Balut vendor, umaandar ang sasakyang binuo sa kalakal na junk at scrap metal

by Bernie V. Franco
Jul 14, 2021
drum car
PINOY INGENUITY. A balut vendor assembles a drum car using a worn-out motor, an old drum, and metal scraps.
PHOTO/S: Facebook (All About Wheels Manila)

Isang sasakyan ang nabuo ng magbabalut na si Rolando Barrientos gamit lamang ang sirang motor, lumang drum, at mga kalakal na bakal.

At tumatakbo ito!

Nag-viral sa social media ang drum car ni Rolando, na taga-Parada, Valenzuela City.

Sa loob lamang ng dalawang linggo, may lampas five million views na ang feature kay Rolando sa Facebook page na All About Wheels Manila.

Umani na ito ng 153,000 reactions at 7,000 comments.

DIY PROJECT

Pero higit sa sasakyan, pinatunayan ng balut vendor ang pagkamalikhain ng Pilipino gamit ang mga patapong bagay.

Ganito ipinakilala ni Rolando ang sarili: “Isa po akong balut vendor at nangangalakal po ako—namimili po ako ng mga scrap.”

Kung pagmamasdan ang likhang sasakyan ni Rolando, alanganin itong motorsiklo, alanganin ding kotse.

Tila may pagkakahalintulad ito sa itsura ng owner jeepney.

Naisipan raw ni Rolando na gumawa ng ganoong sasakyan sa panghihinayang na ikalakal ang kanyang XRM, isang uri ng motorsiklo.

Continue reading below ↓

Kuwento niya, “Yung mga kalakal ko, ibebenta ko na po sana. Nandito po ‘yung sira kong motor na XRM.

“Nanghihinayang naman po ako na kalakalin. Naisipan ko na bumuo ako ng isang bagay na puwede ko pang pakinabangan.”

Gamit lamang ang lumang drum at mga metal scrap, inumpisahan ni Rolando ang pag-assemble ng sasakyan.

Dito raw ibinuhos ng balut vendor ang kanyang oras habang may pandemya.

Pag-amin niya, “Hindi ko naman talaga alam kung paano ang paggawa.

“Lakas-loob na lang po talaga kaya kinaya at unti-unti ko rin pong nabuo ito sa gitna ng pandemic.

“Hirap sumakay dahil wala naman akong sariling sasakyan. Kaya unti-unti naman po nabuo ko ‘tong sasakyan na ito.”

Barrientos assembled his drum car out of recycled and junk parts.

Continue reading below ↓

ASSEMBLING FROM SCRAPS

Para mapabilis ang kanyang trabaho, humingi raw si Rolando ng tulong sa mga kaibigan.

Patuloy niya, “Nagtulong-tulong po kami. Wala naman akong kakayahan kaya ganito na lang ang nagawa ko.

“Wala kasi akong gamit na panglatero para makabuo talaga ng mas maayos na sasakyan, e.

“May drum ako na pakalat-kalat dito sa labas na pinaglalagyan ko ng mga kalakal na pinag-iipunan.

“Hanggang sa naisip ko ito na lang ang gawin kong kaha ng gagawin kong sasakyan.”

Ang windshield naman ng sasakyan ay gawa mula sa frame ng sirang LED TV.

Ang chasis o kalansay ng sasakyan ay binuo mula sa mga bakal sa kanyang pangangalakal.

“Yung ginamit ko naman pong makina, yung kauna-unahan na motor ko na sira na.

“Sira na yung lahat, makina na lang halos yung gumagana. ‘Yun po ang ginamit kong makina ng motor.”

Ang mga gulong ay mula sa mga sirang electronic bikes, ang propeller, molye (spring) at iba pang motor parts ay binili ni Rolando mula sa junk shop ng multicab.

Continue reading below ↓

Ang stainless part sa likod ng sasakyan ay nabili niya mula sa pagbebenta ng mga kalakal.

“Inipon ko nang paunti-unti para makagawa ako nito. Electric welding lang po ang gamit namin sa paggawa.

“Sa pag-ipon ng konti-konti, kung may sobra pa ho akong budget para sa pamilya ko, bumibili ako ng paunti-unting materyales, kung ano lang ang abutin ng pera ko," paliwanag niya.

INDEPENDENT AT AN EARLY AGE

Lahad pa ni Rolando, natuto siyang magtrabaho sa murang edad.

“Mula po kasi nung nagkaisip kami at natuto po kaming maghanapbuhay, tinuruan po kami ng mga magulang namin na mangalakal at magtinda ng balot…

“Dahil hirap din po ang magulang ko sa pagpapa-aral sa amin.

“Sa hirap po kasi ng buhay noon, na nasa province kami, siguro mula ho nung pagkabata hanggang ngayon, kalakal pa rin po ang hanapbuhay ko.”

More than the drum car, Rolando's creation is a testament of Pinoy ingenuity.

Continue reading below ↓

Ipinagmamalaki ni Rolando ang kanyang likha dahil ito ang kauna-unahan niyang na-assemble na sasakyan.

Nais daw ni Rolando na magsilbing inspirasyon sa mga anak ang kanyang nalikha.

Na bagamat wala siyang kaalaman tungkol dito, nakaya niya itong buuin sa pamamagitan ng tiyaga.

“Inspirasyon ko ang aking mga anak. Gusto ko po kasi madagdagan ang kaalaman nila, na kahit hindi sila nakapag-aral o kulang man sila sa pag aaral…

“Ang gawin sana nila, talasan nila ang isipan nila.

“Na kahit gaya namin na hindi nakapag-aral o walang pinag-aralan sa ganitong background, makagawa at kayanin hanggang sa kakayanin.”

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PINOY INGENUITY. A balut vendor assembles a drum car using a worn-out motor, an old drum, and metal scraps.
PHOTO/S: Facebook (All About Wheels Manila)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results