Ang kakaibang "war room" ng 2019 architecture board topnotcher

by KC Cordero
Jul 27, 2021
Pinuno ni Justin Lei Ramos ang kanyang kuwarto ng review materials na nakasulat sa manila paper at coupon bond na nakadikit sa dingding bilang paghahanda sa 2019 architecture licensure exam. Nagbunga naman ang kanyang efforts dahil naging topnotcher siya.

Mistulang “war room” ang kuwarto ni Justin Lei Ramos, na naging topnotcher sa January 2019 Architecture Licensure Examination.

Pagmamalaki ng netizen na si Sean Ramos sa mga larawang naka-post sa kanyang Facebook account noong February 1, 2019: “All the hardwork and sleepless nights had paid off!

"This is my sister's room. Top 1 in 2019 Architecture Licensure Examination.”

Sa kabila ng kasalukuyang digital age na dapat ay mga LCD monitor ang makikita, old school ang mga materyales na ginamit ng kapatid, gaya ng manila paper at coupon bond na may mga notes, at nakadikit sa dingding ng kuwarto.

Bukod pa rito ang mga nakasalansang ring binders.

Kung pagbabatayan ang caption ni Sean, ito ang mga review materials ni Lei para sa board exams.

Continue reading below ↓

Continue reading below ↓

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Lei noong July 26, 2021.

Kuwento ng dalaga tungkol sa kanyang war room:"Naisip ko pong idikit iyong mga review materials sa wall ng room ko kasi I’m a visual learner.

"And also, I’m better at remembering and memorizing things if lagi ko pong nakikita."

Continue reading below ↓

post-exam jitters

Si Lei na taga-Alegria, Cebu, ay produkto ng Cebu Institute of Technology-University (CIT-U).

Nag-graduate siya noong March 2017.

Siya ang tanging nagtapos mula sa Visayas na nakapasok sa Top 10 ng nasabing pagsusulit.

Hindi raw ito makapaniwala na nakapasa siya, at higit pa roon, nag-topnotcher siya.

Kuwento ni Lei sa panayam sa kanya ng SunStar Cebu noong February 1, 2019, "I thought the result was fake news.

"The exam was very hard. Only 10-20 percent of what I reviewed actually came out of the exam."

Pakiramdam nga raw niya pagkatapos ng exam ay bagsak siya.

Pagkauwi niya ng bahay ay sinabi pa niya sa kanyang parents na sana ay matanggap pa rin siya sakaling bumagsak siya sa pagsusulit.

Continue reading below ↓

Father is an ofw; MOTHER A HOMEMAKER

May pinaghuhugutan kasi si Lei noong time na iyon kaya matindi ang hangarin niyang maipasa ang licensure exam at maging architect.

Ang ama niya ay isang overseas Filipino worker sa Saudi Arabia at homemaker naman ang kanyang ina.

Nang magkolehiyo, hindi architecture ang kinuha niyang kurso kundi medical technology.

Pagtatapat niya sa panayam pa rin ng SunStar Cebu, “It was my mother's dream for me since she was a nurse. No matter how hard I tried, the medical field really just wasn't for me,"

Maging isang architect ang kanyang pangarap.

Aniya, “I always knew I had the knack in designing. I had to prove to myself and to my parents that I will not be a failure."

Continue reading below ↓

Mabibigat din ang mga pinagdaanan niyang pagsubok.

Bukod sa kailangan niyang patunayan sa kanyang parents na hindi siya failure matapos hindi magtagumpay sa unang kurso at mag-shift, nawalan pa ng trabaho ang kanyang ama.

Nahirapan ang pamilya sa aspetong pinansiyal, at apektado rin si Lei.

Pagbabahagi niya, "Dako kaayo ang nagastoS sa akong parents unya magshift-shift ra.”

Ang ibig niyang sabihin, malaki na ang nagastos sa kanya ng kanyang parents, tapos ay nag-shift pa siya.

Dagdag niya, “It was one of the saddest moments of my life."

Gayunpaman, hindi raw siya bumitaw sa kanyang mga pangarap.

Ayon sa topnotcher, "Before I study, I always pray to God. After I study, I always pray to God. Without my faith in Him, I would've given up a long time ago.”

Continue reading below ↓

Naging lakas din niya ang mismong suporta ng mga magulang.

Lahad ni Lei, “Always very supportive, taking their time to make me coffee, to help me wake up, and taking me to my school. I am very thankful I have them."

HOW TO BE A BOARD TOPNOTCHER

Nang maka-graduate at magsimula na siyang mag-review para sa licensure exam ay “nagbakasyon” si Lei sa social media para makapag-focus siya.

Ang isang malaking ginawa niya ay ang mag-deactivate ng Facebook account.

At bukod sa kanyang war room, lagi rin siyang nakababad sa Cebu City Public Library (CCPL).

Ang CCPL ang pinakauna at nag-iisang library sa Pilipinas na bukas 24/7, at may internet connection.

Kaya kapag may kailangan siyang review material na hindi available sa nasabing library, nakaka-access siya ng reference materials online.

At dahil library, tahimik ang lugar kaya walang masyadong distraction sa ginagawa niyang pagre-review.

Ayon sa Professional Regulation Commission, mula sa 1,990 na kumuha ng 2019 Architecture Licensure Examination, 1,120 ang nakapasa.

Continue reading below ↓

Kung babalikan ni Lei ang araw na kumuha siya ng exam, ang pakiramdam talaga niya ay bagsak siya.

May mga bahagi kasi sa pagsusulit na hindi niya nagawa ang tamang computations at ginamit na lang daw niya ang kanyang instincts.

Dahil dito, nagdasal na lang siyang makapasa at magkaroon ng lisensiya para mai-design at maipatayo ang kanyang dream house para sa kanilang pamilya.

Kaya sobra siyang na-surprise nang siya ang maging topnotcher.

Continue reading below ↓

Ayon kay Lei, naging inspirasyon niya ang ama na nawalan ng trabaho sa Saudi Arabia.

"When he lost his job, knew I had to pass that exam.”

Sa ngayon ay isa si Lei sa founders ng TopLab Architecture.

Naitatag nila ito ng kanyang co-founder noong December 2020.

Ang nasabing kumpanya ay gumagawa ng flashcards para sa architecture students and board exam reviewees.

Ayon sa TopLab Architecture Facebook page, carefully curated ni Lei at ng kanyang co-founder ang mga flashcards na may straightforward notes, na easy to memorize and familiarize yourself with, at merong clear pictures with descriptions.

Mukhang galing sa kanyang war room noong nagre-review pa lang siya ang laman ng flashcards.

Continue reading below ↓


PHOTO courtesy of Justin Lei Ramos. S

Continue reading below ↓

Payo naman ni Lei sa mga nangangarap ding maging architect: "Focus on your goal. Take time to pray and take time to relax."

At idagdag na natin na laging magbabad sa library para mag-aral o mag-review, at iwasan ang social media.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Pinuno ni Justin Lei Ramos ang kanyang kuwarto ng review materials na nakasulat sa manila paper at coupon bond na nakadikit sa dingding bilang paghahanda sa 2019 architecture licensure exam. Nagbunga naman ang kanyang efforts dahil naging topnotcher siya.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results