Bakit malinis ang tubig-baha sa Pakil, Laguna?

by Jojo Gabinete
Nov 13, 2020
Nope, hindi ito ilog kundi baha sa bayan ng Pakil, Laguna! May paliwanag si Mayor Vince Soriano kung bakit ganito kalinaw ang tubig-baha sa kanilang bayan.
PHOTO/S: Courtesy of Mayor Vince Soriano / Lorraine Atanzo

Hindi lamang ang Marikina City at ang mga bayan sa Rizal ang lumubog sa baha dahil sa malakas na ulan at hangin na hatid ng bagyong Ulysses kahapon, November 12.

Binaha rin ang ilang mga bayan sa Laguna.

Pero kakaiba ang pagbaha na nangyari sa Pakil, Laguna dahil malinis at hindi marumi ang tubig na dumaloy.

May paliwanag si Pakil Mayor Vince Soriano tungkol sa tila phenomenon na pagbaha sa bayan na kanyang nasasakupan.

Pahayag ng alkalde sa kanyang Facebook post tungkol sa malinaw at malinis na pagbaha ng tubig sa Pakil, Laguna:

"Ang dami pong nagmemensahe at nagtatanong sa akin ukol sa mga larawan pong ito na posts ng aming kababayang si Ms. Lorraine Antazo, kaya minarapat ko na rin pong mag-post dito sa aking page ukol rito.

"Sa mga nagtatanong kung saan po ito sa Pakil, kuha po ang mga larawang ito sa Malaking Ilog na sakop ng Barangay Burgos sa Poblacion.

Continue reading below ↓

"Para po sa kabatiran ng lahat, ang ilog pong ito ay natural na malinis dahil ang tubig na dumadaloy dito ay nanggagaling direkta sa Turumba Spring Resort. Deklaradong Fish Sanctuary rin po ito ng aming bayan.

"Noong humupa ang Bagyong Ulysses kahapon, iyan po ang kinalabasan ng baha sa nasabing lugar.

"Salamat Ms. Lorraine at ang posts mong ito ng bahang normal nang nararanasan ng mga taga-Barangay Burgos ay nagbigay ng mga ngiti sa maraming mga Pilipino."

Continue reading below ↓

May bilin si Mayor Soriano na pwedeng bingwitin ng kanyang mga kababayan ang malalaking isda na nakawala mula sa fish sanctuary ng Pakil.

Sa comments section ng post ni Mayor Soriano ay may ilang taga-Pakil na nag-post ng mga larawan bilang patunay na malinis talaga ang tubig sa kanilang bayan.

Kagaya na lamang ng larawang ito ng kanal sa Pakil nang wala pang baha:


Continue reading below ↓

Likas na malinis ang tubig sa mga kanal ng Pakil.

Sa mga ordinaryong araw at kung walang baha, makikita ang malayang paglangoy sa kanal ng mga isda, pero hindi ito pineperhuwisyo ng mga residente na may mga disiplina sa sarili.

Kilala rin ang Pakil bilang tahanan ng mapaghimalang santo, ang Nuestra Señora delos Dolores de Turumba.

Matatagpuan sa likod ng Saint Peter of Alcantara Parish ang bukal ng Turumba na dinarayo ng mga tao para maligo dahil pinaniniwalaang nakagagamot ng mga karamdaman.

Ang Saint Peter of Alcantara Parish ang simbahang madalas na ginagamit sa mga shooting ng pelikula at mga teleserye tulad ng Juan Dela Cruz ng ABS-CBN.


Continue reading below ↓

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Nope, hindi ito ilog kundi baha sa bayan ng Pakil, Laguna! May paliwanag si Mayor Vince Soriano kung bakit ganito kalinaw ang tubig-baha sa kanilang bayan.
PHOTO/S: Courtesy of Mayor Vince Soriano / Lorraine Atanzo
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results