11-year-old Ifugao isinauli ang PHP100K+ na napulot sa jeepney

by KC Cordero
Jul 23, 2021
Itinuturing ngayong role model ang 11-year-old na si Denard Uy-uyon, Grade V pupil ng Panubtuban Elementary School sa Asipulo, Ifugao, dahil sa kanyang katapatan. Hindi niya pinag-interesan ang napulot na PHP102,450.

Kapag nakakita ka ng isang wallet na punung-puno ng pera, ano ang unang papasok sa isip mo?

Ito ang sitwasyong kinaharap ni Denard Uy-uyon, 11, Grade V pupil ng Panubtuban Elementary School sa Asipulo, Ifugao.

Pang-apat siya sa limang magkakapatid, at pagsasaka ang ikinabubuhay ng kanyang pamilya.

Sa tuwing may libreng oras si Denard, sumasama siya sa kapitbahay na bumibiyahe ng pampasaherong jeepney para tumulong sa pagbubuhat ng gamit ng mga pasahero.

Nitong Mayo, nakapulot si Denard ng wallet sa upuan ng jeepney.

Agad niya itong dinala sa kanyang ina na si Daisy.

Nang siyasatin ito ni Daisy, nakita nito ang pera, resibo ng withdrawal sa Landbank, at ID na may contact number ni Myrna Nalliw.

Kabarangay pala nila ang may-ari ng pouch na si Myrna.

Walang sinayang na sandali ang mag-ina at agad tinawagan si Myrna para isauli ang pera.

Continue reading below ↓

LABIS ANG PASASALAMAT NG MAY-ARI NG POUCH

Empleyado ng isang renewable energy corporation sa Ifugao si Myrna. Kawi-withdraw lang umano niya ng pera na pondo ng kanilang kumpanya.

Hindi raw niya alam na nahulog na pala ang kanyang pouch kung hindi siya tinawagan ni Daisy.

Labis ang pasasalamat niya sa mag-ina, at sobra-sobra ang papuri kay Denard.

Ani Myrna, masaya siya na naibalik ang pera nang buo. At sana raw ay marami pang tulad ni Denard na honest.

MODELO PARA SA LAHAT

Agad kumalat sa social media ang ginawang pagsasauli ni Denard ng pera, at naibalita ng malalaking media outlets.

Sa isang Facebook post noong Hulyo 17, 2021, ibinahagi at ipinagmalaki ng Department of Education Tayo Youth Formation Division Office of Ifugao ang katapatan ni Denard.

Ang post ng DepEd Tayo-YFDVOI (published as is):

“It was validated lately that this learner Denard B. Uy-uyon, 11 yr. old, a grade V pupil of Panubtuban Elementary School, Asipulo District found a big cash in the amount of P102,450 and gave it to his mother. Eventually, they were able to contact the owner and gave the money.

Continue reading below ↓

“Indeed, this young boy heard well and internalized the teachings of his parents, relatives, teachers and other mentors from other agencies. He is now a model to other children.”

Naririto naman ang ilan sa mga naging komento ng netizens sa post ng DepEd Tayo-YFDVOI:

Continue reading below ↓

REWARD PARA SA BATANG MATAPAT

Noong Hulyo 18 ay nag-post sa Facebook ng larawan ang isang kababayan niya na nagngangalang Dhi Vine.

May nagpapabigay raw ng reward sa batang matapat.

Ang caption ni Dhi Vine sa kanyang post:

“Turn over of the cash reward amounting to 10,000 pesos to Mr. Denard Uy-uyon of Panubtuban, Asipulo, Ifugao in recognition of his honesty when he returned a lost wallet containing more than a hundred thousand pesos to the rightful owner.”

Continue reading below ↓

Ayaw magpakilala ng nagbigay ng reward.

Ayon kay Dhi Vine, “Said reward was sent by a London-based netizen who refused to be recognized."

Aniya pa, isang tunay na halimbawa ng dugong Ifugao si Denard.

“May God bless you and your family and may you always be honest all throughout your life. Your act of honesty is truly remarkable and a true example of what an Ifugao should be.”

Ipinaabot din ni Dhi Vine ang pasasalamat ng pamilya ni Denard sa nagbigay ng reward.

“The family would also like to extend their deepest gratitude to the sponsor for the reward. Rest assured that it will be used for Denard's educational needs.”

Sa huli, sinabi niyang sana’y maging inspirasyon para sa iba ang katapatan ni Denard.

“May God also bless you bountifully and continually so you can be a blessing to others. May your kindness spread and be an inspiration to others. May your tribe increase! Haggiyo Ifugao!”

Continue reading below ↓

May interview rin sa mag-ina ang Ifugao vlogger na si Van Leoenhoek D. Catao noong July 20.

Continue reading below ↓

MALAKING FACTOR ANG PAYO MULA SA MAGULANG

Sadyang kapuri-puri ang ginawa ni Denard.

Ngunit malaking bagay din ang pagpapalaki ng kanyang mga magulang.

Si Denard na mismo ang nagsabi na sa kanila niya natutunan ang pagiging matapat.

Ang kuwentong ito ng totoong buhay ay isang patunay sa kasabihang, “The apple does not fall far from the tree.”

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Itinuturing ngayong role model ang 11-year-old na si Denard Uy-uyon, Grade V pupil ng Panubtuban Elementary School sa Asipulo, Ifugao, dahil sa kanyang katapatan. Hindi niya pinag-interesan ang napulot na PHP102,450.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results