Graduation sa Antique idinaos gamit ang kareta with special participation of kalabaw

by KC Cordero
Jul 21, 2021
A carabao-driven mobile carroza accompanied the teachers who went house to house to give graduating grade schoolers their diplomas. Each kid went up the makeshift stage for the graduation ritual, avoiding the normal face-to-face staging of a graduation ceremony.

Ang graduation day ang isa sa pinakahihintay at pinaka-memorable na yugto sa buhay ng mga estudyante.

Pero bukod sa bawal ang face-to-face classes ngayon dahil sa COVID-19 pandemic, naglabas ng kautusan ang Department of Education (DepEd) noong May 25, 2021, na bawal din ang face-to-face graduation and moving-up rites for school year 2020-2021.

Continue reading below ↓

Dahil dito, isang guro ng Lawigan Elementary School sa Tobias Fornier, Antique, ang nakaisip ng kakaibang paraan para maitawid ang graduation and moving-up rites ng mga estudyante.

Ang mungkahi ni Ma’am Rosalina Serguino: Gumamit ng kareta!

Matapos itong malagyan ng mga lobo at tela, nag-transform ito into a makeshift stage na may backdrop.

May special participation pa ang isang kalabaw.

Continue reading below ↓

Maputik ang mga ang daan sa lugar kaya isa-isang pinuntahan ng mga guro ng LES ang mga graduating students nila sa bahay ng mga ito para mairaos ang seremonya.

Ang ibang estudyante na sa itaas ng bundok ang bahay ay bumaba pa para makatuntong sa makeshift stage at makuha ang kanilang pinakaaasam na diploma.

Continue reading below ↓

Makikita sa mukha ng mga nag-graduate ang labis na kaligayahan sa napakaimportanteng okasyon na iyon sa kanilang buhay.

Ang mga larawan mula sa ginanap na mobile graduation ceremony ay nai-upload ni Charmie Serguino.

Makikitang naka-face mask ang mga estudyante at mga guro bilang pagsunod sa ipinatutupad na health and safety protocols.

Continue reading below ↓

Agad itong nag-viral at na-pick-up ng netizens at iba’t ibang media outlets.

Marami ring nag-share ng mga larawan ng mobile graduation.

Napaka-cute naman kasi ng makeshift stage na hila-hila ng kalabaw.

Sabihin pa, panay papuri ang natanggap ni Ma’am Rosalina at ng kanyang mga kasamahang guro.

Isa si Senator Loren Legarda sa humanga sa kakaibang ideyang ito.

Pinuri niya ang mga guro at ang pamunuan ng kanilang eskuwelahan.

Ang FB post ng senadora noong June 19:

“See what our teachers would go through to perform their tasks!

“Sending my salute to all our brave teachers for their continuous selfless dedication to their profession.

“In my home province of Antique, multi-grade level teacher, Rosalina Serguino came up with a bright idea to bring proper commencement exercises to her graduating students last week."

Continue reading below ↓

Idinetalye pa ng senadora ang pinagdaanan ng mga guro at ng kalabaw.

“With the help of their carabao – ‘driven’ by her Kagawad husband – with a decorated carroza to serve as stage for the students, and with her daughter as photographer, teacher Rosalina along with her 2 co-teachers and their principal of Lawigan Elementary School in Tobias Fornier town plowed through the muddy terrain of Sitio Taptapan to award medals and certificates to its graduating students: 9 from grade 6 and 4 from kinder."

Continue reading below ↓

Ang ibang paaralan raw ay gumamit ng multi-cab, kaya bilib na bilib si Legarda sa pagiging resourceful ng mga guro.

“Meanwhile, in another town, Sibalom, principal Arnulfo Batiao of Tulatula Elementary School also initiated a mobile graduation ceremony using a multi-cab that allowed 18 grade 6 and 19 kinder students experience this precious milestone.

“Duro duro guid nga salamat to teacher Rosalina, Principal Arnulfo at sa lahat ng ating magigiting na guro for their creative, dedicated and passionate service.

“Mabuhay po kayo!”

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
A carabao-driven mobile carroza accompanied the teachers who went house to house to give graduating grade schoolers their diplomas. Each kid went up the makeshift stage for the graduation ritual, avoiding the normal face-to-face staging of a graduation ceremony.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results