Diver swallowed by humpback whale lives to tell story

by Bernie V. Franco
Jun 14, 2021
Michael Packard, 56, suddenly finds himself literally in the dark. Then it dawned on him he was inside a humpback whale.
PHOTO/S: Packard family / thegreenestblue.com

Muntik nang maging agahan ng isang balyena ang isang maninisid ng lobster sa Provincetown, Massachusetts.

Naninisid ng lobster si Michael Packard, 56, at pagkalipas lang ng ilang sandali, napagtanto niyang nalamon umano siya ng isang humpback whale.

Nagtagal raw ng 30-40 segundo sa bibig ng balyena si Michael bago siya iluwa nito.

Naaalala niyo ba ang kuwento ni Jonah sa Bibliya? Tatlong araw namalagi sa tiyan ng balyena si Jonah para mailigtas ito matapos mahulog sa dagat.

MICHAEL AND THE WHALE

Nitong June 11, 2021, (Friday sa U.S.), dakong ika-8:00 ng umaga, nag-dive si Michael para manghuli ng lobster.

Sakay ng kanyang vessel at kasama ang isang crewmate, pumalaot sila sa Cape Cod kasama ng iba pang mga divers lulan sa kani-kanilang bangka.

Pagkasisid daw niya, biglang nag-iba ang kapaligiran ni Michael.

“All of a sudden, I felt this huge shove and the next thing I knew it was completely black,” kuwento ng diver sa Cape Cod Times, isang daily broadsheet sa Massachusetts.

Continue reading below ↓

“I could sense I was moving, and I could feel the whale squeezing with the muscles in his mouth.”

Noong una ay inakala raw ni Michael na isang great white shark ang lumamon sa kanya, pero wala raw siyang makapang matatalim na pangil at wala siyang sugat.

Nagpagtanto niyang nasa loob siya ng bibig ng balyena.

“I was completely inside; it was completely black,” Packard said. “I thought to myself, ‘there’s no way I’m getting out of here. I’m done, I’m dead.’ All I could think of was my boys—they’re 12 and 15 years old.”

Habang nasa loob ng bibig ng balyena ay nagpupumiglas si Michael at naramdaman niyang hindi ito nagustuhan ng dambuhalang nilalang.

Naramdaman daw niyang gumalaw ang balyena at di nagtagal ay may nakita na siyang liwanag. Bumukas na ang bibig ng balyena.

“I saw light, and he started throwing his head side to side, and the next thing I knew I was outside.

Continue reading below ↓

"I just got thrown in the air and landed in the water. I was free and I just floated there. I couldn't believe… I'm here to tell it."

Nang makita siya ng kanyang crewmate na si Josiah Mayo, tinulungan siyang makasakay sa kanilang vessel.

Tumawag sila sa pier gamit ang radyo para bumalik.

Dinala naman ng Provinceton Fire Department ambulance si Michael sa Cape Cod Hospital.

Natukoy na nagkaroon ng tissue damage si Michael pero hindi naman nabalian ng buto.

Ang isang humpback whale ay umaabot sa 50 feet ang laki at halos 36,000 kilograms ang bigat.

Inilarawan ng crewmate ni Michael na medium size ang balyenang lumamon kay Michael.

Sa nasulat na ulat, sinabi naman ng isang ekspertong si Jooke Robbins, Humback Whale Studies director sa Center for Coastal Studies in Provinceton, hindi agresibo ang mga humpback.

Suspetsa ni Robbins, isang batang balyena ang nakadagit kay Michael at hindi nito sinasadya.

Continue reading below ↓

Dagdag pa ni Robbins, “exceedingly rare as to be nonexistent” ang mga kaso na nalalamon ng mga humpback ang mga diver at swimmer.

Sa kabila ng kanyang karanasan, wala raw balak si Michael na magpalit ng trabaho na 40 taon na niyang ginagawa.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Michael Packard, 56, suddenly finds himself literally in the dark. Then it dawned on him he was inside a humpback whale.
PHOTO/S: Packard family / thegreenestblue.com
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results