Macho dancer who performs via Zoom makes PHP30K from tips alone

by Bernie V. Franco
Jun 23, 2021
This macho dancer from Nueva Ecija adapts to the new normal, and presently caters to his clients via Zoom.
PHOTO/S: YouTube (GMA Public Affairs)

Ikinuwento ng isang macho dancer na nakikiayon na rin siya sa tawag ng pagbabago ngayong may pandemya.

Work from home (WFH) na rin ang solusyon ni “Evo Martin” para maipagpatuloy ang kanyang trabaho bilang macho dancer.

Sa pamamagitan ng Zoom app, patuloy ang kanyang paggiling para sa entertainment ng kanyang mga kliyente

Ginagawa niya ang kanyang “trabaho” sa kuwarto ng kanyang bahay sa Nueva Ecija.

Si Evo ay magsasaka sa umaga at macho dancer sa gabi.

“Lahat ng magti-test, gagawin mo para maka-survive sa araw-araw na buhay,” paliwanag ni Evo sa episode ng Kapuso Mo, Jessica Soho, noong Linggo, June 20, 2021.

Bunsod ng quarantine, maraming establishments ang nagsara, kabilang ang bars.

Naapektuhan ang trabaho ni Evo.

Pero may nagbukas na pinto para matuloy ang kanyang hanapbuhay.

“Meron akong isang friend na nag-message sa akin kung willing daw ba akong mag-perform sa Zoom.

“Okay lang ba na magsasayaw ako dito sa loob ng bahay para safe na rin.”

Continue reading below ↓

Kaya naman sa harap ng video camera pagsapit ng gabi, hinahandugan ng sayaw ni Evo ang kanyang mga kliyente, sa saliw ng makukulay na ilaw at music sa kanyang kuwarto.

“Akala ng kapitbahay ko may party-party rito tuwing gabi. Inaabot ako ng madaling araw dito kasi may mga nagre-request na, ‘Sayaw pa.’”

Bagamat hindi face-to-face, malaki pa rin ang kinikita ni Evo.

Ang mode of payment? Sa pamamagitan ng kilalang virtual wallet.

“Kumita ako sa isang gabi PHP30K, e, kaya sabi ko, ‘Wow, ah.’

“Sa mga tip pa lang, talagang panalo na. ‘Send niyo muna sa GCash, then ‘tsaka ako magsasayaw.”

EVO’S EARNINGS BEFORE PANDEMIC

Bago magkaroon ng pandemya, nakaipon nang malaki si Evo para makapagpundar ng mga ari-arian.

Nagawa niyang tubusin ang kanilang lupa na umabot ng halos PHP1 milyon.

Nakapagpatayo na rin siya ng bahay rito na inabot na rin daw ng PHP2 milyon.

Bukod sa mga ito, nakapagtabi rin siya ng savings at mga alahas na aniya’y investments niya.

Inilarawan niya ang kanyang trabaho nang ganito: “Isa akong performer. Natipuhan ako ng isang guest, magbibigay siya ng tip."

Paglilinaw pa niya, “Hindi magagamit ang aking katawan.

“Hindi po lahat ng iniisip niyo sa aming mga macho dancer ay ganito,” na ang tinutukoy ay prostitusyon.

BIDAMAN FINALIST PRIVATE VIDEOS

Ang WFH ni Evo bilang macho dancer ay hindi na kagulat-gulat.

Nito lamang Mayo, ibinunyag ng BidaMan finalist na si Jervy delos Reyes na maging siya ay nagbebenta ng pribadong adult content sa kanyang mga kliyente.

Ang BidaMan ay isang male artista search sa ABS-CBN noontime show na It’s Showtime.

Ayon kay Jervy, naisipan niyang magbenta ng private adult content dahil sa kakulangan o kawalan ng trabaho ngayong pandemya.

Nais daw niyang maging independent at hindi laging nakaasa sa pamilya.

“So, parang... gusto kong matuto sa sarili ko. Kasi, sa totoo lang po, umaasa po ako palagi sa mama ko dati," sabi niya.

Continue reading below ↓

“Sa pera, financially, sa pagkain. Para sa akin po, ano na ako, e, 22 years old na ako, e.

“So, parang yun na po ang naging fuel ko para magawa yung bagay talaga.”

Isa pang dahilan ni Jervy kung bakit niya nagawa ang pagbebenta ng private content online: “Parang isa po siya sa naging way para mas mahanap ko yung sarili ko.

Continue reading below ↓

“Kasi dati po, sobrang natatakot po ako sa judgment. Sobrang natatakot po ako sa sasabihin ng ibang tao. Sobrang natatakot po ako sa sarili ko.

“Parang... sobrang ang dami kong weakness dati, na ngayon, yung weakness ko na ‘yon, nagagamit ko na siya as strength.”

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
This macho dancer from Nueva Ecija adapts to the new normal, and presently caters to his clients via Zoom.
PHOTO/S: YouTube (GMA Public Affairs)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results