Matatagpuan sa Bohol ang fossil tooth ng megalodon na sinasabing "largest shark that ever lived in the world's oceans."
Ayon sa Facebook post ng Bohol National Museum noong June 30, 2020, natagpuan ng Boholanong si Christian Gio B. Bangalao ang malaking ngipin (7.6 cm x 6.5 cm) ng megalodon sa Barangay Jandig sa Municipality of Maribojoc.
Ito ay kanyang idinala at ibinigay sa museum noong May 28, 2020.
Dahil dito, hindi lamang isa kundi dalawa na ang "megalodon specimen" na kanilang naitatalang natagpuan sa Maribojoc.
"The first megalodon tooth from Bohol was found by another local, Venjo Busalla, at Maribojoc’s town plaza in 2018.
"It is currently on display in the National Museum of Natural History in Manila together with other megalodon specimens from Cagayan and Pangasinan," sabi sa kanilang post.
Dagdag kaalaman: Matatagpuan rin sa Bicol ang tarsier, isa sa pinakamaliit na primates sa mundo.
Ang megalodon ay kilala rin sa kanyang scientific name na Carcharocles megalodon na ang ibig sabihin ay "giant tooth."
Ang ngipin ng megalodon ay tatlong beses na mas malaki sa ngipin ng great white shark.
Ayon sa Bohol National Museum, kasalukuyang mga ngipin lamang ng megalodon ang natatagpuan sa Pilipinas.
Paliwanag nila, "Their bodies never become fossils, and almost all things we know about the animal (size, diet, etc.) are based on their teeth."
Wala nang nabubuhay na megalodon sa mundo ngayon.
Base sa mga pagsusuri, 3.6 million years na ang nakaraan mula nang sila'y naging extinct.
Gayunpaman, sinabi ng Bohol National Museum na may iilan pa ring modern shark pups na matatagpuan sa Abatan River sa Barangay Lincod sa Maribojoc.
Bagamat marami pa daw silang hindi alam tungkol sa mga pating na ito, "they remain as an important part of the town's unique natural heritage."
Gusto mo bang lagi kang una sa showbiz news at scoops? Subscribe to our Viber Chatbot here para lagi kang updated, and join our community for more pakulo!