Happy tarpaulins surprise COVID-19 survivors after completing 14-day quarantine

by Bernie V. Franco
Jun 22, 2021
Two guys from different places posted on social media the tarpaulins that greeted them after finishing their 14-day quarantine.
PHOTO/S: Facebook (Dennnis Roderos/Randy Rick Rosario and Julius Ceasar Rosario

Hindi lang mga licensure-exam passers o mga pumanaw ang pinapagawan ng tarpaulin ngayon, kundi pati na mga COVID-19 survivors.

Kagaya na lamang ng karanasan ng dalawang lalaking mula sa magkaibang lugar.

Sa magkahiwalay na kuwento, hindi nila inakalang pagagawan sila ng tarpaulin ng mga taong malapit sa kanila sa pagtatapos ng kanilang two-week quarantine matapos magka-COVID-19.

Bukod sa pang-good vibes, puwede itong tingnan na may malalim na dahilan.

Nariyan ang diskriminasyon sa mga nagkaroon ng COVID-19.

Sa pamamagitan ng tarpaulin, naipapaalam sa komunidad na ang isang kapitbahay na nagka-COVID-19 ay isang survivor at hindi ito dapat pandirihan.

Bagkus, kailangan itong suportahan at hangaan bilang survivor dahil hindi biro ang magkaroon ng COVID-19.

DENNIS FROM ANTIQUE

Ito ang nangyari sa COVID-19 survivor na si Dennis Roderos ng Pandan, Antique.

Biniro siya ng mga malalapit na kaibigan na papagawan ng tarpaulin kapag nakumpleto ang kanyang quarantine.

Ipinost ito ni Dennis sa Facebook.

Continue reading below ↓

Sa kanyang caption, bagamat nakaramdam siya ng hiya dahil sa “trip” ng mga kaibigan, kita sa mga ginamit na maraming laughing emojis ni Dennis na hindi niya maiwasang matawa sa show of support nila.

Ipinost niya ang larawan ng kanyang tarpaulin noong June 8, 2021, isang araw bago matapos ang kanyang two-week quarantine.

Nakatambad sa malaking tarpaulin ang larawan ng lalaki, ang kanyang pangalan, kasama ang linyang: “Congratulations on your successful completion of the 14 Days Covid Quarantine.”

Caption ni Dennis (published as is): “Ako po'y lubos na nagpapasalamat sa aking butihing kaibigan na si Nicca Sarah Diana sa aking dinanas na kahihiyan, lakas NG trip MO lecheee ka [laughing and kiss emojis].”

At saka niya pinasalamatan ang iba pang “kakontyaba” na mga “kaibigang tunay.”

Pagkaklaro ni Dennis (published as is): “P. S ,,,Lalaya lng po ako sa quarantine bukas,,, pero buhay na buhay PA po ako.. Wala pong lamay na maNGYAyari [laughing emojis].”

Continue reading below ↓

Kinabukasan, sa huling araw ng kanyang quarantine, muling nag-post si Dennis ng kanyang larawan katabi ang tarpaulin bilang patunay raw na buhay pa siya.

Ito ay dahil pinapagawan rin ng tarpaulin kapag ang isang tao ay pumanaw.

Caption ni Dennis (published as is): “Sa wakas tapos na ang 14days,,,pero ang kahihiyan koy habang buhay na Ata [laughing and angry emojis]”

Continue reading below ↓

Muli niyang pinasalamatan ang kaibigang nag-sponsor ng tarpaulin.

“Sobrang salamat sa pasurprise, ako'y napamura tlga... Last MO na to [laughing emojis]nag papicture na din ako sa sa tarp Para klaro po sa lahat na BUHAY PA PO AKO at walang nararamdamang Kung ano,,”

May disclaimer din si Dennis na katuwaan lang ang ginawa sa kanya ng mga kaibigan.

RANDY FROM CAGAYAN

Halos ganito rin ang karanasan ni Randy Rick Rosario ng Brgy. Bagu, Pamplona, Cagayan.

Tinotoo ng kanyang pinsan na pagagawan si Randy ng tarpaulin kapag natapos nito ang kanyang 14-day quarantine, ulat ng Bayan Mo, Ipatrol Mo.

Kuwento ni Randy, nagpositibo siya sa COVID-19.

May nakita siya sa social media na pinagawan ng tarpaulin nang makumpleto ang isolation nito.

Biniro ni Randy ang pinsan na ganito rin ang gawin sa kanya.

Nag-quarantine si Randy mula June 4 hanggang June 17, 2021.

Pagkatapos nito ay may tarpaulin ngang bumungad sa kanya.

Continue reading below ↓

“Akala ko po, joke lang po ng pinsan ko na papagawan ako ng tarpaulin pagkalabas ko... 'tapos pagkauwi ko po, ayon, meron pala talaga pinagawa,” ani Randy.

Ipinost din ni Randy ang larawan niya hawak ang tarpaulin para makapagbigay ng good vibes.

Continue reading below ↓

Ang payo naman niya, manatiling positibo sa buhay anuman ang mangyari.

NETIZENS REACT

Bagamat nagsimula sa biro, ang pagkakaroon ng tarpaulin ng COVID-19 survivors ay dapat maging awareness campaign din.

Sang-ayon dito ang ilang netizens.

Reaction ng isang netizen: “I was informed by a friend from Capiz that this is true because of the stigma and discrimination the people with COVID-19 experience.

“He said it is not a laughing matter.

“Some of the COVID-19 patients experience being ostracized and their houses stoned.

“People regard COVID as a curse.

“So they announce publicly, once they have completed their quarantine and are well again, so that the neighbors will no longer regard them as carriers of the disease and accept them again.

“The DOH and local government officials have to do extra effort to correct all the misconceptions and misinformation on COVID.”

Komento naman ng isang abogado: “Well, I don't hide the fact that I had COVID, and so with my friends na nagka-COVID.

Continue reading below ↓

“The more people know, better para matanggal ang stigma. Especially if you have stature in the community.”

Sang-ayon din dito ang isang head ng isang non-government organization.

Aniya: “Ganyan talaga sa Maranao country, the road from Iligan to Marawi is peppered with hundreds of tarpaulins announcing a graduation here, a successful board exam there, this and that.

“But this one—about passing the quarantine is the most outstanding I’ve seen, and why not? Come to think of it, it also means I’m young, strong, healthy, and virile!”

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Two guys from different places posted on social media the tarpaulins that greeted them after finishing their 14-day quarantine.
PHOTO/S: Facebook (Dennnis Roderos/Randy Rick Rosario and Julius Ceasar Rosario
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results