Lechon na LV o inspired by safari, bentang-benta sa Cebu

by Bernie V. Franco
Jul 22, 2021
Roasted animals from the Safari? These are lechon that were painted to look like a leopard and a tiger (left photo). Designs can be customized with dedications or shapes and lines to achieve a unique look.
PHOTO/S: 3A's Letchon on Facebook

Swak na swak sa panlasa ng mga netizens ang mga nag-viral na lechon dahil sa kakaibang itsura.

Nagmistula kasi silang mga safari animals!

Ito ang pakulo ng 3A’s Letchon mula sa Danao City, Cebu.

Para maiba, naisipan ng may-aring si Anna Marie Batucan na kulayan at pintahan ang mga lilitsuning baboy para magmukhang ibang hayop, katulad ng leopard at tiger.

customized lechon

Continue reading below ↓

Puwede ring sulatan ang mga lechon ng dedication para mas personalized.

Puwede ring pintahan ng logos ng kilalang luxury brands para magmukhang mamahalin.

Favorite color mo ang green? Puwedeng gawing a la Incredible Hulk ang lechon.

Kuwento ni Anna Marie sa GMA News, “Nagsimula po akong mag-customize ng lechon nung nag-green lechon na po ako."

"Pero nauna yung greetings sa lechon, kasi may mga nagpapa-surprise, may mga broken-hearted na gustong i-surprise yung crush nila."

Pero ano ang pangkulay na ginagamit nila sa lechon para matiyak na safe ito?

Sagot ni Anne Marie, tinta ng pusit.

“Di ba, iba ang amoy noon? Ikaw na magluto noon para mawala yung lasa,” aniya tungkol sa pagtitimpla ng pangkulay.

Pero paano naman ang kulay berdeng lechon?

“’Yung green lechon, emerald green. Pinaghalong pandan leaves and lemon grass,” nakangiting pagbabahagi ng may-ari.

Aniya, matagal na oras ang ginugugol nila sa pagkukulay at pagpipinta para maging mas makatotohanan.

Continue reading below ↓

Libre lang ang pag-customize bilang panghatak ng customers.

Ang bawat lechon ay nagkakahalaga mula PHP6,000 hanggang PHP8,000.

3A's Letchon's samples of customized products, such as painting it with Louis Vuitton logos and a green lechon. They use colors derived from squid ink, lemon grass, and pandan.

Continue reading below ↓

Isang dekada na ang operasyon ng 3A’s Letchon.

At gaya rin ng ibang negosyo, may mga pagkakataong napanghihinaan ng loob si Anna Marie.

“Kasi ilang beses na po akong nadapa. Ilang beses na rin po akong ayoko nang magnegosyo, ayoko nang magbaboy kasi nakakapagod, nakaka-stress.

“’Tapos di mo alam kung masasayahan ba yung customer mo.”

Dahil sa kanilang pakulo, lalo raw lumakas ang benta nila matapos nag-viral ang kanilang customized lechon.

Buti na lang daw ay hindi sinukuan ni Anna Marie ang kanyang negosyo sa kabila ng mga pagsubok.

“Try lang nang try. Ganoon talaga pag nagnegosyo," sabi ni Anna Marie.

Ito pa raw ang isang susi para magtagumpay: “Basta mahal mo ang ginagawa mo.”

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Roasted animals from the Safari? These are lechon that were painted to look like a leopard and a tiger (left photo). Designs can be customized with dedications or shapes and lines to achieve a unique look.
PHOTO/S: 3A's Letchon on Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results