Kasal na ang People's 2022 Sexiest Man Alive na si Chris Evans!
Ayon sa ulat ng Page Six, ikinasal si Chris, 42, sa Portuguese actress na si Alba Baptista, 26, sa isang intimate ceremony sa Boston, Massachusetts, nitong Sabado, September 9, 2023.
Read: Instagram official? Chris Evans flexes rumored girlfriend Alba Baptista on Instagram
Mahigpit daw ang seguridad sa kasal nina Chris at Alba dahil pinapirma lahat ng mga bisita ng NDA (non-disclosure agreement) at kinumpiska rin ang kanilang mga cellphone.
Ayon pa sa impormante ng Page Six, inimbita ng couple ang kani-kanilang pamilya at malalapit na kaibigan.
Kabilang din daw sa guest list ang ilan sa Avengers co-stars ni Chris na sina Robert Downey Jr., Chris Hemsworth, at Jeremy Renner.
Nagsimula ang romance rumors sa pagitan nina Chris at Alba noong November 2022 nang isang source ang nagsabi sa People magazine na "over a year" nang nagdi-date ang dalawa.
Hanggang noong January 7, 2023 ay nag-post si Chris sa kanyang Instagram ng 49-second video compilation nila ni Alba na ginugulat ang isa't isa.