Store in Las Pinas goes viral: “Get everything here for free!”

Apr 12, 2021
A netizen posts on social media a store where needy shoppers can get grocery items, such as rice, coffee and canned goods for free: "Walang babayaran kahit piso.”
PHOTO/S: Facebook (Lovely Sotto)

Yung mamimili ka ng grocery items pero walang babayaran kahit isang sentimo.

Ito ngayon ang pinag-uusapan sa social media matapos i-post ng netizen na si Lovely Sotto ang pamimili ng mga grocery items without spending a peso.

Free store daw ang tawag dito na proyekto ng isang religious group sa bansa.

Food necessities, kagaya ng bigas, kape, instant noodles, canned goods, marami pang iba, ang makikita sa free store.

Sa kanyang Facebook post nitong April 9, 2021, Biyernes, ipinakita ni Lovely ang kanyang mga kuhang photos ng mga residente sa isang lugar sa Las Piñas na pumipili ng grocery items na hindi na nila kailangang bayaran.

Simula ng kanyang post: “Get everything here for free! Walang babayaran kahit piso.”

Iba ang galak ni Lovely dahil base sa kanyang caption, may mga “mamimili” na gustong magmadali sa pagpili para magbigay-daan sa iba na makapili rin.

Ikinatutuwa niya na kahit sa simpleng paraan, may bayanihan pa rin sa pagitan ng mga pare-parehong nangangailangan.

Continue reading below ↓

Post niya: "Nakakatuwa yung iba na pumunta kanina kasi sinasabi nila 'Bibilisan ko lang po kumuha para po makakuha rin yung iba.

“Kahit hirap na sa buhay, iniisip parin nila yung kapwa. Ang mayaman pag tumulong sa kapwa, mabuti yun.

"Pero pag ang mahirap, tumulong sa kapwa mahirap, extraordinary yun.”

Si Lovely ay volunteer ng free-store project sa Pamplona Tres Branch sa Las Piñas.

Nabanggit din sa post ni Lovely na ang free store ay binuksan na sa publiko.

Nang simulan kasi ito noong March, para lamang ito sa members ng isang religious organization sa bansa.

Tuluy-tuloy ang supplies sa mga free store sa tulong na mismo ng members ng naturang religious organization mula sa iba’t ibang bahagi ng mundo, ayon kay Lovely.

At this writing, ang post ni Lovely ay umani na ng 34,000 reactions at 28, 000 shares sa Facebook.

Continue reading below ↓

RELIGIOUS GROUP’S FREE STORE

Lumalabas na ang charity campaign na ito ay pinasimunuan ng Members Church of Good International (MCGI).

Ayon sa website ng MCGI, ito ay isang Christian religious organization na sinimulan sa Pilipinas.

Mayroon na rin itong branches sa iba’t ibang bahagi ng mundo.

Ang MCGI din ang nagmamay-ari ng Ang Dating Daan, na pinangungunahan ng evangelist na si Brother Eli Soriano.

Samantala, kung titingnan ang Facebook page ng MCGI, ang kanilang free store ay kalat sa iba’t ibang bahagi ng Pilipinas.

Ayon sa isang post nito, “The MCGI Free Store provides food, clothes, grocery items and other things for free to help those in need.”

free store branch in Camarines Sur

Continue reading below ↓

(A free store branch in Camarines Sur)

Ilan lamang sa mga lugar na may free store ay sa Pampanga, Baguio, Laguna, Albay, Leyte, Iloilo, Antipolo, Oriental Mindoro, at Camarines Sur.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app on Google Play or App Store and enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
A netizen posts on social media a store where needy shoppers can get grocery items, such as rice, coffee and canned goods for free: "Walang babayaran kahit piso.”
PHOTO/S: Facebook (Lovely Sotto)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results