88-anyos diving lola sakalam na, makulay pa ang love life

by KC Cordero
Jul 24, 2021
Ikinagulat at ikinatuwa ng mga apo ni Lola Mediong ang pag-dive at paglangoy nito sa dagat dahil first nilang makitang gawin niya ito.

“Maka-proud kaau amu lola. Lola Mediong lang namin sakalam.”

Ito ang caption ni Maricris Samson Angelio, 27, empleyada ng isang e-games company, sa kanyang post sa Facebook account noong July 20, 2021.

Residente siya ng Can-adieng, Ormoc City.

Roughly translated, ang ibig niyang sabihin ay: “Proud kami kay Lola. Lola Mediong lang namin ang sakalam.”

Ang “sakalam” ay isa sa mga nausong salita ngayon na ang ibig sabihin ay “malakas” na ni-rumble lang.

May dahilan naman si Maricris para sabihing “sakalam” ang kanyang Lola Mediong, o Remedios Angelio, 88 taong gulang.

Nang araw ring iyon, July 20, ay nai-feature ng programang 24 Oras ng GMA-7 si Lola Mediong.

Ipinakita sa balita na nagda-dive at lumalangoy sa dagat si Lola Mediong. Sa kanyang edad, maganda pa ang porma nito sa pagda-dive.

Graceful pa itong lumangoy patungo sa bangka ng mga nagkakatuwaang bagets. Hindi lang isa kundi dalawang beses itong nag-dive.

Continue reading below ↓

Continue reading below ↓

Mga apo ni Lola Mediong ang mga bagets na nag-dare sa kanya para mag-dive.

Ang video na ginamit ng programa ay kuha ni Maricris sa kanyang lola noong July 11 at nai-post niya sa Facebook.

Mayroon na itong mahigit 2 million views, 1.3K reactions, 50 comments, at 584 beses na ring nai-share.

Continue reading below ↓

MAY NERVOUS BREAKDOWN SI LOLA MEDIONG DAHIL SA PANDEMYA

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Maricris noong July 24 sa pamamagitan ng FB messenger.

Isa sa limang anak ni Lola Mediong ang tatay ni Maricris. Aniya, matagal ng biyuda ang kanyang lola.

“Matagal na po. Wala pa ako noon,” pagbabahagi niya.

Agad naming kinumusta ang kanyang diving lola na sikat na sikat ngayon.

Aniya, “Okey naman po, malusog pa po. Kaso po, noong nagsimula ang pandemic, nagka-nervous breakdown po si Lola.

“Kaya po inaaliw namin siya gaya ng pagligo namin sa dagat.”

Ikinuwento rin ni Maricris na first time nilang nakitang nag-dive ang kanilang lola kaya tuwang-tuwa sila nang malamang mahusay pala ito maging sa paglangoy.

“Opo. Hindi din po yun naliligo sa dagat,” paglilinaw ni Maricris.

Nagulat na nga lang daw sila nang pormang tatalon ito, medyo sumayaw, at nag-sign of the cross pa kaya agad niyang kinunan ng video.

Continue reading below ↓

Kasama ngayon ni Lola Mediong sa bahay ang bunsong anak na lalaki na walang asawa.

Hindi naman daw malayo kina Maricris ang tinitirhan ng matanda. “Kami po ay nasa likod lang ng bahay niya.”

SOBRANG BAIT NG MASIPAG NA DIVING LOLA

Nang itanong namin kung ano ang personalidad ni Lola Mediong, sinabi ni Maricris na sobrang bait nito sa mga apo at maging sa mga apo sa tuhod.

“Masipag din po siya. Gusto niya ay laging may ginagawa,” dagdag niya.

Inusisa rin namin kung nabakunahan na ba si Lola Mediong ng panlaban sa COVID-19.

“First dose pa lang po.” At nang mag-dive daw si Lola Mediong sa dagat ay vaccinated na ito.

Dahil nabanggit niyang nagkaroon ng takot ang kanyang lola, inalam namin kung sa kabila ng bakuna ay may nararamdaman pa rin itong anxiety dahil sa pandemya.

Mayroon pa rin daw, ayon kay Maricris. “Opo. Lalo na po pag gabi.”

Continue reading below ↓

Ang ginagawa raw nila para mapayapa ito, “Pinapatulog na lang po namin. At umiinom po siya ng gatas.”

Sa ngayon ay hindi pa raw uli lumangoy o nag-dive si Lola Mediong sa dagat.

TUBA AT LOVE LIFE

Sa ulat ng 24 Oras ay nabanggit na umiinom din ng tuba si Lola Mediong.

Ayon sa apo nito, “Opo, umiinom siya, pero hindi naman po maramihan. Parang shot lang po. Bumibili siya sa tindahan.”

Naikuwento ni Maricris sa PEP na dahil biyuda na ay ligawin noon si Lola Mediong. Biro namin sa kanya, ang haba pala ng hair ng kanyang lola.

“Opo, ha-ha-ha!” pagsang-ayon niya.

Nagbahagi rin siya ng ilang detalye tungkol sa makulay na love life ni Lola Mediong, pero pakiusap niya, “Huwag ninyo na lang pong isali. Baka magalit na ibinuking ko siya, ha-ha-ha!”

Sabi namin sa kanya ay sayang dahil iyon sana ang kilig at fun part, pero iginalang namin ang kanyang request.

Continue reading below ↓

Sa ngayon, enjoy ang mga apo ni Lola Mediong sa pag-aalaga sa kanilang diving lola.

Tuwang-tuwa rin sila sa celebrity status nito ngayon dahil sa pag-dive at paglangoy nito sa dagat sa kabila ng kanyang edad at pinagdadaanan dahil sa pandemya.

Continue reading below ↓

Na-claim din nila na ang kanilang lola ay isang tunay na sakalam.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ikinagulat at ikinatuwa ng mga apo ni Lola Mediong ang pag-dive at paglangoy nito sa dagat dahil first nilang makitang gawin niya ito.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results