Isang makasaysayang estatwa ang napinsala nang sumampa rito ang isang lasing na turista.
Ang masaklap pa, ang nasirang historic statue ay bahagi ng Brussels Stock Exchange, na sumailalim sa three-year restoration project.
Kakatapos pa lamang kumpunihin ang 150-year-old building—isa sa pinaka-importanteng square sa Belgium— na tumagal ng tatlong taon.
Kabubukas pa lamang nito sa publiko, pero isang araw matapos ang opening, nangyari ang aksidente.
Tinatayang umabot sa $19,000 (higit PHP1 milyon) ang ginastos sa restoration project sa nasirang rebulto sa Brussels Stock Exchange building.
Read: 17-anyos na dalagita, nag-vandalize sa Colosseum; dinala sa presinto kasama mga magulang
THE VIRAL VIDEO
Nag-viral sa social media ang video ng isang Irish tourist na umakyat sa The Bourse—estatwa ng isang leon at lalaking may hawak na torch.
Nangyari ito noong September 10, 2023, Linggo.
Sa magkabilang gilid ng entrance, makikita ang lion statues.
Halatang nakainom ang lalaki. Umakyat sa estatwa para magpakuha ng photo. Nang pababa na ito mula sa statue, napahawak ito sa torch ng estatwa na bigla na lang nabali.
Maririnig ang pagkagulat ng ibang turista sa nangyari.
Kasunod nito ay mabilis na umalis ang lalaking turista.
Read: Pinaghahanap: Turistang inukit ang pangalan nila ng dyowa sa ancient Colosseum
Nabali ang torch (encircled) na bahagi ng estatwa nang pababa na ang lasing na turista
POLICE APPREHENDS SUSPECT
Itinawag sa pulis ang pangyayari, at tinugis ang suspek na dumiretso sa isang kalapit na fast-food restaurant.
Pansamantalang na-detain ang lalaki at sinampahan na ito ng reklamo.
Ang masaklap pa, ang kaka-renovate na historic statue ay kailangan na namang kumpunihin.
Tinatayang aabot sa $19,000 (PHP1 million) ang gastos na balak ipa-shoulder sa turistang nakasira, ulat ng Het Nieuwsblad.
“The repairs are going to cost a lot of money because the work will have to be done by real craftsmen,” pahayag ni Nel Vandevennet, project manager for the restoration.
“It is listed heritage and there will be follow-up from the monuments and landscapes agency of the Brussels region.”
Dagdag ng project manager: “We would like to carry out the repairs quickly, but it will surely take a few weeks or even months.”