Miss Ecuador 2021 candidate chasing dreams without arms, with 1 leg

by Bernie V. Franco
Jun 29, 2021
Meet Victoria Salcedo, 25, who is an official candidate in the upcoming Miss Ecuador 2021. Victoria had a major accident when she was only five years old causing her arms and left leg to be amputated.
PHOTO/S: @organizacionmissecuador, @vicco_salcedo on Instagram

Agaw-pansin ang isang Miss Ecuador 2021 candidate dahil wala itong mga kamay at isang paa.

Meet Victoria Salcedo, 25, mula sa Guayaquil, ang pinakamalaking siyudad sa Ecuador.

Si Victoria ay isa sa dalawampung kandidatang sasabak sa national pageant sa South American country.

Sinumang manalo sa pageant ay ang magiging representative ng Ecuador sa Miss Universe 2021 pageant later this year.

Continue reading below ↓

Recently, nilagyan na ng sash ang 20 official finalists ng Miss Ecuador pageant.

Ang ama ni Victoria na si Agustin Salcedo ang naglagay sa kanya ng sash.

Makikitang mahigpit ang yakap na ibinigay ng ama sa kanyang anak, tanda ng pagiging proud nito.

Bukod sa walang mga kamay, may suot ding leg prosthetic si Victoria sa kanyang kaliwang paa.

Continue reading below ↓

Sa Instagram, mayroon siyang 116,000 followers at higit 260,000 followers sa TikTok.

Mensahe ng pagiging positibo ang kanyang mga posts.

Si Victoria ay nakilala sa social media sa advocacy niyang inclusivity. Hangad niya ay turuan ang lipunan na maging mas maunawain.

Mahihinuhang may hugot si Victoria sa kanyang mga advocacy.

Naaksidente si Victoria noong siya ay limang taong gulang. Hinawakan niya ang high-voltage cable na nauwi sa pagputol sa kanyang mga kamay at isang paa.

Ang pinakamalaking hamon kay Victoria ay ang tingin sa kanya ng lipunan na “kulang” siya dahil sa kanyang kapansanan.

Pero dito siya humugot ng lakas.

Sa isang previous interview, sinabi niya na hindi niya hinayaan ang kanyang kapansanan na maging sagabal sa pag-abot ng kanyang mga pangarap.

Bukod sa pagiging Journalism student, si Victoria ay nagpa-practice din ng swimming.

Ang kandidatang kokoronahan sa Miss Ecuador 2021 pageant ay magiging successor ni Leyla Shuken Espinoza Calvache, na kinatawan ng Ecuador sa Miss Universe 2020 pageant na ginanap sa Seminole Hard Rock Hotel & Casino sa Hollywood Florida, U.S.A. noon lamang Mayo.

Continue reading below ↓

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Meet Victoria Salcedo, 25, who is an official candidate in the upcoming Miss Ecuador 2021. Victoria had a major accident when she was only five years old causing her arms and left leg to be amputated.
PHOTO/S: @organizacionmissecuador, @vicco_salcedo on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results