Video of toddler in Surigao eating live coconut worms gets 12M views

by Bernie V. Franco
Apr 13, 2021
A video of a toddler enjoying a platter of live, squirming coconut worms goes viral. As of this writing, her videos have already garnered 12 million views, but netizens have mixed reactions.
PHOTO/S: Facebook

Umabot na sa 12 million views ang video ng isang toddler na kumakain ng buhay na coconut worm o batud.

Ipinost sa Facebook ang naturang video noong April 6, 2021, at umani na ito ng daan-daang comments at press time.

Mapapanood ang bata na kinakain ang matataba at gumagalaw na batud na nasa plato.

Makikitang sinusubukan ng mas nakatatandang batang lalaki ang batang babae na kunin sa kanya ang kinakaing batud.

Pero umiiyak ang batang babae.

Maririnig naman ang boses ng tatay na ililigpit na ang pagkain, dahilan para umiyak ulit ang batang babae.

Lumalabas na ayaw kasing mamigay ng batang babae.

Kaya para tumigil ang pananakot sa kanya, namigay ang batang babae ng batud sa mga tao sa paligid.

Happy ending ang video dahil natutong mag-share ang bata.

Pero hindi happy ending para sa mga magulang ng bata ang feedback ng netizens.

Matinding pamba-bash ang kanilang inabot. Bakit daw nila pinapakain ng buhay na uod ang kanilang anak?

Continue reading below ↓

Toddler eating coconut worms

Kinuwestiyon ang paraan ng pag-aaruga mga magulang sa kanilang anak.

May isa pang video ang bata na in-upload noong April 4, 2021 kung saan ay makikita rin siyang sarap na sarap na kumakain ng isang platong puno ng batud.

Sa comments section, naalarma at na-shock ang mga netizens.

Netizens react to the viral video

Continue reading below ↓

Netizens shock over toddler eating coconut worms

Netizens gross out over the viral video

Continue reading below ↓

PARENTS SEEK RAFFY TULFO’S HELP

Ang video ay mula sa isang pamilya sa Surigao del Sur.

At dahil sa matinding pamba-bash na natanggap ng mag-asawa, napilitan silang humingi ng tulong kay Raffy Tulfo.

Sa pamamagitan ng kanyang public-service program na Raffy Tulfo in Action, tinalakay ni Raffy ang isyu noong Biyernes, April 9, 2021.

Pahayag ng broadcast journalist, ayon sa kanyang research, edible ang coconut worm o batud.

Ang batud ay isa ring popular delicacy sa Vietnam, na kung tawagin doon ay duong dua.

Ani Raffy, “It’s considered as invertebrate, gaya ng insects, sea urchin, crabs, lobsters.

“Iyan po ay nakakain.”

Dugtong niya pa, “Makikita sa video at sarap na sarap ang bata. Edible naman talaga iyan. That is protein.

“Sa ibang bansa, iyan po ay kapalit ng karne at much healthier kaysa sa karne ng baka at karne ng baboy.”

Tinawagan rin ni Raffy sa telepono ang isang nutritionist na base sa Surigao, at sinabi nitong edible ang batud.

Continue reading below ↓

Wala rin daw napapaulat pang nasawi sa pagkain ng batud sa kanilang lugar.

Kung may maipapayo man daw si Raffy, ito raw ay pagdating sa preparasyon ng pagkain: kung malinis ba ito o kaya ay lutuin muna.

Itigil na raw ang pamba-bash sa pamilya.

NETIZENS DEFEND EATING OF BATUD

Samantala, sa kabila ng mga pamba-bash, mayroon ding netizens na nagtanggol.

Ang ilan sa kanila, pinatotohanang delicacy ito. May mga nagsabing exotic food din ito para sa ibang mga Ilokano.

Nagkomento rin ang iba na nakakain na rin sila nito at may mga doktor na nakapagsabi na source of protein ang batud at masarap pa nga ito.

Sabi ng isa, matamis daw ito at lasang gatas.

Netizens says coconut worms are clean

Continue reading below ↓

Netizens says coconut worms are okay to be eaten

Netizens says coconut worms taste good

Continue reading below ↓

WHAT IS A COCONUT WORM?

Ang coconut worm ay may scientific name na Rhynchophorus ferrugineus at kilala itong South Asian cuisine.

Bukod sa Vietnam at ibang bahagi ng Pilipinas, delicacy rin ito sa Thailand.

Ang batud ay galing sa isang uri ng beetle o salagubang.

“It is considered a pest as it lays its eggs inside palm and coconut trees which can be completely eaten from the inside by the larvae,” ulat ng thesun.co.uk.

Ayon naman sa Huffpost.com: “Although the coconut is spoiled by Duong Dua, the worms are delicious and are a delicacy in the coconut land of the Mekong River Delta [Vietnam].

“Consuming them is believed to enhance men's sexual abilities.”

Sa iba pang bahagi ng Pilipinas, ang tawag naman nila dito ay Uok at bukod sa protina, masagana rin daw ito sa calcium at iron.

Ang iba ay kinakain itong hilaw o kaya ay lutong adobo at ginagawa ring pulutan sa inuman.

Continue reading below ↓

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app on Google Play or App Store and enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
A video of a toddler enjoying a platter of live, squirming coconut worms goes viral. As of this writing, her videos have already garnered 12 million views, but netizens have mixed reactions.
PHOTO/S: Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results