Sa wakas ay nagsalita na ang American singer na si Joe Jonas, 34, at ang Hollywood actress na si Sophie Turner, 27, ukol sa napabalita nilang paghihiwalay at pagpa-file ng divorce.
Ito'y matapos ang mahigit apat na taon nilang pagsasama bilang mag-asawa.
Nitong Martes, September 5, 2023, naging usap-usapan sa social media ang hiwalayan ng dalawa, maging ang paghahain umano ng divorce ni Joe sa Miami Dade County sa Florida para mapawalang bisa ang kasal nila ni Sophie.
Ayon sa ulat na inilabas ng TMZ, isang entertainment website sa Amerika, ang rason umano sa likod ng hiwalayan nila ay "the marriage between the parties is irretrievably broken."
Ang pagkakaiba rin daw ng lifestyle nina Joe at Sophie ang isa sa nagtulak sa singer mag-file ng divorce.
Read: Joe Jonas files for divorce from Sophie Turner; marriage "is irretrievably broken"
Sa pamamagitan ng joint statement sa Instagram nitong Miyerkules, September 6, tuluyan nang tinuldukan ng Hollywood couple ang mga haka-haka tungkol sa kanilang hiwalayan.
Ayon kina Joe at Sophie, totoo ang lumalabas na balitang hiwalay na sila. Idiniin din nilang mutual decision ito.
Mababasa sa kanilang pahayag, “After four years of wonderful marriage we have mutually decided to amicably end our marriage.
"There are many speculative narratives as to why but, truly this is a united decision."
Sa huli, hiling nina Joe at Sophie na irespeto ang kanilang privacy at huwag nang idamay pa ang dalawa nilang anak na si Willa, 3, at ang one-year-old na hanggang ngayon ay hindi pa nila isinasapubliko ang pangalan.
Saad nila, "We sincerely hope that everyone can respect our wishes for privacy for us and our children.”
May dalawang anak sina Joe at Sophie.
Taong 2016 nang mapabalitang nagde-date sina Joe at Sophie.
2017 nang ma-engage sila.
Read: Joe Jonas claims Miley Cyrus and Demi Lovato introduced him to weed
Hanggang noong 2019, nangyari ang pag-iisang dibdib nila.
Dalawang beses ikinasal sina Joe at Sophie.
Una, noong May 2019, sa Las Vegas, Nevada, matapos nilang dumalo sa Billboard Music Awards.
Pangalawa, noong June 2019, sa Château de Tourreau sa Sarrians, France.