Hiwalay na ang Hollywood actor na si Hugh Jackman at ang Australian actress na si Deborra-lee Furness pagkatapos ng 27 taong pagsasama bilang mag-asawa.
Ikinasal sila noong 1996.
Kinumpirma ng dalawa ang kanilang paghihiwalay sa inilabas nilang joint statement sa People.
"We have been blessed to share almost 3 decades together as husband and wife in a wonderful, loving marriage," ayon sa statement.
"Our journey now is shifting and we have decided to separate to pursue our individual growth."
Sa kabila ng kanilang paghihiwalay, ang pamilya raw nila ang kanilang prayoridad. Ang ex-couple ay may dalawang anak: sina Oscar, 23, at Ava, 18.
Pagpapatuloy ng statement: "Our family has been and always will be our highest priority.
“We undertake this next chapter with gratitude, love, and kindness.
“We greatly appreciate your understanding in respecting our privacy as our family navigates this transition in all of our lives."
Nagkakilala ang dalawa sa 1995 Australian TV series na Cornelli, kung saan nagkaroon daw sila ng instant connection.
Noong mga panahong iyon, mas kilala si Deborra sa Australia. Pero later on ay napasok ni Hugh ang Hollywood at naging A-list actor. Nakilala rin siya sa Broadway.
Kilala si Hugh sa kanyang matagal na pagganap bilang Wolverine sa X-Men movie franchise. Bida rin siya sa mga pelikulang Kate & Leopold (2001), Van Helsing (2004), at The Greatest Showman (2017).