Hiwalay na ang American singer na si Joe Jonas, 34, at ang Hollywood actress na si Sophie Turner, 27.
Ito'y matapos ang mahigit apat na taong pagsasama bilang mag-asawa.
Read: Joe Jonas slams drug rumors
Ayon sa ulat na inilabas ng TMZ, isang entertainment website sa Amerika, nitong Martes, September 5, 2023, naghain si Joe ng divorce sa Miami Dade County sa Florida.
Ang rason umano sa likod ng hiwalayan nila ay "the marriage between the parties is irretrievably broken."
Ayon pa sa TMZ, ang pagkakaiba ng lifestyle nina Joe at Sophie ang isa sa nagtulak sa singer na mag-file ng divorce.
"She [Sophie] likes to party, he [Joe] likes to stay at home. They have very different lifestyles," saad ng kanilang source.
Magkahiwalay man, napagkasunduan daw ng dalawang kampo ang co-parenting set-up para sa dalawa nilang anak na si Willa, 3, at ang one-year-old na hanggang ngayon ay hindi pa nila isinasapubliko ang pangalan.
Mababasa sa divorce paper na isinumite ni Joe, "It is in the best interests of the minor children that the parties have shared parental responsibility."
Taong 2016 nang mapabalitang nagde-date sina Joe at Sophie.
2017 nang ma-engage sila.
"She said yes," maikling caption ni Joe sa larawan ng kamay ni Sophie na may suot-suot na diamond ring na ibinahagi niya sa Instagram.
Read: Joe Jonas claims Miley Cyrus and Demi Lovato introduced him to weed
Dalawang beses ikinasal sina Joe at Sophie.
Una, noong May 2019, sa Las Vegas, Nevada, matapos nilang dumalo sa Billboard Music Awards.
Pangalawa, noong June 2019, sa Château de Tourreau sa Sarrians, France.
Si Joe ay miyembro ng American pop-rock band na Jonas Brothers. Kilala rin siya bilang ex-boyfriend ng singers na sina Taylor Swift at Demi Lovato, at aktres na si Camilla Belle.
Read: Joe Jonas reportedly dating a model
Si Sophie ay nakilala nang husto dahil sa HBO series na Game of Thrones (2011). Ilan sa mga pelikulang ginawa niya ay Another Me (2013), X-Men: Apocalypse (2016), at Dark Phoenix (2019).