Pinay lola, 123 years old, kandidato sa Guinness bilang oldest living person

Jul 15, 2021
Libangan ni Lola Francisca Susano tuwing umaga ang pagtugtog ng harmonica. (Photo courtesy of Merlene Susano)

Madalas topic sa kuwentuhan ng mga magbabarkada ang kondisyon ng katawan at kalusugan.

May mga nagrereklamong kahit na 30s pa lang, pakiramdam nila'y 60 na sila at marami nang idinadaing—lalo na ang balakang, likod, at mga kasu-kasuan.

Sa age bracket na 40 above, usap-usapan ang maintenance medicines dahil karaniwang iniinda ang kundi man diabetes ay high blood.

Sabi nga, napaka-stressful na ng ating mundo ngayon, kaya sobrang apektado ang ating isipan, katawan, at kalusugan.

Kaya naman jaw-dropping itong totoong kuwento ng Pinay lola na 123 years old na, at candidate ngayon sa Guinness World Records bilang oldest living person—at sa kanyang age na iyan ay nakakatugtog pa ng harmonica!

MEET LOLA FRANCISCA, 123-YEAR-OLD PINAY GRANDMA

Ipinanganak si Lola Francisca noong September 11, 1897 sa Barangay Carol-an, Kabankalan City, Negros Occidental.

Ang mga datos tungkol kay Lola Francisca ay naidetalye ng kanyang apong si Merlene Susano, 45, kay Rachel Ganancial, 23, reporter ng Palawan News.

Continue reading below ↓

Noong June 4, 2021, nalathala ang artikulo ni Rachel tungkol kay Lola Francisca, na may titulong “Guinness candidate as world’s ‘oldest living person’ a Negrense.”

Nakipag-ugnayan kay Rachel ang PEP.ph [Philippine Entertainment Portal] via FB Messenger noong July 11, 2021.

Sinabi namin sa kanyang gumagawa kami ng update tungkol kay Lola Francisca.

Ang message sa amin ni Rachel, “Pwede po kita i-link na lang sa apo ni Lola, siya na rin kasi nakausap ko sa story ko before.”

July 12 naman nang tumugon sa aming panayam si Merlene sa pamamagitan din ng FB Messenger.

Isa raw siya sa mga unang apo ng kanyang lola. Ang kanyang ama ang ika-11 sa 14 na anak ni Lola Francisca.

PHOTO courtesy of Merlene Susano.

Continue reading below ↓

NAGING INTERNET SENSATION SI LOLA FRANCISCA

Sa artikulo sa Palawan News, nilinaw na isang Negrense si Lola Francisca.

Noong 2012 ay nagpunta ito sa Palawan para bisitahin ang mga anak at apo na nasa Puerto Princesa City.

Bumalik siya noong 2017 sa Negros Occidental, at doon na ngayon namamalagi.

Noong nasa Palawan pa si Lola Francisca ay nailipat doon ang kanyang personal records.

Continue reading below ↓

Noon na lumutang ang posibilidad na baka mapasama siya sa Guinness World Records bilang pinakamatandang nabubuhay na tao sa mundo.

Sa pananaliksik ng PEP.ph, 2016 pa lang ay may mga datos na sa Internet tungkol sa edad ni Lola Francisca.

Madalas rin siyang maibalita ng iba’t ibang media outlets mula noon.

Sa panahon ding ito isinumite ng ilang volunteers mula Puerto Princesa ang kuwento ni Lola Francisca sa Guinness World Records organization.

Nasa Palawan pa siya noon.

Alam daw ng kanyang pamilya sa Puerto Princesa at Negros Occidental ang tungkol dito.

Pero nilinaw ni Merlene na nababasa lang niya online ang tungkol sa pagtanggap ng Guinness sa mga ebidensiyang nagpapatunay sa edad ng kanyang lola.

Wala pa umano silang natatanggap na sulat o kumpirmasyon tungkol sa mga kumakalat na balita online nang muli siyang makausap ng PEP.ph noong July 14.

Aniya, “Parang may nakita na po ako na post na approve na. Hindi ko [na-]save.”

Continue reading below ↓

Dahil kailangan ng konkretong impormasyon, pinakiusapan namin siyang balitaan agad ang PEP.ph kung may official communication na mula sa Guinness.

Sinabi rin ni Merlene na maraming vloggers ang gustong mag-feature kay Lola Francisca pero tinanggihan nila.

“Protection na rin po kay Lola,” sinabi ng apo.

ANO ANG MGA SIKRETO SA MAHABANG BUHAY NI LOLA?

Ang pambihirang kalusugan at mahabang buhay ni Lola Francisca ay masasabing dahil na rin sa disiplina nito sa pagkain.

Ayon kay Merlene ay iniiwasan nito ang mga pagkaing maraming seasoning.

Mas gusto rin daw nitong kainin ang gulay at honey.

Lagi rin daw on time ang oras ng kain nito, at alaga nila sa bitamina.

Tinitiyak naman nilang hindi ito masyadong nagtatagal sa paghiga o pag-upo para lagi pa ring nakakakilos kahit sa pakonti-konting lakad.

Bukod dito, nabanggit ni Merlene na nasa lahi talaga ng kanyang lola na mahahaba ang buhay ng mga kapamilya nito.

Sabi ni Merlene, “Tinanong ko yong anak ni Lola na si Ernesto Susano. Sabi niya, ‘yong uncle ni Lola Francisca noon ay 130 years old namatay.”

Continue reading below ↓

Sa ngayon, walo na lang daw sa anak ng kanyang lola ang buhay.

“Ang pinakamatanda na nabubuhay ay 100 or 101 years old.”

Ayaw rin daw ni Lola Francisca ng mga argumento. Hindi ito nakikipagtalo sa asawa noong buhay pa ang mister, maging sa mga anak.

Gusto nito ay tahimik na buhay.

“Oo, pag inaaway iyang si Lola, aalis na lang ng bahay. Pupunta iyan sa bundok at magtatanim na lang po ng mga kamoteng kahoy or gabi.”

PHOTO courtesy of Merlene Susano.

Continue reading below ↓

NAKAKATUGTOG PA RIN NG HARMONICA

Kinumusta namin kay Merlene ang kasalukuyang kondisyon ni Lola Francisca.

Pagbabahagi niya, “Sa ngayon, si Lola, habang tumataas iyung edad, nag-iiba na talaga.

“Pero good hearing pa rin. Ang [pandinig], hindi nagbabago sa kanya.

“Ang paningin niya, hindi na siya masyado makakita. Light na lang po.”

Nabanggit ni Merlene sa panayam ni Rachel na marunong mag-harmonica ang kanyang lola at gusto nitong tumutugtog tuwing umaga.

Iyon pa rin daw ang libangan nito ngayon, na aniya ay magandang lung exercise.

“Still, nag-play pa din siya ng harmonica.

“Minsan she is good mood, kakanta iyan. Masarap mo siya kausap.

“Pag bad mood siya, hindi mo siya makausap.”

Gaya ng ibang matanda na ay nagkasakit na rin noon nang malubha si Lola Francisca.

“Before, nagkasakit si Lola. Pero mula nang umuwi na siya rito galing Palawan, hindi na po siya nagkasakit.”

Nasa Davao City ngayon si Merlene. Noong nasa Negros ito, siya ang nag-aalaga sa kanilang lola. Nakapagtrabaho na rin siya sa abroad bilang midwife.

Continue reading below ↓

“Two months pa po ako dito [Davao], pero more on monitoring pa rin ako doon sa kanila [kina Lola sa Negros]. Babalik din po ako doon pag okey na lahat.”

Ang ibig niyang tukuyin ay kapag maluwag na ang quarantine restrictions at puwede na siyang makabiyahe.

AGE NI LOLA HALOS DOBLE NG LIFESPAN NG PINOY

Gaano kahaba ang buhay ng mga Pinoy?

Ang ikli o haba ng buhay ng tao ay maraming batayan, gaya ng henerasyon, nationality, genes, at maging lifestyle.

Minsan ay nasa kapalaran. Kahit bata pa at malusog, puweng masawi sa sakit, aksidente, o sakuna.

Paano nga kaya tayo magkakaroon ng mahabang buhay?

Generic na sagot dito ang hindi pag-abuso sa katawan at kalusugan. Masusustansiyang pagkain, ehersisyo, at tamang pahinga—at mapayapang buhay.

Reality check, ang mga bagay na ito ay mahirap ma-achieve sa masalimuot at magastos na mundo ngayon.

Siguro, gaya ni Lola Francisca, i-try kaya nating matutong mag-harmonica—at baka bukod sa gulay at honey, ito talaga ang sikreto niya.

Continue reading below ↓

Sa mga susunod na salinlahi nating mga Pilipino ay baka imposible nang may makaabot pa sa edad ni Lola Francisca.

Batay sa World Health Organization statistics ng 2018, ang mga Pinoy na sa Pilipinas mismo naninirahan ay may lifespan na 69.3 years.

Ang metric o sukat na ito ay mas maikli ng tatlong taon sa global average na 72 taon.

Halos doble na nito ang buhay ni Lola Francisca.

Umaasa naman ang pamilya nina Merlene na opisyal na maidedeklara ng Guinness ang kanilang lola bilang pinakamatandang nabubuhay na tao sa mundo.

Magiging masayang-masaya raw sila, at hinihintay nila iyon.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Libangan ni Lola Francisca Susano tuwing umaga ang pagtugtog ng harmonica. (Photo courtesy of Merlene Susano)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results