Community folks report “Kataw mermaid” attacks in Agusan del Sur river

by Jet Hitosis
Mar 16, 2021
Kataw mermaid Agusan del Sur
Is Gibong River in San Francisco, Agusan del Sur the home of a kataw mermaid?
PHOTO/S: Screengrab from Kapuso Mo Jessica Soho on YouTube

Naniniwala ka ba sa sirena?

Sa sinaunang mitolohiya, ang sirena ay kalahating tao at kalahating isda na namumuhay sa isang kaharian sa pusod ng dagat.

Siya ang pinagbasehan ng fictional character na Princess Ariel sa Walt Disney animated film na The Little Mermaid at maging ng ilang romantic Pinoy fantasy films,

Fictional ang interpretasiyon nito para sa marami, pero para sa mga residente sa isang komunidad sa Barangay Borbon sa bayan ng San Francisco, Agusan del Sur, buo ang kanilang paniniwala sa existence ng sirena.

Gayunman, ang sirenang paksa ng kuwentuhan ng mga residente ay malayo sa traditional depiction ng maganda at maamong nilalang na pupuwedeng mapaibig ng tao.

Ang sirena raw kasi sa kanilang lugar, gumagambala at nagdudulot ng panganib sa tahimik at simple nilang pamumuhay.

“Kataw” ang tawag ng mga taga-Barangay Borbon sa umano’y sirenang naghahasik ng takot sa kanilang komunidad.

KATAW: A VISAYAN MYTHICAL CREATURE

Sa Western Visayas, ang kataw ay isang mythical creature na pinaniniwalaang high-ranking sa lahat ng nilalang sa karagatan.

Continue reading below ↓

Ayon sa mga kuwentong bayan, may kakayahan raw kasi ang mga kataw na kontrolin ang alon, temperatura, at pressure ng tubig.

Sa Philippine mythology research website na aswangproject.com, inilalarawan ang kataw bilang “voluptuous maiden from head to waist, light-complexioned, and with wavy long hair.”

Gawain daw ng kataw ang kuhanin ang atensiyon ng mga mangingisda para lumapit dito, “grabs them, and takes them to her underwater home, and marries him.”

Sakaling batang lalaki ang natipuhan, ang kataw daw “raises him to manhood and eventually weds him.”

Pero ang mga taga-Barangay Borbon, ibang-iba ang paglalarawan sa kataw na umaatake raw sa kanilang lugar.

RIVER MONSTER?

Ang isa sa mga mangingisda sa komunidad na si “Mang Mario,” nagkuwento sa GMA weekly magazine show na Kapuso Mo, Jessica Soho (KMJS) ng personal niya umanong engkuwentro sa isang kataw.

Umere ang segment na ito nitong March 7, 2021.

Ayon kay Mang Mario, malapitan daw niyang nakita ang kataw nang yugyugin nito ang kanyang bangka habang nangingisda siya sa Gibong River, pasado 5:00 ng hapon nitong February 5, 2021.

Continue reading below ↓

Paglalarawan ni Mang Mario sa kataw: “Parang isda na janitor, may batik-batik.

“Ganito kahaba ang katawan, hindi pa kasama ang buntot,” sabi ni Mang Mario habang nagmumuwestra ng pagdipa.

“Ang ulo niya itinago niya pero parang may buhok.

“Kataw! May kataw dito,” siguradong-siguradong bulalas ni Mang Mario.

Kuwento pa ng mangingisda, “pinipigilan” raw ang sinasakyan niyang bangka at parang gustong ilubog sa tubig ng kataw.

Gamit ang sagwan, itinaboy daw ni Mang Mario ang kataw ‘tsaka siya sumigaw ng paghingi ng saklolo.

GIBONG RIVER & DECADES OF "KATAW ENCOUNTERS"

Tatlo pang matatandang residente sa komunidad ang nagbahagi sa KMJS ng sarili nila umanong engkuwentro sa kataw.

Anila, ilang dekada na raw na naninirahan sa Gibong River ang kataw.

Ang isa sa kanila, hinatak daw ang binti, mayroong hinipuan, at may nakita raw mismo ang kataw habang nakaupo sa isang malaking bato sa gilid ng ilog.

Parehong-pareho ng kuwento ni Mang Mario ang paglalarawan ng iba pang mga taga-Barangay Borbon sa nabanggit na nilalang.

Continue reading below ↓

Samantala, naniniwala rin ang mga residente na may kinalaman ang kataw sa paglalaho ng isang siyam na taong gulang na lalaki, na hindi na nakaahon habang naliligo sa Gibong River.

Ayon kay Josephine Laurente, “imposible” na nalunod ang kanyang anak dahil marunong daw itong lumangoy.

Simula kasi nang maligo sa ilog ang bata noong January 2021, hindi na ito natagpuang muli, sa kabila ng serye ng rescue operations na ikinasa ng mga awtoridad.

Gayunman, duda ang ginang na may kinalaman ang kataw sa pagkawala ng kanyang anak. "Never” pa raw kasi siyang nakakita ng kataw.

AUTHORITIES DENY KATAW EXISTENCE

Gaya ni Aling Josephine, hindi rin kumbinsido ang kapitan ng Barangay Borbon na si Dione Leghidan na may kataw o sirena sa Gibong River.

Mas naniniwala raw ang kapitan na posibleng buwaya ang naka-engkuwentro ni Mang Mario sa ilog noong nakaraang buwan.

“Sa sampung taon ko rito na nanunungkulan bilang kapitan, wala akong narinig na balita, maliban kay Mario, na mayroong sirena,” ani Leghidan.

Continue reading below ↓

“Hindi rin malayo na itong Gibong River ay may mga buwaya din.”

Sinegundahan ng opisyal mula sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ang sinabi ng kapitan.

“Malaki po ang chance na may nakapasok na fish species galing ng Agusan Marsh,” paliwanag sa KMJS ni Bimbo Lagare, officer-in-charge ng Fishery Office ng Agusan del Sur, na nasasaklawan ng BFAR-Region 13.

“Posible po na hindi lang mga isda, posible rin na baka buwaya. Kasi dun sa Agusan Marsh, dun nanggagaling iyong mga buwaya rito sa Agusan del Sur,” dagdag niya.

THE WILDLIFE ANIMALS OF AGUSAN MARSH

Ang Agusan Marsh ay isang protective wildlife sanctuary sa Agusan del Sur.

Kinikilala ito bilang wetland of international importance, alinsunod sa mga panuntunan ng Ramsar Convention on Wetlands of International Importance Especially as Waterfowl Habitat.

Ang marsh ang nagsisilbing tahanan ng napakaraming species ng halaman at hayop, kabilang ang wild birds, hito, soft-shell fresh water turtles, at buwaya.

Continue reading below ↓

Sa katunayan, sa Agusan Marsh nahuli ang pinakamalaking captive crocodile sa mundo, si Lolong, noong 2011.

Si Lolong ay may habang mahigit 20 talampakan o lampas anim na metro.

Kung lawak ang pag-uusapan, ang Agusan Marsh ay halos kasing-laki ng buong Metro Manila.

Sa lawak ng marsh, saklaw nito ang mga bayan ng San Francisco, Bunawan, Rosario, Loreto, Veruela, Talacogon, at La Paz sa Agusan del Sur.

Kabilang sa bodies of water na dinadaluyan ng Agusan Marsh ang Gibong River sa bayan ng San Francisco.

Ibig sabihin, malaki ang posibilidad na maligaw sa Gibong River ang napakaraming hayop—kabilang ang mga buwaya—na naninirahan sa Agusan Marsh.

Posible nga kayang napagkamalan lang ng mga taga-Barangay Borbon na sirenang kataw ang mga isda o buwaya na nakarating sa Gibong River mula sa Agusan Marsh?

Pupuwede bang sabihin na isang kuwentong bayan lang ang tungkol sa nilalang na ito, kahit pa may kani-kanyang personal daw na engkuwentro ang mga residente sa tinatawag nilang sirenang kataw?

Continue reading below ↓

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Is Gibong River in San Francisco, Agusan del Sur the home of a kataw mermaid?
PHOTO/S: Screengrab from Kapuso Mo Jessica Soho on YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results