon ng India, pati na rin sa inflation, anti-women practices, at maging sa paglaganap ng coronavirus.

Samantala, sinisisi ni opposition Congress Party MP Rahul Gandhi ang BJP sa religious tension sa bansa, maging sa nangyaring insidente ng pananakit sa Muslim boy.

Pahayag nito sa social media platform na X, (dating Twitter), “Sowing the poison of discrimination in the minds of innocent children, turning a holy place like a school into a marketplace of hatred.

“This is the same kerosene spread by the BJP that has set every corner of India on fire.”

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
A teacher in India, Tripta Tyagi (in green), unapologetically claims she was disciplining the student for not doing his school work. Netizens see it as a hate crime.
PHOTO/S: Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results