Tornado caught on camera tearing across Isabela towns; causes brownout, damage to homes

by Bernie V. Franco
Jun 2, 2021
Tornado batters small towns in Isabela. Residents thought it was smoke from fire, then they saw it moving, and realized what it was.
PHOTO/S: Jefferson Mamauag

Isang malaking ipo-ipo o buhawi ang nakunan ng netizens na nanalasa sa Tumauini, Isabela noong Lunes ng hapon, May 31, 2021.

Ipinost ni Lhan Ilustre Macalalad sa Facebook ang kanyang video ng buhawi.

Sa caption, binanggit niyang noong una ay inakala niyang usok mula sa sunog ang kanyang nakita.

Hindi nagtagal ay napagtanto niya na isa pala itong buhawi na dumadaan.

Ang sabi naman ng residente sa lugar na si Romnick Sariento Nain, noong una ay makapal at maitim na ulap ang kanyang nakita.

Pero napansin nilang unti-unti itong papalapit sa kanilang kinaroroonan kaya sila naghanap ng matataguan, ulat ng Bombo Radyo.

Isabela tornado

Continue reading below ↓

Ayon pa kay Romnick, nakaranas sila ng malakas na hangin na may kasamang kulog at kidlat sa pagdaan ng ipo-ipo.

May ilang bahay na nasalanta, na nilipad ang mga yero, at nagdulot ng brownout dahil may kable ng kuryenteng naputol.

Tinatayang dalawang bahay ang lubos na nasira at walo naman ang “partially damaged” sa Tumauini, Isabela.

Lubhang nasalanta ang Barangay Sta. Catalina at Malamag at 11 pamilya ang naapektuhan, ayon kay Janevie Palogan ng Municipal Disaster Risk Reduction Management Office ng Tumauini.

Ipinost din ito ng netizen na si Jefferson Mamauag IV, na sinabing halos isang oras ang itinagal ng higanteng buhawi.

Ayon sa ulat, nabubuo ang ipo-ipo kapag may thunderstorm.

Paliwanag ni Tony Pagaliluan ng PAG-ASA (Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration) Tuguegarao, nabubuo ang ipo-ipo sa sa pagtaas ang temperature ng hangin mula sa dagat at lupa dahilan para sumingaw ang tubig mula sa dagat.

Namumuo rito ang Cumulonimbus clouds na pinanggagalingan ng pagkulog at pagkidlat.

Continue reading below ↓

Kapag humalo rito ang mainit na hangin mula sa lupa, namumuo ang bugso ng hanging gumagalaw nang paikot at lumaki ito hanggang sa maging ipo-ipo.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Tornado batters small towns in Isabela. Residents thought it was smoke from fire, then they saw it moving, and realized what it was.
PHOTO/S: Jefferson Mamauag
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results