Kasal na ang Hollywood actress na si Joey King sa producer-director na si Steven Piet.
Ginanap ang pag-iisang dibdib ng dalawa sa Mallorca, Spain nitong September 2, 2023, ngunit ngayong Sabado, September 9, lamang nila ito isinapubliko.
Sa pamamagitan ng Instagram, ibinahagi ni Steven ang mga kuhang larawan nila ni Joey sa naganap nilang kasal.
Makikita rito ang ngiti at saya ng dalawa.
"Only in this moment can we discover that which is timeless," mababasa sa caption ni Steven.
Agad ding bumuhos ang congratulatory messages mula sa kanilang mga kaanak at malalapit na kaibigan.
Kabilang sa nagkomento sa post ni Steven ay ang nakatatadang kapatid ni Joey na Hunter King.
Mensahe niya, "So happy to call you my brother [heart emoji] what a beautiful celebration of your love for one another!"
Nag-iwan din ng komento ang Fil-Am singer-actress na si Vanessa Hudgens.
Aniya, "Stunning princess."
Read: WHAT PEP KNOWS: Paul Soriano in the center of controversy at Vanessa Hudgens' presscon
Unang nagkakilala sina Joey at Steven nang magkasama sila sa Hulu's true crime drama limited series na The Act noong 2019, kung saan gumanap ang The Kissing Booth actress bilang Gypsy Rose Blanchard, habang si Steven naman ang nagsilbing producer.
Sa parehas na taon nila inanunsiyo ang espesyal nilang relasyon.
March 2, 2022, naman nang ma-engage sila.