Sinigang ice candy for summer? Teen netizen reveals story behind viral post

by Bernie V. Franco
Apr 12, 2021
Sinigang-flavored ice candy anyone? A teenage ice-candy vendor posts her creation of sinigang ice-candy.
PHOTO/S: Facebook (Andreana del Rosario) / Patrick Martires via Yummy.ph

Beat the summer heat with sinigang ice candy!

Bet niyo?

Ikinaaliw ng netizens ang Facebook post na ito kung saan makikita sa larawan ang dalawang supot ng ice candy.

Unique ang flavor ng kilalang favorite Pinoy dessert na ito kapag summer.

But, wait, this is not your usual ice candy!

Ang laman kasi nito ay sabaw ng sinigang, at may sahog na baboy at kangkong.

Ganito ang caption sa photo (published as is): “for sale ice candy sinigang flavor hindi tinipid sa ingredients”

Ang post ay ginawa ng isang 16-anyos na dalagita mula sa Bulacan, si Andreana del Rosario.

Maraming netizens ang naaliw nang i-post ito ni Andreana noong hapon ng April 6, 2021.

Habang isinusulat ang artikulong ito, ang post ay mayroon nang 19,000 reactions at 44,000 shares.

Benta sa netizens ang Facebook post. Kuwela ang comments ng netizens.

Gusto raw nilang matikman.

May nagkomento (published as is): “basic need lalo ngayong summer”

Continue reading below ↓

Sabi ng isa: “Try ko yarn, Para iinit nlng pg no time to cook.”

Reaksiyon naman ng isa pa, “Craving satisfied.”

May nagtanong rin, “meron kaya menudo flavor? Haha”

Himutok ng isang female netizen: "I'm super sad this isn't a real thing."

Dahil ang totoo ay katuwaan lang ni Andreana na isinupot niya sa ice-candy plastic ang ulam nila noong sinigang.

Pero totoo namang ice-candy vendor si Andreana.

HOW THE SINIGANG ICE CANDY CAME TO BE

Bakit hindi nito itinuloy ang pagtitinda ng sinigang-flavored ice candy?

Pakli ni Andreana, “Sobrang mahal po ng baboy, baka malugi, HAHAHAHAHA!”

Nakapalitan ng mensahe ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang dalagita noong Sabado, April 10.

Lahad niya, “I sell ice candy po talaga. That time po after ko gumawa, kakain na po ako.

“Then bigla ko po naisip, ‘Why not ilagay ko po sa pang ice candy yung sinigang na ulam namin?’

“Then unexpectedly, nag-viral po siya.”

Continue reading below ↓

Dahil nga raw sa post niya, marami ang nag-inquire kung paano makakapag-avail ng kanyang kakaibang ice candy.

“After nag-viral, naghahanap po sila sa akin ng sinigang ice candy HAHAH!”

Ano-anong flavors ng ice candy ba ang itinitinda niya?

Sagot ni Andreana, “Chocolate po na masarap, pandan na yummy, then melon na pwede na.”

Hindi naman ito ang unang post ni Andreana na kinagat ng masa. May mga short video clips siya sa Facebook na libo rin ang views.

Karaniwang nakakatawang video clips ito na nagpapakita ng kanyang humor, partikular ang nakakatawang poker-face reaction niya sa extreme situations.

SELLING ICE CANDY TO MAKE ENDS MEET

Si Andreana ay incoming senior high sa St. Paul University sa San Miguel, Bulacan.

At ang pagtitinda ng ice candy ay isang paraan para matulungan kanyang ina na mag-isang itinataguyod si Andreana at isa pa niyang kapatid.

Isa rin daw itong paraan para masanay siya sa pagnenegosyo.

Continue reading below ↓

Ayon sa teenager, “Extra income din po. Graduating student po ako para makatulong sa family. Pandagdag tuition.

“Then my dream job din po talaga is to have my own business kaya nagta-try na po ako.”

Sa ngayong kumikita raw si Andreana ng PHP100-PHP200 kada araw sa pagtitinda ng ice candy, “Limang piso lang din po ang isa. Mabenta po lalo na pag sobrang init.”

Ito naman ang payo niya sa mga kabataang kagaya niya: humanap din ng puwedeng gawin para makatulong sa mga magulang at hindi lang puro pagso-social media ang inaatupag.

Aniya, “Habang maaga po sanayin na ang sarili na gumawa ng mabibigat na bagay.

“Dahil dito po masasanay ang bawat kabataan na tumayo sa sariling paa at mabigyan ng magandang buhay ang magulang.”

Continue reading below ↓

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app on Google Play or App Store and enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sinigang-flavored ice candy anyone? A teenage ice-candy vendor posts her creation of sinigang ice-candy.
PHOTO/S: Facebook (Andreana del Rosario) / Patrick Martires via Yummy.ph
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results