The curious case of Romblon Triangle: Cursed for maritime disasters?

by Jet Hitosis
Mar 18, 2021
Romblon Triangle, M/V Dona Paz, M/V Princess of the Stars
Maritime tragedies involving M/V Doña Paz (left) in 1987 and M/V Princess of the Stars (right) in 2008 took place in the waters of the mysterious "Romblon Triangle."
PHOTO/S: Maritime Post, pna.gov.ph

Sentro ng misteryo, kapahamakan, at kamatayan.

Ganito ilarawan ng marami ang isang bahagi ng karagatan sa palibot ng probinsiya ng Romblon kung saan naganap ang napakaraming trahedya na kumitil sa buhay ng libu-libong tao.

Tinatawag itong “Romblon Triangle” dahil ikinukumpara ito sa misteryosong Bermuda Triangle ng North Atlantic Ocean.

Kilala ang Bermuda Triangle sa mga hindi maipaliwanag na kuwento ng biglaang paglalaho ng maraming barko at eroplano na napapadaan sa lugar—ang dahilan kaya tinagurian itong “The Devil’s Triangle.”

Gamit na basehan ang maraming sakunang naitala sa lugar, binansagan ng mga taga-Romblon ang tinatawag nilang Romblon Triangle bilang “Bermuda Triangle ng Pilipinas.”

“WATERY GRAVE”

Ang Romblon Triangle ay sumasaklaw sa Tablas Strait at Sibuyan Sea.

Sa hugis na triyanggulo, tumatayong base nito ang pagitan ng mga isla ng Dos Hermanos at Sibuyan sa katimugan, habang ang tip o dulo ay tumutumbok naman sa munisipalidad ng Concepcion sa hilaga.

“So many ships have made the Romblon Triangle their final resting place,” sinabi ni Lemuel Cipriano, Mayor ng Sibale Island, Romblon, sa panayam sa kanya ng Manila Standard, na nalathala noong February 3, 2014.

Continue reading below ↓

“They went down to their watery grave with thousands of people on board,” aniya.

Tinukoy ng alkalde ang pinakanakapanghihilakbot na maritime disasters sa kasaysayan ng Pilipinas na nagkataong naganap lahat sa tinatawag na Romblon Triangle.

SEA TRAGEDIES

M/V Princess of the Stars

Tanghali ng June 21, 2008 nang lumubog ang Sulpicio Lines passenger ship na M/V Princess of the Stars habang naglalayag mula sa Maynila patungong Cebu.

Hindi umubra ang dambuhalang M/V Princess of the Stars sa naglalakihang alon, na dulot ng bagyong Frank.

Tuluyang lumubog ang barko sa bayan ng San Fernando sa Romblon.

Mahigit 800 kataong lulan ng barko ang kung hindi man nasawi ay iniulat na nawawala, habang nasa 50 lang ang nakaligtas.

M/V Princess of the Stars tragedy in RomblonThe M/V Princess of the Stars

Continue reading below ↓

M/B Jem

January 3, 1989 nang pumalaot ang motorboat na M/B Jem sa Looc, Romblon patungong Malay, Aklan.

Para lamang sa 31 pasahero ang M/B Jem, pero umabot sa 174 katao ang sakay nito, na karamihan ay estudyante.

Dahil sa naglalakihang alon sa Tablas Strait sa Romblon, lumubog ang motorboat sa Aguho Point malapit sa isla ng Tablas.

Labing-anim na katao ang nasawi sa insidente, 45 ang iniulat na nawawala, at ang iba pa ay nakaligtas.

M/V Doña Paz

Kinikilala bilang pinakamalalang maritime disaster sa Asia noong 20th century ang trahedyang sinapit ng M/V Doña Paz.

Pag-aari rin ng Sulpicio Lines ang passenger ship na ito na nakasalpukan ng oil tanker na M/V Vector noong December 20, 1987 sa Tablas Strait.

Dahil sa lakas ng banggaan, nagliyab at nasunog ang dalawang barko, maging ang mga lulan nito na hindi nagawang makatalon sa dagat.

Mahigit 4,300 ang nasawi at napaulat na nawawala pagkatapos ng trahedya.

Continue reading below ↓

Triple ito sa bilang ng nasawi sa paglubog ng pamosong Titanic noong 1912.

M/V Doña Paz tragedy in Tablas Strait in RomblonThe M/V Doña Paz

M/V Don Juan

Sa Tablas Strait din lumubog ang Negros Navigation luxury liner na M/V Don Juan noong April 22, 1980.

Biyaheng Bacolod City ang barko nang makasalpukan nito ang oil tanker na M/T Tacloban.

Continue reading below ↓

Sa ginawang imbestigasyon ng mga awtoridad, natuklasang overloaded ang barko, na nagsakay ng mahigit 1,000 katao gayung hanggang 860 pasahero lang ang pinakamaraming mailululan dito.

Nasa 176 katao ang kumpirmadong nasawi sa trahedya, at hindi pa kasama sa bilang ang mga napaulat na nawawala.

WWII: Japanese Battleships

October 1944, sa kasagsagan ng Battle of Sibuyan Sea, ay ikinukunsiderang biktima rin ng sumpa ng Romblon Triangle ang apat na barkong pandigma ng Japan.

Sa Sibuyan Sea, inatake at pinalubog ng Allied planes ang Musashi—noon ay ikalawang pinakamalaking battleship ng Japan—at ang destroyers na Nagato at Myoko.

Napuruhan din sa nabanggit na pag-atake ang isa pang Japanese battleship na Yamato, na nawasak at lumubog din pagdating sa Okinawa, Japan.

THE TALE OF LOLO AMANG AND THE GHOST SHIP

Tulad ng karaniwang urban legend na nagpasalin-salin na sa maraming henerasyon, iniuugnay ng mga taga-lalawigan ang misteryo ng Romblon Triangle sa mga pangyayaring paranormal.

Continue reading below ↓

Ayon sa mga kuwentong bayan, ilang minuto bago mangyari ang isang trahedya sa Romblon Triangle ay isang umano’y ghost ship ang bigla raw lumilitaw sa kalagitnaan ng karagatan.

Ang bigla-bigla na lang daw sumusulpot na barkong iyon, ayon sa mga taga-Romblon, ay pagmamay-ari ng isang “Lolo Amang.”

Sa katunayan, may isang hindi kumpirmadong kuwento mula raw sa isa sa mga survivors ng M/V Don Juan na nagsabing nakita nito mismo ang ghost ship ni Lolo Amang.

Iniwasan raw ng kapitan ng M/V Don Juan ang ghost ship kaya ito sumalpok sa oil tanker.

ROMBLON SEA MISHAPS EXPLAINED

Sa kabila ng sari-saring haka-haka at nagpasalin-saling kuwentong bayan, may simpleng paliwanag ang Philippine Coast Guard (PCG) kung bakit maraming barko ang naaaksidente sa tinaguriang Romblon Triangle.

Sa interview ng Manila Standard noong 2014, ipinaliwanag ng hindi pinangalanang PCG official na ang tubig mula sa Pacific Ocean at sa West Philippine Sea ay nagtatagpo sa Tablas Strait sa Romblon.

Continue reading below ↓

Gumagawa raw ng malalaking alon ang pagtatagpong ito ng karagatan kaya nagiging mahirap para sa mga barko—lalo na kapag masama ang panahon—ang magmaniobra sa lugar ng Romblon Triangle.

“Sea accidents and disasters are due to natural phenomena like high tides, storms, typhoons, human error, pilot disorientation, and other factors such as the topographic features of the area,” quoted ng Manila Standard ang PCG official.

Sinegundahan ito ni Nestor Castro, ng Department of Anthropology sa University of the Philippines (UP)-Diliman.

“Hindi kataka-takang sa Romblon [madalas ang maritime accidents], kasi ito ay open seas kung kaya’t maraming sakuna ang nangyayari rito, tulad ng paglubog ng barko,” sinabi ni Castro sa panayam ng GMA News TV weekly magazine show na Ang Pinaka noong October 2014.

“Pero wala namang ebidensiya rito ng mga nawawala at forever nang hindi nakikita,” punto pa niya.

Ang Walking the Dead and Other Horror Stories author namang si Yvette Tan, may opinyon kung bakit hindi mamatay-matay ang urban legend tungkol sa Romblon Triangle.

Continue reading below ↓

“While those accidents are real, it’s probably because the seas there are rougher. Stronger waves, more unpredictable weather,” sabi ni Tan sa Ang Pinaka.

“The name ‘Romblon Triangle’ is just our way of trying to relate it to something more well-known internationally,” paliwanag ni Tan.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Maritime tragedies involving M/V Doña Paz (left) in 1987 and M/V Princess of the Stars (right) in 2008 took place in the waters of the mysterious "Romblon Triangle."
PHOTO/S: Maritime Post, pna.gov.ph
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results