Filipino nurse says life in New Zealand “back to normal” amid global pandemic

by Bernie V. Franco
May 8, 2021
Recently on Eat Bulaga!, a Filipino nurse working in New Zealand opens up about how life is back to normal in the said country. Inset shows the nurse and a huge crowd welcoming 2021 at a countdown party.
PHOTO/S: Eat Bulaga

Ikinagulat nina Paolo Ballesteros at Maine Mendoza ang sinabi ng isang participant sa "Bawal Judgmental" na balik-normal na ang buhay sa New Zealand.

Bulalas ng dalawang hosts, “Normal na?!”

Ang nakapukaw sa atensiyon nina Paolo, Maine, at Vic Sotto sa episode na ito ng Eat Bulaga nitong May 3, kung saan mga medical frontliners abroad ang participants sa "Bawal Judgmental" segment, ay ang nurse na si John Paul “JP” Martin.

Si JP ay dalawang taon nang nurse sa Auckland, New Zealand, pero bago iyon ay isa’t kalahating taon siyang naging nurse sa Ireland.

Tatlo at kalahating taon na siyang nagtatrabaho bilang nurse abroad.

Siya ay tubong Meycauayan, Bulacan.

Nang mausisa siya tungkol sa buhay niya sa New Zealand, sinabi ng OFW nurse na masuwerte siya dahil mabait ang New Zealanders.

Ani JP, “Sobrang babait po ng mga tao dito. Madalang po yung racism, saka very welcoming po sila.

Ayon pa sa kaniya, nirerespeto ang mga nurse roon, “Very thankful po sila sa mga Filipino nurses na kagaya namin.

Continue reading below ↓

"Dahil sa amin, nakakatulong kami sa health care system nila.”

LIFE IS BACK TO NORMAL IN NEW ZEALAND

Sa panayam sa kanya ng hosts, nabanggit ni JP na balik na sa normal ang buhay sa New Zealand.

Ito ay sa kabila ng pananalasa pa rin ng COVID-19 virus sa iba't ibang panig ng mundo.

Lahad ni JP, “Sa ngayon po zero community cases po dito. Bale almost one year na kaming normal yung life dito.

“Medyo blessed po talaga yung New Zealand.”

Gayunpaman, mandatory pa rin daw ang ilang health protocols, gaya ng pagsusuot ng face mask sa public transport.

“Pag lumalabas kami, hindi naman kailangang mag-mask.

“Pero pag sasakay kami ng public transport, like trains, buses, or airplanes, kailangan pong mag-wear ng mask. Mandatory po iyon.”

Habang nagsasalita si JP, ipina-flash sa screen ang mga larawan niya sa screen.

Nakaagaw pansin kay Vic ang picture ni JP kasama ang mga nagkukumpulang tao na tila kuha sa isang concert.

Continue reading below ↓

Kaya naman inusisa ni Vic kung saan at kailan kuha ang crowd photo.

“Dito po iyan sa Auckland City. New Year countdown.”

Klinaro nina Maine at Paolo kung anong taon ito.

Sumagot si JP na kinunan ito noong pumasok ang 2021.

Kaya sabay na sabi nina Maine at Paolo, “Normal na?!”

“Opo,” mabilis na sagot ni JP.

Hindi makapaniwala sina Maine at Paolo. “Grabe,” ani Maine.

Dugtong ng nurse, “Opo, may mga concerts din po dito. Kaya suwerte po ng mga nakatira dito. Zero cases.”

New Zealand life amid pandemic

Continue reading below ↓

Samantala, kung iche-check ang latest COVID-19 status sa New Zealand, may inireport na isang COVID-19 case lamang sa nakalipas na 24 oras, pero nasa “managed isolation” na ang pasyente.

Pero wala raw bagong community cases.

Makikita ito sa website na health.govt.nz at Twitter account nito at ang huling update ay ngayong May 7.

NEW ZEALAND’S PANDEMIC RESPONSE

Samantala, isa ang New Zealand sa mga mabibilang na bansang hinahangaan dahil sa epektibong response nito mula pa noong nagsimula ang pandemya.

Naiwasan nito ang pagkalat ng virus dahil March 2020 pa lamang, isinarado na nito ang borders at masusing minonitor ang pagpasok ng turista sa bansa.

May compulsary quarantine sa mga bumabalik mula sa ibang bansa, at mahigpit na ipinatutupad ang lockdown sa mga lugar na may nauulat na kaso.

May mga nakakalusot na kaso at nauuwi sa pagkahawa sa iba, pero naaagapan ng New Zealand government ang community transmission para makontrol nila ang pagkahawa.

Continue reading below ↓

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Recently on Eat Bulaga!, a Filipino nurse working in New Zealand opens up about how life is back to normal in the said country. Inset shows the nurse and a huge crowd welcoming 2021 at a countdown party.
PHOTO/S: Eat Bulaga
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results