Bakit walang groom sa wedding photo shoot na ito?

by KC Cordero
Aug 7, 2021
Isang chapter sa buhay ni Samantha Luna ang tuluyang nagsara matapos ang wedding photo shoot na ito. (Photo courtesy of Athina De Ocampo Creative Studios)

Ang saya ng bride.

Ang gara ng kanyang wedding gown.

Nakangiti itong pumasok sa simbahan at naglakad sa aisle.

Continue reading below ↓

Ngunit maliban dito, wala na ang iba pang sangkap para sa isang romantic na kasalan.

Wala ang mga magulang at kamag-anak ng mga ikakasal.

Walang mga abay, ninong, ninang at mga bisita.

Walang officiating priest.

At higit sa lahat, wala ang groom na dapat sana ay naghihintay sa harap ng altar.

Continue reading below ↓

Ang groomless bride ay si Samantha “Sam” Luna, 27, taga-Lipa City, Batangas.

May kabuluhan ang dramang ito ni Sam, ayon sa photographer at creative director ng wedding photo shoot na si Athina Rose de Ocampo.

Aniya, “The photo shoot wasn’t the actual photo shoot na booked for her supposed-to-be wedding.

“Bale, it was more like done and planned after two years when she had moved on and decided to close the chapter.

“That’s when the photo shoot took place.”

Ang “chapter” na binabanggit ni Athina ay ang back story ni Sam kung bakit missing in action ang groom sa kakaibang wedding photo shoot na iyon.

Sina Sam at Athina ay nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) via Viber noong July 28 at August 3-4, 2021.

NAKIPAG-BREAK ANG BF MATAPOS MAPLANO ANG KASAL

Kuwento ni Sam, pitong taon ang naging relasyon nila ng dapat sana ay kanyang groom. “Okey naman. Masaya kami, chill lang kami na couple.

Continue reading below ↓

“Mahilig kaming mamasyal noon at gumala. Pero siyempre, di naman perfect yung relationship namin.

“Minsan may away din, misunderstandings, ganyan...”

Taong 2019 nila napagplanuhan ang pagpapakasal. Wala siyang sinabing exact date pero ang target sana nila ay noong 2020.

Ang masaklap nga lang ayon kay Sam, “2019 din kami nag-break...”

Wala aniya siyang naramdaman na makikipaghiwalay sa kanya ang kanyang BF noong time na iyon.

Ani Sam, “Very involved pa nga siya, e. Pinuntahan pa namin personally yung venue, caterer, church. May mga suggestions pa siya, ganoon...”

Kaya hindi niya inaasahan ang naging desisyon nito. “Magkaharap kami, haha! As in nakipag-break siya.”

Hindi niya itinago ang naramdaman sa biglang pangyayaring iyon. “Siyempre, nasaktan ako nang sobra...

“Kasi hindi naman kami basta lang nag-break. Seven years kami together, tapos engaged pa.

“Super hirap talaga. Pero I acknowledged that we weren't together anymore.

“I grieved about it and felt the pain. I accepted what happened even if it was hard.”

Continue reading below ↓

Nang tanungin ng PEP.ph si Sam kung ano ang sinabing dahilan ng kanyang ex sa naging desisyon nito, aniya ay private matter iyon, at wala siyang babanggitin bilang respeto rito.



Continue reading below ↓

NAGING MAS BUSY PARA MAKA-MOVE ON

Para sa iba na walang pinagdadaanan ay madaling sabihin na mag-move on na lang.

Ngunit iba ang sitwasyon kapag ikaw na mismo ang may kinakaharap na predikamento.

Sa kaso ni Sam, matatag niyang hinarap ang chapter na iyon ng kanyang buhay.

Pagbabahagi niya, “I tried very hard to find the will to want to move on by focusing on myself and the things I love.

“I spent time with my family and friends more, focused on the people who love me.

“I surrounded myself with an amazing support system, my family and friends who encouraged me, supported me, but did not tolerate me.”

Nagpaka-busy rin siya sa mga makabuluhang activities na gusto man niya noon ay hindi niya nagawa "while I was in that seven-year relationship."

Pagpapatuloy ni Sam, “Nag-workout ako, pole fitness, aerial hoop.

"Nag-aral akong sumayaw, nag-paint ako ng mga kuwarto, wall art.

Continue reading below ↓

“Natuto rin akong mag-ayos ng mga tubo sa banyo!

“I spent more time with family and friends.”

Plano rin sana niyang mag-travel at nakapag-book na siya ng international at local flights, pero dahil sa pandemic ay hindi natuloy ang mga ito.

IBEBENTA NA SANA ANG WEDDING GOWN

Ayon kay Sam, ang kakaibang wedding photoshoot ay ideya mismo ni Athina.

Aniya, “Si Athina talaga yung nag-tap sa akin para gawin yung photoshoot.”

Noong April nitong taon nai-suggest ni Athina, 27, ang photoshoot kay Sam. Na-execute ito noong June, at na-upload sa Athina De Ocampo Creative Studios Facebook page noong July 24, 2021.

Ang trahe de boda na ginamit ni Sam sa photoshoot ang isusuot din sana nito sa mismong kasal.

Lahad ni Athina, “The concept came to my mind when Sam told us that the gown was here and she was already considering to sell it.

“So, knowing her story, I told her that she should keep a souvenir of this whole journey. And as a photographer, I’ll help her do that in a creative way.”

Continue reading below ↓

Agad na rin nilang pinlano ang magiging execution.



Dagdag ni Athina, “I pitched the concept to her and told her that there’s a lot of people out there who needs to hear this.

Continue reading below ↓

“It’s a story worth celebrating.

“She was very private about this and not much people actually knew that the wedding did not push through.

"So, I wanted to once and for all move on and free herself from this phase of her life.”

Pumayag naman si Sam sa kanyang ideya.

Sabi ni Athina, “We were very specific about telling the true emotions and what exactly happened so we can stay true to her story.

“I wanted the focus of the direction to be on how she moved on so I wanted less of the details of the past.

“I wanted it to be about Sam and her life after that heartbreak.”

Continue reading below ↓

EMOTIONALLY INVOLVED DIN ANG PHOTOGRAPHER

Lahad pa ni Athina, matagal na silang magkaibigan ni Sam kaya emotionally invested din siya sa wedding photoshoot project na ito.

Kuwento niya, “Since first year high school, magkaibigan na talaga kami until now. Kaya kilala ko siya fully.

“Kaya rin siguro naging maganda ang delivery ng emotions and story sa shots dahil I’m her friend.”

Malaki ang naging paghanga ni Athina kay Sam kung paano nito na-handle ang isang sitwasyon na kung sa ibang babae nangyari ay baka iba ang naging ending.

“Actually, this concept was really just to close that chapter of Sam’s life,” aniya.

“I was very moved by how strong, yet beautiful her story is, especially on how she moved on.”

Naging wedding photographer si Athina sa Oman sa loob ng tatlong taon. Kababalik lang niya sa Pilipinas this year.

“Tapos na yung contract ko, and ayoko nang mag-renew,” ani Athina. “Gusto ko nang makasama ang family ko and friends ko.”

Continue reading below ↓

Ngayong taon din niya itinayo ang kanyang studio, at maganda ang nagiging direksyon nito sa kabila ng pandemic.

Pag-aanalisa niya, “Actually, I think dahil sa pandemic, I had more indoor shoots since most places are closed and kids cannot go out.

“So, mas maraming instead na magpa-big party, nagpapa-photoshoot na lang to celebrate their birthdays.

“I don't find the pandemic a hindrance. I think if you look at it from a positive angle, you can make it work.”

Matapos namang mai-upload noong July 24 sa Athina de Ocampo Creative Studios FB page ang mga kuha sa photoshoot, mayroon na itong 7.1K reactions, 601 comments at 5.9K shares.

"BUMANGON MULI AT ITULOY LANG ANG BUHAY"

Sa ngayon, bukod sa pagiging busy ni Sam sa trabaho bilang executive assistant sa isang company na di na niya binanggit, itinutuloy rin niya ang plano na maging isang doktor.

Ani Sam. “Nagwu-work ako ngayon, saka magsisimula na yung classes namin sa med school,”

Continue reading below ↓

Payo niya sa mga kababaihan sakaling pagdaanan din ang nangyari sa kanya, “Advice ko lang ay love yourself first and always know your worth.

“You are amazing and beautiful, and you are enough. Don't lose hope and faith in love and in God.”

Naging malawak nga ang mindset ni Sam sa moving-on phase ng sad experience na iyon.

Payo pa niya, “Paano mag-move on? I-focus ang oras at atensyon sa sarili at sa pamilya at mga kaibigang nagmamahal sa iyo.

“Bumangon muli at ituloy lang ang buhay.

“Gaya nang nakasulat sa isa sa mga captions ko doon sa pictures: ‘Life goes on without you and I am going to make it wonderful’."

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Isang chapter sa buhay ni Samantha Luna ang tuluyang nagsara matapos ang wedding photo shoot na ito. (Photo courtesy of Athina De Ocampo Creative Studios)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results