From dumpsite to ecopark: Baguio to open another tourist spot this year

by Jet Hitosis
Mar 3, 2021
Baguio City Mayor Benjamin Magalong says the vision for the former Irisan dumpsite is to convert the area similar to the Mount Trashmore Park in Virginia Beach, Virginia.
PHOTO/S: unsplash.com

Ilang buwan mula ngayon ay isang pampublikong ecopark ang mapapasyalan sa Baguio City.

Ang bagong parke ay bubuksan sa 5.2-ektaryang lugar na noon ay hinding-hinding tinatambayan ng mga tagalungsod: isang dating garbage dumpsite sa Barangay Irisan.

Matapos isara ang dating tambakan ng basura noong 2012, pinlano ng Baguio City government ang rehabilitasyon nito para gawing ecopark.

Sa latest update ni Baguio City General Services Office (GSO) Chief Eugene Buyucan nitong nakalipas na linggo, inanunsiyo niyang maisasakatuparan ang original target ng pamahalaang lungsod na buksan sa publiko ang parke ngayong 2021.

Ayon kay Buyucan, sa loob ng “175 calendar days” ay makukumpleto na ang rehabilitasyon ng ecopark, na ginastusan ng mahigit PHP17 million.

“From a mountain of mixed biodegradables, recyclables, and residual garbage, procedures are being undertaken to clean up the area,” sinabi ni Buyucan, sa pamamagitan ng Baguio City Public Information Office (PIO).

FROM EYESORE TO TOURIST SPOT

Kabilang sa mga unang prosesong isinagawa sa dating dumpsite ay ang pag-i-spray ng agricultural lime upang matanggal ang amoy mula sa mga nakabaong basura.

Continue reading below ↓

Nagpagawa rin ng leachate tank sa lugar para sa liquid filtration laban sa contaminants mula sa pinagsamang residuals at basura na maaaring makaapekto sa kalidad ng tubig sa parke.

Pagbabalita pa ni Buyucan, kapansin-pansin na ang malaking pagbabago sa future ecopark.

Nababakuran na raw ito ngayon, may sementado nang pathways, maluwag na parking space, malalago na ang mga puno at halaman, halos kumpleto na ang landscaping, at may maliliit na kubo na magsisilbing pahingahan.

Ang mga recyclables ay ginamit bilang planting materials sa lugar,

Sa kasalukuyan, nag-o-operate pa sa lugar ang Environmental Recycling System (ERS), kung saan ipinoproseso ang mga biodegradables.

Ang mga naprosesong biodegradables ay nagiging compost o pataba, na ibinebenta at nagsisilbing source of income para sa pamahalaang lungsod.

Sa isang press conference noong August 2, 2019, sinabi ni Baguio City Mayor Benjamin Magalong na ang ecopark sa Irisan ay inspired ng Mount Trashmore Park sa Virginia Beach, Virginia, na dati ring dump facility na ginawang parke.

Continue reading below ↓

Irisan ecopark Layout planLayout plan for Irisan ecopark

IRISAN DUMPSITE CLOSED DOWN IN 2012

August 2011 nang manalasa ang bagyong “Mina” sa Baguio.

Sa lakas ng maghapong ulan, gumuho ang isang bahagi ng Irisan dumpsite sa direksiyon ng kalapit na munisipalidad ng Tuba, Benguet.

Ayon sa media reports, limang katao ang nasawi sa insidente at kabilang sa naguhuan ng tambakan ang ilang bahay at ang waterway sa lugar.

Continue reading below ↓

Pagsapit ng January 2012, sa bisa ng Writ of Kalikasan (temporary environmental protection order) mula sa Supreme Court, ay ipinasara ang Irisan dumpsite.

Sa kasalukuyan, isang lote ng Department of Agriculture (DA) sa Marcos Highway ang ginagamit ng Baguio City bilang staging area ng non-biodegradable waste nito bago ibiyahe sa engineered sanitary landfill sa Urdaneta, Pangasinan.

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Baguio City Mayor Benjamin Magalong says the vision for the former Irisan dumpsite is to convert the area similar to the Mount Trashmore Park in Virginia Beach, Virginia.
PHOTO/S: unsplash.com
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results