Miss Universe Organization owner Anne Jakrajutatip denies cancellation of Miss Universe 2023 in El Salvador: “FAKE NEWS.”

Anne Jakrajutatip: "So JKN will sue every news station that says it themselves."
by Arniel C. Serato
Sep 7, 2023
Anne Jakrajutatip denies Miss Universe 2023 in El Salvador not pushing through
Miss Universe Organization owner Anne Jakrajutatip strongly denies "FAKE NEWS" about 72nd Miss Universe: "Everything has been planned for months, for this November 18th pageant hosted by the El Salvador government....”
PHOTO/S: Courtesy: Instagram

Mariing pinabulaanan ni Miss Universe Organization owner Anne Jakrajutatip ang balitang hindi matutuloy ang 72nd Miss Universe pageant sa bansang El Salvador.

Sa kanyang official Facebook page ngayong araw, September 7, 2023, ipinost ni Anne ang isang screenshot sa salitang Thai, at nilagyan niya ito ng caption na “FAKE NEWS.”

Walang translation ang nasabing screenshot kaya maaring ang tinutukoy nito ay ang paparating na Miss Universe 2023 pageant.

Ayon sa Thai transgender billionaire, walang katotohanang hindi matutuloy ang pagdaraos ng Miss Universe 2023. Naplantsa na raw ang lahat ng mga detalye ukol dito.

Pahayag ni Anne, “FAKE NEWS!! This is FAKE NEWS!!! There is no truth at all!!!

“What do you want to write?! Everything has been planned for months. for this November 18th pageant hosted by the El Salvador government....”

Saad pa ni Anne, posibleng gumawa ng legal na hakbang ang kanyang kumpanyang JKN Global sa mga magpapakalat ng maling balita.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Wala man lamang daw ginawang hakbang ang nagsulat ng maling balita upang kunin ang panig ang JKN Global executives.

Saad pa niya, “So JKN will sue every news station that says it themselves... I wrote it myself... Self-analyse without interviewing the executives including Ann.

“Just to try to insult the color label.... Born out of one story but trying to pick up other stories, Lam Pam creates too much news color from reality, to seek ratings and revenue for its news agency.”

Pakiusap pa niya sa mga netizen na huwag basta-basta maniwala sa mga balita. Dapat daw galing ito mismo sa kanilang kumpanya.

Aniya, “So, I beg all citizens to listen and take information directly from the company.

“Real message not false message with malicious motive.....

“Ann and the team are ready to reveal stories on every topic, every issue very soon .... Thank you everyone.”

Anne Jakrajutatip statement on Miss Universe 2023 in El Salvador

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Nitong nakaraang August 31, 2023, sumambulat sa Bangkok Times ang balita ukol sa kinakaharap na problema ni Anne at ng kanyang kumpanya ukol sa pananalapi.

Bumagsak umano ang shares ng JKN Global Group PLC matapos ang pahayag ni Anne na hindi mababayaran ng kompanya niya ang 609 million baht (PHP984,631,200) worth of debentures, ang una sa pitong tranches o bahagi ng kanyang pagkakautang na may kabuuang halaga na 3.36 billion baht (PHP5,429,424,000,000).

Read: Miss Universe Organization owner Anne Jakrujatatip faces debt problem

Noong September 1, sa live broadcast niya sa YouTube channel ng JKN Global Group, kinumpirma ni Anne na binayaran na nito ang 25 percent ng pagkakautang ng kanyang kompanya.

Iginiit ni Anne na minabuti niyang magsalita muli tungkol sa kontrobersiyal na isyu dahil, para sa kanya, walang problema.

Isa-isang binanggit ni Anne ang mga local at international business niya para malaman ng publiko ang kanyang network dahil sa dalawampu’t limang taong pagnenegosyo, hindi pa siya nagkaroon ng problema sa mga bangko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Miss Universe Organization owner Anne Jakrajutatip, nagbawas na ng utang

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Miss Universe Organization owner Anne Jakrajutatip strongly denies "FAKE NEWS" about 72nd Miss Universe: "Everything has been planned for months, for this November 18th pageant hosted by the El Salvador government....”
PHOTO/S: Courtesy: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results