Filomena Almarines: Incorruptible folk saint of Biñan, Laguna

Mar 29, 2021
Filomena Almarines Binan incorruptible
Filomena Almarines, the incorruptible "saint" of Barangay San Antonio in Biñan City, Laguna, has yet to be recognized by the Catholic authorities. Researchers and theologians have compared Santa Filomena's life story to that of her namesake Saint Philomena (center) of Greece.
PHOTO/S: andalltheangelsandsaints.blogspot.com

Sa kasalukuyan, dalawa pa lamang ang Pilipinong Catholic Saint: sina San Pedro Calungsod at San Lorenzo Ruiz.

Pero sa isang lugar sa Biñan City, Laguna, isang babaeng yumao mahigit 80 taon na ang nakalipas ang itinuturing na santo sa kanilang lugar.

Siya si Filomena Almarines, na kinikilala bilang Santa Filomena ng mga taga-Barangay San Antonio sa Biñan.

Hanggang ngayon, kumbinsido pa rin kahit ang mga kaapu-apuhan ng mga personal na nakasaksi sa kanyang pagmimilagro diumano noong 1950s na tunay ang kabanalan ng kanilang Santa Filomena.

Wala raw kasing nakapagpaliwanag kung bakit ang bangkay ni Filomena ay hindi naagnas sa kabila ng pagkakalibing nito sa loob ng walong dekada.

THE INCORRUPTIBLE FILOMENA ALMARINES

July 6, 1913 nang isinilang si Filomena sa isang mahirap na pamilya ng mga magsasaka.

Walang naitalang detalye tungkol sa kuwento ng buhay ni Filomena, maliban sa paglalarawan sa kanya ng matatanda bilang isang mabait at madasaling dalaga.

Continue reading below ↓

August 13, 1938 nang pumanaw si Filomena dahil sa hindi nabanggit na sakit na dulot ng pagkasawi umano sa pag-ibig.

Sa Biñan Municipal Cemetery inilibing ang noon ay 25 taong gulang na si Filomena.

Taong 1947, o makalipas ang siyam na taon, sumunod na pumanaw ang ama ni Filomena na si Faustino Almarines.

Kinailangan noong buksan ang nitso ni Filomena upang sinupin ang mga buto nito para mailagak din sa loob ng parehong nitso ang labi ng amang si Faustino.

Pero ganoon na lang daw ang pagkagulat ng mga nagbukas sa nitso ni Filomena.

Buung-buo pa raw kasi ang bangkay ng dalaga; ang mukha nito ay katulad na katulad daw noong bago ito ilibing, at ang mga mata nito ay bahagya umanong nakaangat ang talukap.

Maging ang suot na damit ni Filomena ay maayos at wala raw sira.

THE LOCALS’ SAINT

“Nakita siya buung-buo,” kuwento ni Armando Badillo, residente ng Barangay San Antonio, nang makapanayam sa dokumentaryong “The Curious Case of Sta. Filomena of Biñan, Laguna.”

Continue reading below ↓

Ang dokumentaryo ay isang socio-cultural investigation and analysis ng St. Vincent School of Theology. In-upload ito sa YouTube noong October 26, 2016.

Patuloy ni Mang Armando, “E noong araw naman walang embalsamo, di ba? Ang patay, halos maghapon lang, wala na, nade-decompose na.

“E, ito 10 years, taung-tao pa… buung-buo pa talaga,” dagdag niya.

Ayon kay Mang Armando, dahil sa pagkakadiskubre sa hindi naagnas na bangkay ni Filomena, naniwala ang mga taga-Biñan na nagmilagro ang labi ng dalaga.

Simula raw noon ay tinawag na itong Santa Filomena.

“NAKAKAPAGPAGALING SIYA NG MAY SAKIT”

Bukod kasi sa hindi nabulok ang bangkay, sa libingan ni Filomena ay mayroon daw bumukal na tubig—na pinagaling umano ang mga iba’t ibang sakit.

“Si Santa Filomena kasi, noong panahon niya, siya’y napakamilagrosa,” sabi ni Mang Armando ‘tsaka itinuro ang lugar ng pinaglibingan kay Filomena.

“Bubukal diyan ng tubig, yung mga baldosa dito, noong araw,” aniya.

Taong 1947 din, o ilang buwan matapos madiskubre ang pagmimilagro umano ng labi ni Filomena, nagpatayo ng kapilya sa lugar para sa milagroso umanong bangkay ni Filomena. Tinawag itong St. Filomena Chapel.

Continue reading below ↓

Kuwento ni Mang Armando, naabutan pa raw niya noon na dinarayo ng napakaraming deboto ang labi ni Filomena.

Nakasilid daw iyon sa glass casket, na ipinuwesto sa likod ng altar ng kapilya.

Bukod sa mga dumayo mula sa iba’t ibang lugar sa Pilipinas, nagpupunta rin daw noon sa Biñan ang mga galing pa sa ibang bansa masilayan lamang ang hindi naaagnas na labi ni Filomena.

“Ang daming deboto rito… pila-pila,” balik-tanaw ni Mang Armando.

“Talagang yung pagkamilagrosa niya, ipinakita niya sa mga tao; nakakapagpalakad siya ng lumpo, nakakapagpagaling siya ng may sakit.”

A SAINTHOOD THAT WAS NEVER RECOGNIZED

Bagamat ilang taon din noong nakasilid sa glass casket ang labi ni Filomena, kalaunan ay ipinalibing din ito.

Sinabi sa dokumentaryo na ang lokal na pamahalaan at mismong ang Simbahang Katoliko ang nag-utos na ilibing muli si Filomena.

Hindi raw kasi nagkaroon ng interes ang simbahan na kilalanin ang pagiging santo ni Filomena.

Continue reading below ↓

Ayon sa blog na “Sta. Filomena Almarinez, the incorruptible of Biñan” na published noong May 2010, ito ay dahil nasa kustodiya na noon ng Iglesia Filipina Independiente, o mga Aglipay, ang labi ni Filomena.

Sa nabanggit na blog, isinulat ni Pepe Alas: “To avoid a possible cult-like behavior from the ignorant, both the local Catholic authorities and leaders of the Iglesia Filipina Independiente should work hand in hand to once and for all come up with a conclusion as to whether or not Filomena Almarínez’s sainthood is valid or not.”

Hindi mahagilap ang detalye ng petsa o taon kung kailan inilibing muli ang kinikilalang Santo ng Barangay San Antonio.

Kalaunan, bilang pagbibigay-pugay kay Filomena, binago ang pangalan ng Biñan Municipal Cemetery at ginawang Sta. Filomena Cemetery.

Nasa loob ng sementeryo ang lumang-luma na ngayong St. Filomena Chapel, kung saan matatagpuan ang nitsong kinahihimlayan ni Filomena.

Naroroon pa rin, sa likod ng altar, ang glass casket ni Filomena, katabi ang mga litrato ng dalaga noong nabubuhay pa ito, gayundin ang naka-frame na picture ng hindi naagnas nitong labi.

Continue reading below ↓

LOCALS VALUE FILOMENA’S GUIDANCE, PROTECTION

Dahil personal na nasaksihan ang mga milagro, lumaki si Mang Armando na buong-buo ang pananampalataya kay Santa Filomena.

Sabi ni Mang Armando, “Sa akin, ako ay malaki ang paniwala sa kanya [Filomena], dahil sa hirap kong ito, nakapagpatapos din naman ako ng mga anak.

“Siguro sa gabay niya at sa pagsisikap ko, napatapos ko sila.

“Pero talagang napakalaki ng respeto namin dito,” aniya habang hinahaplos ang wala nang lamang glass casket ni Filomena. “Wala na kaming masasabi.”

Tulad ni Mang Armando, pinatotohanan ni Evelyn Endita, nakatira sa loob ng sementeryo, na totoong “milagrosa” si Santa Filomena.

Nakapanayam din si Evelyn sa dokumentaryo ng St. Vincent School of Theology.

Kuwento ni Evelyn: “Maski po ako, hindi ko po siya nakita, through lang sa pagsisimba… eight years po kaming hindi magkaanak mag-asawa.

“Ang ginawa ko po naging deboto ako ni Santa. Halimbawa, may simba, nandiyan ako. Nagno-novena, nasama ako.

Continue reading below ↓

“Nagpe-pray over ako na sana, gusto ko na magka-baby. Talagang nag-aano [nagdadasal] ako na, ‘Santa, bigyan mo ako ng anak.’

“Ayun, blessing naman po, nagkaroon ako ng dalawang anak. Babae’t lalaki,” napangiting sabi ni Evelyn.

Ayon pa sa ginang, buo ang paniniwala niyang ligtas at protektado ni Santa Filomena ang kanyang pamilya hanggang nakatira sila sa sementeryo kung saan naroroon ang kapilya at libingan nito.

“Pag nabagyo po, hindi kami binabaha, gawa ni Lola Santa. Lahat po ng bata rito, 'lola' na ang tawag sa kanya,” ani Evelyn.

Dagdag niya, “Dito na kami tumira, dito na kami sa loob ng sementeryo. Hindi na kami umalis kasi sabi ko safe kami dito, kasi lagi siyang nandito.”

THE PHILIPPINES’ ST. PHILOMENA

Sa dokumentaryo, ikinumpara ang kuwento ni Filomena sa kapangalan niyang santong Griyego na si St. Philomena.

Kinikilala bilang patron ng mga sanggol at bata, si St. Philomena ay natagpuan ang kalansay sa Catacomb of Priscilla, isang archaeological site sa Via Salaria, Rome, Italy noong May 24, 1802.

Continue reading below ↓

Taong 1805, inilipat ang labi ni St. Philomena sa Mugnano del Cardinale sa probinsiya ng Avellino, kung saan naging sentro ito ng debosyon ng mga mananampalataya, kasabay ng serye ng mga milagrong iniuugnay sa kanya.

Tinukoy sa dokumentaryo na hindi lang daw pangalan ang magkatulad sa Greek na si St. Philomena at sa Pilipinang si Santa Filomena kundi maging ang ilang bahagi ng kuwento ng kanilang buhay.

Parehong maagang binawian ng buhay ang dalawa: si Santa Filomena sa edad na 25, habang 13 years old naman nang pumanaw si St. Philomena.

Kapwa walang makalap na detalye tungkol sa kanilang naging buhay.

Si St. Philomena, kinailangan pang magkaroon ng aparisyon sa madreng Dominican na si Sister Maria Luisa di Gesù para maisalaysay ang kanyang buhay at kung paanong pinahirapan at ipinapatay ni Emperor Diocletian ang dalagita nang tumanggi itong magpakasal sa kanya.

Pareho ring hindi pormal na kinikilala ng Simbahang Katoliko ang sainthood nina St. Philomena at Santa Filomena.

Continue reading below ↓

Bagamat itinakda ang liturgical feast ni St. Philomena sa August 11, hindi ito kabilang sa General Roman Calendar dahil ang pagkilala sa kanya ay bilang virgin martyr at hindi bilang Catholic Saint.

Halos magkalapit din ang petsa ng kamatayan ng dalawa: August 10, 304 pumanaw si St. Philomena, habang August 13, 1938 naman si Santa Filomena.

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Filomena Almarines, the incorruptible "saint" of Barangay San Antonio in Biñan City, Laguna, has yet to be recognized by the Catholic authorities. Researchers and theologians have compared Santa Filomena's life story to that of her namesake Saint Philomena (center) of Greece.
PHOTO/S: andalltheangelsandsaints.blogspot.com
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results