"Miracle of Agoo" and visionary Judiel Nieva: Real or hoax?

by Mark Angelo Ching
Mar 31, 2021
Miracle of Agoo Judiel Nieva
In September 1995, at the conclusion of its two-year investigation into the alleged apparitions of the Virgin Mary to Judiel Nieva (right), a teenage boy from Agoo, La Union, a Catholic Church special committee declares the supposed visions as “far from being supernatural.”
PHOTO/S: GMA Public Affairs

Posible bang sumayaw ang araw?

Oo, kung tatanungin ang milyun-milyong dumagsa sa Agoo, La Union sa kasagsagan ng mga kababalaghan at umano’y mga pagmimilagro roon noong 1989 hanggang 1993.

Noong panahong iyon, pinatotohanan ng isang lehitimong mamamahayag ang tungkol sa dancing sun.

Salaysay ni Grace Tan sa artikulong isinulat niya sa Manila Bulletin, “It was rhythmically throbbing up and down as it was spinning, enlarging as it dipped.”

Dagdag ni Tan, naglalabas daw ng iba’t ibang kulay—pula, dilaw, berde at asul—ang sumasayaw na araw.

Hindi lang ang dancing sun ang mga kakaibang pangyayari noon sa Agoo.

Nariyan din ang pagluha umano ng dugo ng isang istatwa ng Birheng Maria.

Aktuwal din umanong nagpakita ang Birhen sa itaas ng puno ng bayabas at nakipag-usap sa isang binatilyong residente sa lugar.

Sa katunayan, ang lahat ng nabanggit na “pagmimilagro” sa Agoo noong panahong iyon ay konektado sa binatilyo.

Ang binatilyo ay si Judiel Nieva.

Continue reading below ↓

Sa ngayon, si Judiel ay kilala na sa pangalang Angel dela Vega, isang transwoman-entrepreneur na showbiz personality.

JUDIEL NIEVA

Taong 1977 nang isinilang si Judiel, na pampito sa walong magkakapatid. Mahirap lamang ang kanilang pamilya.

Ayon sa mga kuwento, 10 taong gulang pa lamang si Judiel ay mayroon na umano itong pambihirang kapangyarihan, tulad ng panggagamot ng may sakit.

Taong 1987 nang simulang nagpakita ang Birheng Maria kay Judiel, na noon ay ten years old.

Isinusulat naman ni Judiel sa isang kuwaderno ang mga sinasabi raw ng Birheng Maria sa kanya.

Noong 12 taong gulang na si Judiel, inutusan umano siya ng Birheng Maria na pumunta sa isang maliit na burol kasama ang kanyang mga kaibigan.

Doon daw naganap ang umano’y unang aparisyon ng Birheng Maria sa Agoo. Kalaunan, ang burol ay tinawag na Apparition Hill.

AGOO APPARITIONS

Humigit-kulang 50 umano ang naganap na aparisyon sa nabanggit na lugar simula noong March 31,1989 hanggang September 8, 1993.

Continue reading below ↓

Dagsa ang mga taong dumadalo sa bawat aparisyon.

Noong March 6, 1993, tinaya sa media reports na umabot sa isang milyon ang pumunta sa lugar para masaksihan ang umano’y milagro.

Bago mangyari ang aparisyon, inihahayag muna ito ni Judiel sa publiko.

Dahil dito, napakaraming tao ang nagtutungo sa lugar. May celebrities, pulitiko, mga banyagang dumayo lang sa Pilipinas para makita ang umano'y aparisyon.

May pattern din ang bawat aparisyon na tumatagal ng 15 minuto.

Una, makikitang sumasayaw ang araw habang naglalabas ng makukulay na globo.

Ayon kay Judiel, ang mga globong iyon daw ay ang mga anghel na sina Michael, Gabriel, Uriel, Rafael, Setiel, Barachiel, at maging ang kapangalan niyang si Angel Judiel.

Matapos nito ay ilang segundong lilitaw daw si Mama Mary sa itaas ng isang puno ng bayabas.

Pagkatapos ay kakausapin ni Mama Mary si Judiel, na isusulat naman sa kanyang kuwaderno ang kanya umanong naririnig.

Sa huli, babasahin ng binatilyo ang mga isinulat niya para sa mga dumagsa sa Apparition Hill.

Continue reading below ↓

Judiel NievaJudiel

VIRGIN MARY SHEDDING “TEARS OF BLOOD”

Ayon kay Judiel, ang mensahe umano ni Mama Mary ay ang pagdalo sa misa araw-araw, laging pagsusuot ng brown scapular, pagdarasal ng rosaryo, at regular na pangungumpisal.

May mga pagkakataon ding nagpapamalas si Judiel ng karagdagang kababalaghan.

Noong December 13, 1992, marami ang nakasaksi nang lumuha umano ng dugo ang istatwa ng Birheng Maria matapos itong dalhin sa isang kapilya.

Continue reading below ↓

Personal daw iyong nasaksihan ng isang pari at ilang madre.

Virgin Mary image shedding tears of blood

Sa parehong pagkakataon, nakita rin daw mismo ng pari at mga madre nang bigla umanong maging sariwang dugo ang ostiya na isinubo kay Judiel, sa insidenteng tinawag na Eucharistic Miracle.

Nakuhanan pa nga ng litrato ang pangyayaring ito, kung saan nakabuka ang bibig ni Judiel habang ipinapakita ang ostiya na naging sariwang dugo.

Continue reading below ↓

Sa simula ay nagpakita ng suporta ang ilang alagad ng Simbahang Katoliko sa mga pagmimilagro umano ni Judiel.

May mga pari pa nga na dumadalo sa mga aparisyon, at may mga pagkakataong nagdadaos pa ng Misa sa lugar.

Ngunit noong 1993, o limang taon makalipas ang unang umano’y aparisyon, nagsimulang mag-imbestiga ang simbahan para kumpirmahin o pasubalian ang umano’y mga milagrong iniuugnay kay Judiel.

REAL OR HOAX?

Binuo ng Simbahan ang isang seven-man commission, na pinamunuan ni Rev. Fr. Samuel Banayat.

Kasunod nito, inanunsiyo ni Judiel na mangyayari ang huli umanong aparisyon ng Birheng Maria sa taong iyon.

Naganap ito noong September 8, 1993, kung saan tinatayang 50,000 katao ang dumagsa. Lubhang maliit ang bilang na ito sa isang milyon na inaasahang pupunta sa lugar.

Gayunman, marami sa mga dumagsa sa umano’y huling aparisyon ang nadismaya. Wala raw kasi silang nakitang kababalaghan.

Tuluyan nang pinagdudahan ng publiko ang katotohanan sa mga pagmimilagro ni Judiel nang ilabas ng Simbahang Katoliko noong September 1995 ang resulta ng isinagawa nitong imbestigasyon.

Continue reading below ↓

Ayon sa ulat ng grupo ni Banayat, “far from being supernatural” o hindi totoong himala mula sa Langit ang mga kababalaghang iniuugnay kay Judiel.

Batay sa report ng simbahan, ang mga “mensahe” ng Birheng Maria na isinusulat ni Judiel sa kuwaderno ay posibleng kinopya lamang sa mga naunang aparisyon, na nangyari sa ibang bansa at kinilala ng Vatican.

Bukod dito, ang mga isinulat daw ni Angel ay “grammatically incorrect, inconsistent and too lengthy.”

Diretsahan ding pinabulaanan ng simbahan ang mga kababalaghan sa Agoo.

Ang rebulto ng Birheng Maria na lumuluha raw ng dugo, nakitaan umano ng tubong may butas sa loob nito.

Ang mistulang pagsasayaw ng araw ay resulta lang daw ng matagal na pagtitig sa araw.

Hindi rin sang-ayon ang simbahan sa malaking pagbabago sa buhay ni Judiel.

Naging marangya raw kasi ang pamumuhay ni Judiel at ng pamilya nito kasunod ng pagdami ng nakakalap nilang donasyon mula sa mga naniwala sa binatilyo.

Continue reading below ↓

Hindi rin nagustuhan ng simbahan ang naging gender preference ni Judiel, na labag daw sa Catholic teachings.

Pero ayon mismo kay Judiel, ang pagiging transwoman raw ang gusto ng Birheng Maria para sa kanya.

FROM SEER TO ACTRESS

Kasunod ng pagsasapubliko ng simbahan sa resulta ng imbestigasyon nito na hindi pumabor kay Judiel, tuluyan nang nanahimik ang huli.

Subalit makalipas ang ilang taon, muling lumantad sa publiko si Judiel bilang ang transwoman actress na si Angel dela Vega.

Transwoman actress Angel dela VegaAngel dela Vega

Continue reading below ↓

Noong 2003, bumida si Angel sa pelikulang Siklo.

Mapangahas ang karakter na ginampanan ni Angel sa Siklo bilang isang babaeng nagkaroon ng affair sa kanyang kapitbahay. May sex scene pa nga si Angel ang pelikula.

Pinuri naman ng screenwriter na si Ricky Lee ang pagganap ni Angel sa Siklo.

Saad ni Ricky nang ma-interview ng Inquirer.net, “Sa acting, she’s a natural. Some of the actors in the film were raw, others were weak, but Angel was a natural.”

Sa panayam naman ng TV host-actress na si Kris Aquino kay Angel sa defunct ABS-CBN showbiz talk show na The Buzz noong taong iyon, inusisa ni Kris kung nagpapakita pa rin sa kanya ang Birheng Maria.

Tumanggi si Angel na sagutin ang tanong ni Kris.

Pero totoo nga kayang nagpakita at nakausap ni Judiel o Angel ang Birheng Maria noong kanyang kabataan?

Bagamat kinontra ng Simbahang Katoliko ang tinaguriang mga aparisyon sa Agoo, paano naman ang maraming mananampalataya na personal na nakasaksi sa mga itinuturing na himala?

Continue reading below ↓

Anuman ang totoo, naipakita ng Agoo apparitions ang maigting na pananampalataya sa Diyos ng maraming Pilipino.

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
In September 1995, at the conclusion of its two-year investigation into the alleged apparitions of the Virgin Mary to Judiel Nieva (right), a teenage boy from Agoo, La Union, a Catholic Church special committee declares the supposed visions as “far from being supernatural.”
PHOTO/S: GMA Public Affairs
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results