Pinoy food truck sa U.S. na-vandalize; NBA star Jordan Clarkson nag-abot ng tulong

by KC Cordero
Jul 20, 2021
Isa si Fil-Am NBA superstar Jordan Clarkson sa mga unang tumulong sa may-ari ng World Famous Yum Yum Food Truck. Na-vandalize ang food truck dahil sa Asian hate na laganap ngayon sa US. Photo from Jordan Clarkson's FB page.
PHOTO/S: undefined
ILLUSTRATION: undefined

Nakaranas si Benjamin Pierce, isang Filipino-American sa Salt Lake City, Utah, ng Asian hate.

Noong umaga ng Hunyo 6, 2021, na-vandalize ang kanilang food truck.

Ang itim na sasakyan nila ay binugahan ng puting pintura at sinulatan ng "f*ck chinks."

Ang kanilang logo ay nasulatan ng “Leave our country."

Source of income ng pamilyang Pierce ang food truck, na ginagamit nila sa pagtitinda ng mga pagkaing Pinoy.

Kilala ang World Famous Yum Yum Food Truck sa sisig, lechon kawali at lumpiang shanghai.

Hindi ito ang unang pagkakataon na ang kanilang food truck ay naging target ng mga salbahe.

Bago pa man sila nagsimula ng operasyon noong Agosto 2020, dalawa sa kanilang generators ang nanakaw.

Matapos ito, ninakawan naman sila ng mga gamit sa pagluluto.

Continue reading below ↓

TULONG MULA KAY FIL-AM NBA STAR JORDAN CLARKSON

Isa sa agad nagpaabot ng tulong kay Ben si National Basketball Association (NBA) superstar Jordan Clarkson, 29.

Si Clarkson na isa ring Filipino-American ay miyembro ng koponan ng Utah Jazz.

Naglaro siya para sa Gilas Pilipinas noong 2018 Asian Games.

Napanalunan rin niya ang 2020-2021 NBA Sixth Man of the Year award.

At winner siya sa puso ng marami nang kondenahin niya ang pag-vandalize sa food truck na pininturahan ng anti-Asian at racist na mensahe.

Sa kanyang tweet noong Hunyo 10, 2021, sinabi niya na ipapa-restore niya ang food truck sa tulong ng Identity Graphx.

Ang tweet ni Clarkson: "It hurt me deeply to see that Salt Lake's @yumyumasian food truck was recently vandalized - I know the pain that hateful language and racism causes. With help from @identitygraphix we'll be able to restore the truck and hopefully lift Ben and his family's spirit!! #StopAsianHate."

Continue reading below ↓

Ang Identity Graphx ay isang graphic company sa Salt Lake City, Utah na nagpo-provide ng premium car, vehicle, and wall wraps.

Naibalita ni Kathy Stephenson ng The Salt Lake Tribune noong June 12 na nasa halos $5,000 ang presyo ng custom vehicle wrap na ginawa ng Identity Graphx sa food truck.

Continue reading below ↓

Pero hindi ito pinabayaran ng Identity Graphx kay Clarkson. Naging tulong na rin nila iyon sa may-ari ng food truck.

Sa halip, ang detailing ng interior ng food truck ang ginastusan ng NBA star.

Nagpadala rin daw si Clarkson ng tseke na hindi binanggit kung magkano ang halaga, at isang autographed photo sa mga may-ari World Famous Yum Yum Food Truck.

Katuwang ni Ben sa kanyang food business ang anak na si Brevin, 21.

Sa isang Facebook post, sinabi ng mag-ama na labis silang natutuwa at nagpapasalamat sa tulong at suporta sa kanila ng local community at ni Clarkson.

Anila, “It has been an emotional few days. The love and support that we got from all of you has been deeply heartfelt. My family can’t thank you guys enough. Special thanks to Utah Jazz’s Jordan Clarkson and Dan from Identity Graphics for the new look.”

Continue reading below ↓

WORLD FAMOUS YUM YUM FOOD TRUCK BACK TO BUSINESS

Samantala, dahil sa suportang natanggap mula kay Clarkson at sa kanilang komunidad, bukas na ulit ang World Famous Yum Yum Food Truck.

Continue reading below ↓

Noong June 12, na selebrasyon ng Philippine Independence Day, ay nakapag-serve na sila sa kanilang mga suki sa Jordan Park.

Continue reading below ↓

“We just want to thank everyone for coming out to support us. What an awesome community we have. We hope everyone had a good time and enjoyed the festival. We love you,” ang post ng mga Pierce sa Facebook page ng kanilang food truck noong June 13.

Continue reading below ↓

At biktima man sila ng Asian hate crime, pinatunayan ng mga Pierce na nananalaytay sa kanilang dugo ang pagiging resilient ng mga Pilipino—at hindi basta-basta palulupig.

Dahil matapos ma-vandalize ang kanilang sasakyan noong June 6, ito ang kanilang naging post sa kanilang Facebook page: “We are not going to have hatred stop us from sharing our culture.”

BAKIT LUMAGANAP ANG ASIAN HATE SA U.S.?

Dahil sa pagtaas ng insidente ng Asian hate crimes sa U.S. simula last year ay nagkaroon ng mga protesta sa mga kalye at maging sa social media.

Sa isang demonstrasyon ay sinabi ni dating San Antonio, Texas Mayor Juliàn Castro sa mga nagra-rally na, “For generations, Asian Americans have been discriminated against. I don’t have to tell that to anybody in this crowd.”

Ayon sa artikulong “Here Is What You Need To Know About Asian Hate—And How You Can Help” na sinulat ni Manas Sen Gupta sa website ng Prestige noong March 26, 2021, mula nang maging malinaw sa lahat na ang COVID-19 ay sa Wuhan, China nag-originate, unti-unti nang tumaas ang mga insidente ng galit sa mga Asians sa U.S.

Continue reading below ↓

Batay sa pag-aaral ng Center for the Study of Hate and Extremism sa California State University, San Bernardino, tumaas nang 150 percent ang hate crimes laban sa mga Asians sa U.S. noong 2020—mahigit sa doble kumpara noong 2019.

Kabilang sa mga hate crimes ang pag-atake sa mga taong may Asian origin, maging sa mga negosyo ng mga Asians.

Sa nasabing pag-aaral, natuklasan na sa Los Angeles at New York pinakamadalas maging target ng pag-atake ang mga Asians.

Naniniwala naman si Karthick Ramakrishnan na may naging bahagi sa pagpapalala ng galit laban sa Asians si dating U.S. President Donald Trump, ang kanyang mga supporters, at conservative media outlets.

Si Ramakrishnan ay founder and director ng Asian Americans and Pacific Islanders (AAPI) Data, isang non-profit demographic data and policy research organization, at ayon sa kanya, paulit-ulit na ginagamit ng mga nabanggit ang mga katagang “China virus” at “Kung Flu” kapag tutukuyin ang COVID-19.

Continue reading below ↓

MASAKER SA MGA ASIAN-AMERICANS SA ATLANTA, GEORGIA

Kabilang sa malalagim na hate crime laban sa Asians ang naganap noong March 16, 2021, sa Atlanta, Georgia.

Naghatid ito ng takot sa mga Asyanong naninirahan sa Amerika at iba pang bahagi ng mundo.

Pinagbabaril at pinatay ni Robert Aaron Long, isang 21-year-old white American, ang walong katao sa tatlong massage parlors sa Cherokee County at Atlanta City.

Anim sa namatay sa krimen ay pawang mga babae na may dugong Asyano.

Naaresto si Long at nakasuhan ng eight counts of murder, pero itinanggi niyang hindi ang galit sa lahi ng mga biktima ang nag-motivate sa kanya para gawin ang krimen.

Hindi kabilang ang hate crime sa mga kasong isinampa laban sa kanya.

Pero para kay Atlanta Mayor Keisha Lance Bottoms, ang naganap na mass shooting ay, “an act of hate crime”.

Isang araw matapos ang Georgia spa shootings, isang 75-year-old na babae ang brutal na inatake sa San Francisco.

Continue reading below ↓

Tatlong magkakahiwalay na insidente pa ng pag-atake sa mga Asians ang naganap noong March 21, 2021 sa New York City.

3,800 ANTI-ASIAN RACIST INCIDENTS SA PANAHON NG PANDEMYA

Noong March 17, 2021, iniulat ni Kimmy Yam sa NBC News na may 3,800 anti-Asian racist incidents na naganap sa nakalipas na taon sa panahon ng pandemya—karamihan ay mga babae ang biktima.

Pagbabawal na makapasok sa establisyemento, pang-iinsulto, at pisikal na pananakit ang karaniwang porma ng hate crime.

Sixty-eight percent ng biktima ay kababaihan, at 29 percent ang kalalakihan.

SUPORTA LABAN SA ASIAN HATE CRIME, ‘SYSTEMIC RACISM’

Ilan sa mga prominenteng personalidad ang nagpahayag ng suporta sa mga pamilya ng mga biktima, at nagpakita ng kanilang solidong pakikiisa sa mga Asians sa US.

Kabilang sa mga ito ang Hollywood stars na sina Awkwafina, Lucy Liu, Sandra Oh, Olivia Munn at Ken Jeong; designers Prabal Gurung at Yoon Ahn; ang mga modelong sina Mona Matsuoka at Soo Joo Park, at iba pa.

Continue reading below ↓

Matapos ang pag-atake sa Georgia ay nag-post ng video sa kanyang Instagram ang multi-awarded Hollywood actress na si Ashley Park sa aniya ay “systemic racism” na kinakaharap ng mga Asians sa araw-araw.

Pahayag niya sa post na may mahigit nang 3 million views:

“This racism starts at a very small level. It starts with things that you say. It starts when someone calls a virus that shut down the whole world the ‘Kung Flu virus.’ It also starts when you roll your eyes or make fun of Asian waiters or Chinese food delivery people and the nail artist.”

Continue reading below ↓

WHITE HOUSE KINONDENA RIN ANG ASIAN HATE

Noong March 19, inatasan ni U.S. President Joe Biden ang U.S. Congress “to swiftly pass the COVID-19 Hate Crimes Act, which would expedite the federal government’s response to the rise of hate crimes exacerbated during the pandemic, support state and local governments to improve hate crimes reporting, and ensure that hate crimes information is more accessible to Asian American communities.”

Noong araw ring iyon, bumisita sina Biden at Vice President Kamala Harris sa Atlanta at nagpahayag ng suporta sa Asian Americans.

Mariin ding binatikos ni Biden ang Asian hate.

Aniya, “Hate can have no safe harbour in America. Our silence is complicity. We cannot be complicit.”

Para naman kay Harris, ang unang Asian-American, African-American at babaeng U.S. vice president, “Racism is real in America. And it has always been. Xenophobia is real in America, and always has been. Sexism, too.”

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Isa si Fil-Am NBA superstar Jordan Clarkson sa mga unang tumulong sa may-ari ng World Famous Yum Yum Food Truck. Na-vandalize ang food truck dahil sa Asian hate na laganap ngayon sa US. Photo from Jordan Clarkson's FB page.
PHOTO/S: undefined
ILLUSTRATION: undefined
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results