3 Pinoy high schoolers wagi sa International Chemistry Olympiad

by KC Cordero
Aug 9, 2021
Naniniwala ang mga Pinoy high school students na lumahok sa 53rd International Chemistry Olympiad sa Japan na kung maglalaan ng pondo at bibigyan ng importansiya ang science and technology sa Pilipinas ay uunlad tayo sa larangang ito. Photo courtesy of Integrated Chemists of the Philippines (ICP)

Kasabay ng pakikipagtunggali ng ating mga atleta sa 2020 Tokyo Olympics, nakipagtagisan din ng talino sa larangan ng agham ang mga estudyanteng Pinoy sa ginanap na virtual edition ng 53rd International Chemistry Olympiad (IChO) sa Japan mula July 25 hanggang August 2, 2021.

Nakasungkit sina Nathan Wayne Ariston (Philippine Science High School - Central Mindanao Campus) at Ron Angelo Gelacio (Philippine Science High School - Main Campus) ng tig-isang silver medal, habang bronze naman ang nakuha ni Aames Juriel Morales (De La Salle University Integrated School [Senior High School] - Manila Campus).

Sa panayam ng 24 Oras noong August 6, ibinahagi ni Nathan ang chemical problem na kinailangan niyang i-solve sa Olympiad.

Kuwento niya, “It was about hydrogen storage.

“Sabi nila, the future daw ng electric car and yung vehicle mismo ay yung fuel cells na hina-harness na reaction ay byproduct ng water, so it needs hydrogen storage.

“Yun ang tinackle ng problem. Problem No. 1 pa talaga yun. Nahirapan ako roon.”

Continue reading below ↓

Ayon naman kay Aames, “I think I could have done better po.

“And I’m apologetic to our mentors kasi they exerted a lot of efforts in teaching us, but I wasn’t able to translate that into a better medal po.”

Nakikita rin ni Nathan na mas maraming oportunidad ang makukuha ng mga Pilipino kung bibigyan ng importansiya ang science and technology.

Aniya, “I believe if malaki yung pondo, kung mapakitaan natin ng more importance ang science and technology sa country natin, I’m pretty sure uunlad tayo in that aspect.

“Naniniwala akong maraming matatalino sa atin.”

Nakatanggap na rin siya ng offer para mag-aral sa Yale University kung saan plano niyang kumuha ng Bachelor of Science degree in Physics sa susunod na taon.

Nangako naman sina Nathan at Aames na anuman ang kanilang matutunan sa ibang bansa at ma-achieve, gagamitin nila iyon para sa pag-unlad ng Pilipinas.

“Pangako ko po sa sarili ko, kahit ano’ng mangyari ay maglilingkod ako sa aking bayan sa abot ng aking makakaya,” ani Aames.

Continue reading below ↓

Nasa 300 estudyante mula sa 79 na bansa ang lumahok sa 53rd IChO.

Ang IChO na taunang kumpetisyon para sa pinakamahuhusay na high school students sa chemistry ay unang isinagawa noong 1968.

Bawat bansang kalahok ay nagpapadala ng team na kinabibilangan ng apat na estudyante, at isinasalang sa five-hour laboratory practical and five-hour written theoretical examination.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Naniniwala ang mga Pinoy high school students na lumahok sa 53rd International Chemistry Olympiad sa Japan na kung maglalaan ng pondo at bibigyan ng importansiya ang science and technology sa Pilipinas ay uunlad tayo sa larangang ito. Photo courtesy of Integrated Chemists of the Philippines (ICP)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results