Aswang: The supernatural creeper that is Pinoy horror films’ superstar

by Jet Hitosis
Dec 29, 2020
Alma Moreno Aswang, Maria Labo poster, Lovi Poe Aswang
Actress Alma Moreno (left) stars in the movie Aswang in 1992, which had its remake 19 years later, top-billed by actress Lovi Poe (right). In 2015, the urban legend about an aswang named Maria Labo was made into a film, which starred Kate Brios (center) and was directed by Roi Vinzon.
PHOTO/S: Regal Entertainment, Viva Films

Nami-miss niyo na bang manood ng Shake, Rattle & Roll movie kapag holidays?

Ang Shake, Rattle & Roll ay isang horror film series na dating constant entrant sa taunang Metro Manila Film Festival (MMFF).

Huli itong lumahok sa MMFF noong 2014 bilang Shake, Rattle & Roll XV.

Ito ang ika-15 sa horror film series, na unang ipinalabas noong 1984.

Pumatok ang Shake, Rattle & Roll dahil sa pagtatampok ng sari-saring kuwentong katatakutan, na hango sa Philippine folklores at urban legends.

Sa katunayan, sa kauna-unahang Shake, Rattle & Roll naisapelikula ang kuwentong dati ay pinagpapasa-pasahan lang ng mga taga-Visayas—ang aswang.

ASWANG: PINOY HORROR FILMS’ SUPERSTAR

Kinikilala bilang pinakakinatatakutang nilalang sa Philippine folklore, ang aswang ay mga shape-shifting creatures na kumbinasyon ng bampira at werewolf ng Western culture.

Ganito ang paglalarawan sa aswang sa librong The Creatures of Philippine Lower Mythology (1971) ng dating university dean na si Dr. Maximo D. Ramos.

Continue reading below ↓

Sa interview sa yumaong multi-awarded filmmaker na si Peque Gallaga (1943-2020) sa dokumentaryong The Aswang Phenomenon noong 2008, sinabi niyang ang obsesyon ni Dr. Ramos sa mga aswang ang kanyang inspirasyon sa paggawa ng maraming pelikulang ibinatay sa kinatatakutang nilalang na ito.

Si Direk Peque ang filmmaker sa likod ng mga popular na aswang films noong dekada ’80 at ’90.

Sa sumunod na mga dekada, hindi nagmaliw ang obsession ng filmmakers—maging ng moviegoers—sa mga kuwentong aswang.

Narito ang ilang pelikulang tinampukan ng hindi pinagsasawaang bida ng Pinoy horror films—ang aswang:

ANG ASWANG (1933). Sa isang silent film unang itinampok ang kuwentong aswang.

Idinirek ito ng American filmmaker na si George Musser at pinagbidahan nina Celia Burgos-Xerxes, Monang Carvajal, at Mary Walter.

Ang Aswang poster

Continue reading below ↓

SHAKE, RATTLE & ROLL I: "MANANANGGAL" (1984). Sa direksiyon ni Peque Gallaga, naging cult classic ang episode na ito, kung saan nahulog ang loob ng character ni Herbert Bautista sa isang maganda at misteryosong dalaga, na ginampanan ni Irma Alegre.

Pero ang mailap na dalaga, isa palang manananggal.

Ang “Manananggal” ang isa kung hindi man ang pinakapopular na Shake, Rattle & Roll episode.

Continue reading below ↓

Irma Alegre in Shake, Rattle & Roll I: "Manananggal"

IMPAKTITA (1989). Ginampanan ni Jean Garcia ang papel ng isang dalagita, na pagsapit ng 18 taong gulang ay naging ganap na aswang, tulad ng kanyang ina.

Idinirek ni Teddy Chiu, nasa pelikula ring ito sina Richard Gomez, Aga Muhlach, Nida Blanca, at Gloria Romero.

Continue reading below ↓

SHAKE, RATTLE & ROLL II: "ASWANG" (1990). Isa pang aswang film ni Direk Peque kasama si Lore Reyes, si Manilyn Reyes ang bida sa “Aswang” episode.

Hango ito sa kuwentong bayan tungkol kay Tinyente Gimo, na nagmula umano sa pamilya ng mga aswang at taga-Dueñas, Iloilo.

Sa pelikula, si Manilyn ay taga-Maynila na nakitulog sa bahay ni Tinyente Gimo (Rez Cortez) bilang bisita.

Lingid sa kanyang kaalaman, siya ang birheng iaalay at pagpipiyestahan ng komunidad ng mga aswang sa gabing iyon.

Manilyn Reynes in Shake Rattle & Roll: "Aswang"

Continue reading below ↓

ASWANG (1992). Bida si Alma Moreno sa classic Peque Gallaga-Lore Reyes film na ito bilang ang aswang na pumapatay sa kanyang mga kapitbahay.

Puntiryang atakehin ng karakter ni Alma ang isang paslit—ginampanan ni Aiza Seguerra—na dayo sa lugar.

Gayunman, desidido ang yaya (Manilyn Reynes) ng bata na ipagtanggol ito.

MANANANGGAL IN MANILA (1997). Sa direksiyon ni Mario O’Hara, main character sa pelikulang ito ang beauty queen-turned-actress na si Alma Concepcion.

Continue reading below ↓

Isa siyang English-speaking na manananggal na dumayo sa Metro Manila.

Kabilang din sa cast ng Manananggal in Manila sina Tonton Gutierrez at Aiza Seguerra.

SA PILING NG MGA ASWANG (1999). Nagtungo sa Capiz ang karakter ni Maricel Soriano upang imbestigahan ang biglaang pagkawala ng kanyang nakababatang kapatid na lalaki.

Sa probinsiyang iyon kasi huling namataan ang kanyang kapatid.

Continue reading below ↓

Dala ng matinding guilt, hinarap niya ang lahat ng hamon, kabilang na ang lagim na dulot ng isang manggagaoay, na ginampanan ni Gina Alajar.

Tandem pa rin nina Direk Peque at Direk Lore ang nasa likod ng Sa Piling ng mga Aswang.

YANGGAW (2008). Sa direksiyon ni Richard Somes, ang Yanggaw—salitang Ilonggo na ang ibig sabihin ay pagkahawa—ay kuwento ng isang dalagita (Aleera Montalla) na unti-unting naging yanggaw.

Continue reading below ↓

Ang yanggaw, batay sa Ilonggo gothic tale, ay isang halimaw na kumakain ng tao.

Tampok din sa pelikulang ito sina Ronnie Lazaro, Joel Torre, Tetchie Agbayani, at Direk Erik Matti, na gumanap na albularyo.

PATIENT X (2009). Idinirek ni Yam Laranas ang pelikulang ito na pinagbidahan nina Richard Gutierrez at Cristine Reyes.

Continue reading below ↓

Kailangang harapin ng karakter ni Richard ang mga pumatay sa kanyang nakatatandang kapatid 20 taon na ang nakalipas.

Pero nadiskubre niyang hindi pangkaraniwang tao ang mga salarin, kundi mga aswang.

ASWANG (2011). Ginawan ni Jerrold Tarog ng remake ang Peque Gallaga classic na ito.

Sa remake, ang bida ay sina Lovi Poe at Paulo Avelino.

Continue reading below ↓

Sa pelikula, si Lovi ay isang Abuwak, isang aswang na nag-aanyong uwak, na tumulong sa pagliligtas sa buhay ng mga bihag ng isang grupo ng hired killers na napadpad sa lugar ng mga aswang.

CORAZON: ANG UNANG ASWANG (2012). Si Richard Somes din ang direktor ng pelikulang ito nina Erich Gonzales at Derek Ramsay.

Continue reading below ↓

Konsepto ng aswang ang ginamit sa pelikula, na kuwento ng isang ina na naging cannibal matapos mamatayan ng pinapangarap na anak.

TIKTIK: THE ASWANG CHRONICLES (2012). Pinagbidahan at co-produced ni Dingdong Dantes ang Erik Matti horror-action-comedy film na ito.

Tampok dito ang labanan sa pagitan ng mga tao at mga Tiktik, isang uri ng aswang.

Continue reading below ↓

Tinampukan din nina Lovi Poe, Janice de Belen, Joey Marquez, at Roi Vinzon, nagkaroon ng sequel ang pelikulang ito makalipas ang dalawang taon.

KUBOT: THE ASWANG CHRONICLES 2 (2014). Si Erik Matti pa rin ang direktor ng sequel ng Dingdong Dantes-starrer na ito, na lumahok sa 40th MMFF noong 2014.

Continue reading below ↓

Gaya sa naunang Tiktik: The Aswang Chronicles, tinalo ng grupo ng karakter ni Dingdong ang mga aswang na Kubot.

Layunin nilang pigilan ang plano na i-transform bilang aswang ang mga dadalo sa isang libreng concert.

MARIA LABO (2015). Tampok sa pelikulang ito ang urban legend tungkol sa isang dating overseas Filipino worker (OFW) na si Maria.

Continue reading below ↓

Habang nasa United Arab Emirates, ginahasa at nagkasakit si Maria, at isinumpa pa ng isang kapwa Pilipino para maging aswang.

Idinirek ni Roi Vinzon ang pelikula, kung saan bida si Kate Brios bilang si Maria, na naging ganap na aswang nang umuwi sa Visayas.

Gaya sa kuwentong bayan, pinatay, iniluto, at kinain ni Maria ang dalawa niyang anak.

Sa matinding galit ng pulis na asawa (Jestoni Alarcon) ni Maria, tinaga niya sa mukha ang misis, na nagawang makatakas.

Simula noon, ayon sa urban legend, nagpalabuy-laboy na si Maria sa paghahanap ng susunod niyang bibiktimahin.

Palatandaan kay Maria ang malaking taga sa kanyang mukha, kaya siya binansagang “Maria Labo.”

Ang “labo” ay salitang Ilonggo na ang ibig sabihin ay “tagain.”

Continue reading below ↓

ANG MANANANGGAL SA UNIT 23B (2017). Ipinakilala ang romantic gore genre sa pelikulang ito nina Ryza Cenon at Martin del Rosario, sa direksiyon ni Prime Cruz.

Sinisikap ng karakter ni Ryza, isang manananggal, na mamuhay nang normal sa Metro Manila, hanggang sa na-in love siya sa karakter ni Martin.

Sa huli, sa kanya rin nakasalalay kung mananatiling ligtas sa kapahamakan ang kanyang pinakamamahal.

Continue reading below ↓

SHAPE-SHIFTING MONSTERS OF VISAYAS

Sari-saring uri ng aswang ang itinampok sa mga pelikulang nabanggit.

Wala kasing consistent at solidong impormasyon tungkol sa interpretasyon, pinagmulan, at paglalarawan sa aswang.

“The basics are transformation, the eating of human flesh… it’s just evil,” paglalarawan ni Direk Peque sa aswang nang makapanayam sa dokumentaryong The Aswang Phenomenon noong 2008.

“I like the aswang idea because it’s so amorphous and ambiguous, and it’s unknown,” dagdag niya.

Dahil dito, may kani-kanyang bersiyon ng aswang ang iba’t ibang lalawigan sa Visayas, at maging sa iba pang mga rehiyon sa bansa.

Nariyan ang manananggal, o ang babaeng nahahati ang katawan at tinutubuan ng malalaking pakpak para makalipad sa paghahanap ng mabibiktima.

Mayroon ding mga bird-like aswang na tinatawag na wakwak, tiktik, at abuwak.

Kumakain naman ng karne ng tao—kahit dumating pa sa puntong magnakaw ng bangkay—ang mga bal-bal, busaw, amalanhig, at yanggaw.

Samantala, kalahating aso at kalahating tao raw ang sigbin.

Continue reading below ↓

FILIPINOS' BELIEF IN THE ASWANG

Lumawak at nagsanga-sanga na ang kuwentong aswang sa Pilipinas.

Ito, ayon kay Direk Peque, ay dahil buo ang paniniwala ng mga Pinoy na totoong mayroong aswang.

“[Filipinos] don’t believe in ghosts but they believe in the aswang.

“There is an acceptance that there this thing is real, this thing is around us, this thing exists,” sabi ni Direk Peque sa The Aswang Phonemenon interview.

Dagdag niya, may mga insidente pa nga raw na pinapatay ng tao ang sariling kamag-anak sa suspetsang aswang ito.

“There are people who have killed their children because they thought they’re turning into monsters,” ani Direk Peque.

Peque Gallaga aswang documentary

Continue reading below ↓

HUNDRED-YEARS-OLD FOLKLORE

Ang paniniwala ng mga Pinoy sa aswang ay impluwensiya ng mga prayle, o Spanish priests, noon pang 1500s.

Base ito sa written accounts ng Franciscan friar-historian na si Juan de Plasencia, isang misyonerong Espanyol na nanirahan sa Pilipinas noong huling bahagi ng 1500s.

Ayon kay Plasencia, ang anumang paniniwalang Pilipino na hindi maipaliwanag at hindi saklaw ng turo ng relihiyong Katoliko ay iniuugnay noon ng mga prayle sa demonyo.

Noong mga panahong iyon, inirerespeto ng mga komunidad ang kababaihang spiritual leaders na tinatawag na babaylan.

Importante sila sa mga komunidad bilang tagapagpagaling ng mga sakit na may kakayahang makipag-usap sa mga ispiritu.

Threatened sa malaking impluwensiya ng mga babaylan, inakusahan sila ng Catholic authorities bilang mga aswang.

Paraan din daw ito ng mga prayle upang mahikayat sa Katolisismo ang mga Pilipino, ayon kay Professor Anthony Lim, isang historian.

Nakapanayam si Lim sa isang feature ng GMA-7 news magazine show na iJuander noong August 2012.

Continue reading below ↓

Bukod dito, aktibo rin daw noon ang kababaihan sa mga gawaing pulitikal, tulad ng pag-aaklas, partikular sa lalawigan ng Capiz, sabi naman ni Bryan Argos, researcher ng Roxas Museum sa Roxas City.

“Lots of upheavals happened in the town of Capiz,” pagkukuwento ni Argos sa The Aswang Phenomenon documentary.

“Women led these attacks, usually at night, because they had no modern weapons.

Continue reading below ↓

“The Spaniards then told the natives that the women were evil, that they performed magical acts, and that these women were aswang.

“The natives avoided these women, and now they had no one to join their upheavals.”

Kalaunan, naging household name na rin ang mga aswang.

Gamit na gamit kasi ng mga magulang ang aswang para mapasunod ang kanilang mga anak at makumbinseng manatili lang sa loob ng bahay pagsapit ng gabi.

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Actress Alma Moreno (left) stars in the movie Aswang in 1992, which had its remake 19 years later, top-billed by actress Lovi Poe (right). In 2015, the urban legend about an aswang named Maria Labo was made into a film, which starred Kate Brios (center) and was directed by Roi Vinzon.
PHOTO/S: Regal Entertainment, Viva Films
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results