Ang dapat sana ay masayang okasyon ay nauwi sa malungkot na trahedya nang masawi ang isang piloto sa isang gender-reveal stunt.
Nag-crash kasi ang eroplano!
Ang climax ng party ay ang pag-reveal ng pink smoke ng eroplano na indikasyong babae ang baby sa sinapupunan ng nanay.
Habang nakatayo ang couple sa party venue, makikita ang paglipad sa himpapawid ng eroplano—isang Piper PA-25—at nagbuga ng pink smoke.
Ang piloto sa eroplano ay si Luis Ángel N, 32 anyos.
Pagkalabas ng usok ay maririnig ang pagbubunyi ng mag-asawa, mga kaanak, at mga kaibigan.
Nakunan sa video na humiwalay ang left wing ng maliit na eroplano, at nag-crash sa hindi kalayuan sa pinaggaganapan ng kasiyahan.
Read: Painting na nabili for PHP220; may nakaipit sa frame na historical document worth PHP134M
Nangyari ang insidente noong Linggo, September 3, 2023 sa di tinukoy na venue sa Navolato City, state ng Sinaloa, na nasa northwestern part ng Mexico.
Si Luis ay tubong Navolato at mag-isa lamang sa eroplano nang mag-crash ito.
Sa interview ng CNN kay Alan Francisco Rangel ng Sinaloa Red Cross, agad na rumesponde ang paramedics.
Nilapatan nila ng pang-unang lunas ang piloto bago ito dalhin sa kalapit na ospital.
Kritikal ang kondisyon ng piloto, at kalaunan, nasawi ito.
Bukod kay Luis ay walang ibang nasaktan o nadamay sa insidente.
Read: 78 anyos na lalaki, nag-propose sa kanyang crush matapos ang 60 years
GENDER REVEAL TRAGEDIES
Hindi ito ang unang pagkakataon na nagkaroon ng aberya ang mga gender-reveal parties.
Karaniwang nababahiran ng trahedya ang selebrasyon dahil sa mga kakaibang stunts na naiisipan ng organizers o ng couples mismo.
Dati ay nairaraos ito sa pag-slice ng cake o pag-pop ng balloons na may confetti, pero ngayon ay ginagamit na ang pyrotechnic at iba pang pasabog.
Noong April 23, 2017, sumiklab ang isang malawakang wildfire sa Arizona na kumalat sa 47,000 acres na lupain dahil sumabog ang makeshift target na Tannerite o binary explosive targets na kargado ng blue powder.
Nagsimula ito ng malawakang sunog sa paanan ng Santa Rita Mountains, dahilan upang magmulta ng halagang USD 8 million na danyos ang mga responsable sa nangyari.
Isang kahawig na pangyayari ang naitala noong September 5, 2020 sa silangang bahagi ng Los Angeles.
Ang wildfire na tumupok sa 22,000 acres of land at nag-displace sa 3,000 na residente ay nagsimula lamang sa fireworks na ginamit sa gender-reveal party.
Hindi rin ang pilotong si Luis ang unang casualty sa kaparehong event.
October 26, 2019 nang masawi si Pamela Kreimeyer, 56, sa Knoxville, Iowa.
Ang ginamit na device ay maglalabas dapat ng spray powder, ngunit sumabog ito na tila isang pipe bomb.
Ang ginang na nakatayo 13 meters away ay tinamaan ng tumalsik na debris sa ulo, at naging sanhi ito ng kanyang kamatayan.